Chapter LIII: The Beginning of the War

964 43 26
                                    

Nang minsang magwithdraw si Froilan mula sa atm, laking problema niya nang hindi siya makakuha ng pera sa kahit anong machine ang puntahan niya. Sinubukan niyang pumunta sa bangko upang alamin ang dahilan.

"Sir, nakahold po lahat ng accounts ninyo."

"What?! Paanong nangyari yon?"

"Sir pinahold po ng kapatid ninyo pong si Supremo Potranco Acosta V ang mga accounts ninyo."

"Shit!"

Inis na inis si Froilan sa ginawa ng kanyang kapatid. Ngunit mas malaki pa rin ang galit sa kanya na nagmumula sa pagpapalayo nito kay Brandy sa kanya. Wala na sina Rem sa dating unit nito, hindi naman niya agad mahagilap ang kapatid kapag nasa unibersidad sila kaya't minabuti niyang puntahan ito sa opisina niya sa kanilang kompanya.

"Mga ganitong oras nandito na siguro yon!" Sabay baba ni Froilan mula sa kanyang kotse

Nang papasok pa lang siya sa pintuan ng kanilang kompanya, agad namang hinarangan siya ng mga gwardya.

"Anong problema nyo?" Iritadong sabi ni Froilan

"Sir Froilan, mahigpit pong pinagbabawal ni Sir Rem na huwag na daw po kayong papapasukin dito."

"Teka lang ha! Wala siyang karapatan dahil isa din ako sa may-ari ng kompanyang to, kaya wala siyang karapatan na pagbawalan ako."

May lumapit na isang babae kay Froilan, mukhang ito ang secretary ni Rem.

"Sir Froilan, huwag na po kayong manggulo dito. Nawalan na po kayo ng karapatan po sa kompanya nang ibigay ninyo na din po ang mga shares sa inyong kapatid. Pinagbawalan niya po kaming papasukin kayo. Kapag nagpumiglas po kayo, sabi niya po kahit saktan daw po kayo ng guards okay lang. Kung makapasok man po kayo, kami din po ang malalagot. Kaya po sir, please po huwag na kayong magpumilit pa."

Tumalikod na nga si Froilan at bumalik sa kanyang kotse.

"T*ngina! Hayop! Matapos kong ipaubaya lahat sa kanya!" Napahampas na lang si Froilan sa kanyang manibela

Isa lang ang naisipan niyang puntahan, ang kanyang ina at lolo sa hospital. Nang makarating na siya sa hospital, agad naman ding hinarangan siya ng mga bodyguards na nagbabantay sa kwarto kung saan nakaratay ang kanyang ama.

"Pati ba naman dito?"

"Sir, pinagbawalan po kami ni Sir Rem na huwag daw po kayong palapitin sa inyong lolo, ina at ama."

"What the f*ck?! They are my family!"

"Pero sir bilin din po kasi pagnagpumiglas daw po kayo maari daw po namin kayong sak-" bago pa matuloy ng isang bodyguard ang kanyang sasabihin nasapak na ito ni Froilan.

Nagsimulang magkagulo sa loob ng hospital. Nakipagsuntukan si Froilan sa tatlong lalaking pinipilit siyang harangan. Dahil sa ingay sa labas ng kwarto, sinilip ng lolo at ina ni Rem kung ano nga bang nangyayari. Nakita nilang subsob na ang mukha ni Froilan sa sahig at may nakadagan nang isang bodyguard kay sa likod ni Froilan. Nakaposas din patalikod ang kanyang mga kamay at may nakatutok nang baril sa ulo nito.

"Si Froilan!" Naawang sabi ng ina

"Ako lang ang lalabas." Sabi ng lolo

"Ngunit lolo, anak ko din po si Froilan."

"Tumigil ka Mariana! Alalahanin mo ang batas ni Rem."

Napalabas ang kanyang lolo.

"Itigil ninyo yan! Sa susunod na tutukan ninyo ng baril si Froilan, mananagot kayo sa akin!" Sabi ng lolo

"Pero sir, tinatakot lang namin. Sobra kasing tigas ng ulo eh!" Sabi ng isang bodyguard

"Manahimik ka!" Sabi ng lolo

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon