Chapter XXVI: Christmas Vacation

1.1K 35 11
                                    

Dahil malapit na ang Christmas vacation ng mga estudyante, ibig sabihin, malapit na din ang midterms nila. Naghahanda na din ang mga estudyante para sa kanilang nalalapit na exam.

"Hoy Bart. Dating gawi! Hati tayo sa mga papagaralan ha! Tapos kopyahan!"

"Sows! Akala ko ba natututo ka na kay Rem? No cheating policy nga diba?"

"Alam mo parang yung nireview mo lang yan nung isang araw, nakakalimutan din. Tsaka mahalaga to teh! Wala na kong pambayad sa teachers para mapasama ako sa dean's list."

"Basta tulad nung dati. Pag nag 'tsk' ako, letter a. Pag kinusot ko ang mata ko, letter B. Paghinawakan ko yung nose ko, C naman. Pag D naman, ililipat ko yung ballpen ko sa kaliwang kamay ko. Ikaw din ah."

"O sige, sige."

Sa araw ng exam...

"Okay class, magkakaroon ng panibagong seating arrangement ngayon exams natin."

Nanlaki ang mata ng dalawa. Naisip nilang parehas silang lagot dahil sa kalokohan nila.

"Noooooo" sabay extend ni Brandy ng kanyang kamay habang nakikitang papalayo si Bart.

Nahirapan nga si Brandy sa mga exams. Nang lumabas ang result ng midterms, halos lahat ng subjects ay binagsak ni Brandy. Si Bart naman pumasa sa lahat.

"Hayop ka! Akala ko friends tayo! Bakit pumasa ka, ako bumagsak?"

"Ewan ko. Stock knowledge siguro."

"Weh? Nagaaral ka eh! Sinasabi mo lang na di ka nagaaral, tapos papasa ka, matataas pa scores mo! Bwisit! Palusot ka pa!"

"Nakikita ko na ang magiging reaksyon ni fafa Rem, kapag nalaman yan."

"Huwag mong sasabihin, papakain ko tong test papers ko sayo!" Pinadilatan ni Brandy si Bart

"Nga pala, bakla, saan ninyo naman balak ni Rem magchristmas day?"

"Di kasi sasama sina Mommy sa province eh, busy daw. Kaya sabi ni Rem dito na lang daw muna kami para naman makasama ko parents ko sa Christmas."

"Ay kame, baka sa China! Pasalubungan na lang kita ng noodles teh!"

"Bwisit ka. Sige manginggit ka pa!"

Habang sina Lia at Froilan naman...

"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko." Sabi ni Lia

"Depende kung ano yan. If you'll say that you've chosen Rem over me, I guess di lang ako magugulat, baka magwala din." Pagbibiro ni Froilan kay Lia

"Hindi yun. Diba sinabi ko na. Okay na. Medyo tanggap ko na lahat."

"So ano yun?"

"Friends na kami ni Brandy."

"Oh? Pano?"

"Nagulat ka eh! Haha! Basta, okay na din siguro tong ganito kahit masakit. Siguro ako lang talaga yung tipo ng taong di talaga kayang magtanim ng sama ng loob."

"Well, I don't know if that part of you is good or bad."

"Ikaw din sana, huwag mo na ding kamuhian ang kapatid mo. Kapatid mo pa rin yun."

"Ewan. Magkaiba kasi tayo Lia, masyado ka kasing mabait."

"Froilan naman."

"Sa future siguro. Bahala na. Nga pala, babalik ka ba sa San Antonio?" Iniba na lang ni Froilan ang kanilang usapan.

"Sana. Ikaw ba? Hindi ka ba sasama? Ang tagal mo nang di nauwi."

"Hindi naman ako hinahanap don. Ayoko din."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon