Chapter X: Ang Kaarawan ni Lolo

1.3K 41 15
                                    

Nakaupo si Lia sa isang bench habang nagbabasa nang lumapit si Froila at tumabi ito kay Lia.

"Lia" bati ni Froilan sabay halik sa pisngi ni Lia

Nagulat si Lia. Sasampalin nya sana si Froilan ngunit napigilan niya ang kanyang sarili.

"Pasensya na."

"Okay lang  yan Lia. Masasanay ka din."

Sinubukang ibahin ni Lia ang usapan.

"Froilan, malapit na nga pala ang kaarawan ng ikalawang Supremo."

"Oo tumawag nga sakin si Dad. Pinapauwi ako."

"Tumawag din sa akin si inay eh. Makauwi nga kaya muna. Pamilya mo pa man din ang nagrekomenda sa school na ito upang ako'y mabigyan ng scholarship."

"Kaya mo na ba makita si kuya?"

Hindi nakaimik si Lia sa sinabi ni Froilan

"Tumanggi na ko Lia. Sinabi ko hindi muna ako uuwi. Okay lang yun. Maiintindihan ng mga yun. Bumati ka na lang. Pag nagalit sila, ako na ang bahala."

"Uhm. Sige."

Ilang araw na nga ang lumipas at dumating na ang kaarawan ng lolo ni Rem. Hapon ang selebrasyon, marami nang dumadating...

Brandy's POV

Kelangan talaga another baro't saya yung damit ko? Diba dapat cocktail dress! Nakakamiss lang magsuot ng mga ganung damit.

Dumating na din si Brandy kasama si Rem sa lugar ng selebrasyon.

Nagmano ang dalawa sa magulang nila. Sumunod ay lumapit sa lolo na nakaupo sa unhan. Nagmano sila, humalik sa pisngi at ibinigay na ang regalo.

Mga ilang saglit pa'y nagsimulang magtalumpati ang lolo

"Magandang hapon sa inyong lahat. Ako'y napakaligaya sa inyong pagdating sa aking ika walong pu't dalawang kaarawan. Nagpapasalamat ako sa aking anak na si Mariana na siyang nagayos at nagorganisa nitong okasyon..."

Marami pang sinabi ang lolo ni Rem. Hanggang sa maipakilala na si Brandy at Rem.

"Siya nga pala, ako'y nagagalak na ipakilala ang aking bagong apo, kabiak ng ikalimang Supremo, si Belinda Raniela Valdimoza."

Feel na feel naman ni Brandy ang pagpapakilala sa kanya. Kasama niya si Rem na pumunta sa unahan.

"Para akong beauty queen nito." Bulong ni Brandy kay Rem sabay kaway ng kanyang kamay mala Sandara Park

"Tigilan mo nga yan. Mukha kang timang." Bulong ni Rem kay Brandy habang nagpupumilit ngumiti sa harap ng mga tao

Maya maya...

"Brandy, dito ka lang muna. Makikipagusap lang ako sa iba." Bulong ni Rem sa kanya

"Ha? Ehhh iiwan mo ko dito. Sama ako."

"Dito ka na lang sa mga pagkain. Alam ko mageenjoy ka dyan."

"Pero gusto ko sumama. Magmumukhang kawawa ako no!"

"Ayoko. Mamaya kung anu-anong sabihin mo don."

"Hmp! Anong sinasabi mo? Nakakahiya ako? Ganon?"

"Ano pa nga ba?!"

Iniwan na nga ni Rem si Brandy sa isang sulok.

Tinawag si Rem ng kanyang lolo.

"Apo, tingin ko'y dapat mong kausapin si Don Hernando. Mukhang nagkainitan siya at ang iyong ama sa huling usap nila. Hindi ito magandang pangyayari sa ating kompanya. Dapat ay matuloy ang ating malaking proyekto at kailangan natin ang tulong nila."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon