Chapter LV: Ang Pagsisimula ng Katapusan

1K 42 33
                                    

"Hindi tunay ang kasal ninyo ni Brandy."

Natulala si Rem sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala. Parang mababaliw siya sa sakit na kanyang nararamdaman. Lahat pala ng pinaglalaban niya para sa kanila ni Brandy ay pawang kasinungalingan lang.

"Sana'y mapatawad mo ako." Sabi pa ni Lucio

Gustong gusto niyang sumigaw ngunit hindi na niya kaya pa dahil parang inalisan siya ng lakas. Nanlulumo siya at nanginginig sa sobrang pagkabigo.

"Huwag, huwag na huwag mong ipapaalam kahit kanino ang totoo. Kahit kay ina, kay lolo, kay Froilan at lalong lalo na sa aking asawa. Nakikiusap po ako. Nagmamakaawa ako. Huwag nyo pong sabihin sa kanila. Hayaan ninyo na pong ako ang magsabi." Tumulo na lang ang luha ni Rem

Umalis na agad si Rem at sinama niya nga si Brandy. Naiwan namang punong puno ng pagsisisi at paghihinagpis ang kanyang ama-amahan.

Pagkauwi niya, agad siyang pumunta sa kusina upang kumuha ng bote ng alak. Pumasok siya sa kanyang sariling opisina sa kanilang bahay upang makapagisa. Uminom lang siya ng uminom upang malimutan ang sakit na kanyang nararamdaman. Ngunit sa bawat paglagok niya ng alak para bang mas lalo pa itong nadaragdagan.

Nagwala si Rem sa loob ng kwarto. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Halos sirain niya lahat ng gamit. Napahiga na lang siya sa sahig sa kalasingan at napaghagulgol. Maya maya'y napatulala na lang siya sa itaas ng kisame.

Rem's POV

Nakatawa... nakatawa... ginagawa kang baliw ng lintik na tadhanang yan. Pilit kayong paglalapitin ng lahat at kung kailan tanggap mo na at masaya ka na, saka naman babawiin. Pipilitin din kayong paglayuin. Ang hirap, sobrang hirap lalo na't nagiisa kang pinaglalaban kung anong mayroon kayo sa kasalukuyan. Iniwan ako ni Brandy na sa laban na ito at ang huling bagay na aking pinaghahawakan upang di siya bitawan ay isa lang palang kasinungalingan. Para siyang isang bangungot. Tipong hindi ka na makahinga, makagising at makabangon sa sakit na iyong nararamdaman. Unti unti kang nilalason ng sabay na pag-ibig at pag-kamuhi. Ano bang silbi ng lahat ng ito? Bakit ko pa siya nakilala? Hanggang kailan ako lalaban?

Isang araw, habang nasa bahay si Brandy...

"Baklaaaaaa!!!" Tuwang tuwang sabi ni Bart

"Barrrrtttttt!" Masayang sabi ni Brandy sabay yakap ng mahigpit dito

"Ayy teh! Bakit parang tumaba ka?"

"Tara na lang sa kwarto. Dun na ko magkwekwento."

Pagpasok ni Bart sa kwarto nila Brandy, manghang mangha siya sa daming damit, bags, sapatos at kung ano ano pang mga magagandang bagay.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon