Chapter XXIX: Operation: Pagselosin si Rem

1K 35 30
                                    

"Sorry! Masyado lang akong nadala nung nakita kita!" Masayang sabi ni Gian kay Brandy

"Pare!" Sabay tapik ni Rem sa balikat ni Gian

"Oo nga pala. Pasensya na. Di man lang ako nakapagpakilala sayo. Pinsan ka ni Brandy diba? Ako nga pala si Gian, suitor ni Brandy." Sabay abot ni Gian ng kamay niya para makipaghand shake

Hindi agad nakapagreact si Rem.

"Ayy Rem! Hindi, nagjojoke lang siya. Wala di naman totoo yun!" Sabi ni Brandy kay Rem at sinamaan niya ng tingin si Gian

"Ahh. Ganun ba pare." Ngumiti si Rem at nakipaghand shake din kay Gian

"Hindi talaga totoo yon Rem. Let me explain." Pagdadrama ni Brandy

"Wala ka namang dapat iexplain, Brandy. Okay lang sakin." Nakangiti si Rem sa kanya

Nakaramdam ng lungkot si Brandy nang sinabi ni Rem na okay lang ang lahat dito, kahit may manliligaw pa sya.

"Sige. May pupuntahan pa ko... Ahhm...sa comfort room. Oo nga! Geh!" Tumalikod na nga si Rem at naglakad. Lumiko siya sa may comfort room.

"Rem, pangbabae yan!" Sigaw ni Bart

Napalabas nga si Rem ng C.R. at sorry siya ng sorry sa mga babae sa loob. Tapos ay tumuloy na siya sa panglalaki.

"Hoy Gian! Hindi pa ko napayag na magpaligaw sayo, okay?" Iritadong sabi ni Brandy kay Gian

Umalis na nga ang dalawa ni Brandy at Bart.

"Kabwisit na Gian yan! Papahamak pa ko sa love of my life ko! Si Rem naman parang wapakelz! Nyemas na yan!"

"Teeehhh! Kinikilig ako! Akala ko makakakita na ko ng "Isang Bala ka lang" scenes kanina!"

"Kinikilig ka pa sa lagay na yan?! Eh mukhang okay lang kay Rem ang lahat."

"Bakla di mo nakita?! Natulala siya nung sinabi ni Gian na suitor mo sya! Tapos medyo nanginginig pa yung kamay nya nung inabot nya yung hand nya kay Gian. Tsaka diba parang nawala sya sa sarili? Pinasok nya yung C.R. ng girls!"

"Sa bagay di naman siya manyak para gawin yun. Ibig sabihin..." tiningnan ni Brandy si Bart at unti unti itong ngumiti

"Nagseselos si fafa Rem!"

"Kyaaaaaaaaaaaaaa!" Talon ng talon ang dalawa at sigaw ng sigaw sa kilig na parang mapuputulan ng litid sa leeg

"Jusme, paypayan mo ko teh! Baka mahimatay ang beauty ng lola mo dito sa daan!" Tuwang tuwang sabi ni Brandy

"Haba ng hair teh! Anong plano mo kay Gian?"

"Uhmm... naiisip mo ba ang naiisip ko Bart?"

"Ano? Ang mamahagi ba sa akin? Okay lang kahit sino sa dalawa teh!"

"Hindi! Mas pagseselosin ko pa si Rem! Tapos marerealize nya na ako talaga ang love na niya! Kanina gumana naman diba?"

"Maganda yan teh! Kaso ingat ka! Kawawa naman si fafa Gian nyan! Gwapo, hot, yummy at magaling sa balls!"

"Oo nga eh. Kaso iba pa din ang Rem my loves! He is the one na talaga!"

"Good luck teh! Kayang kaya mo yan!"

Kinabukasan, pumunta agad si Brandy sa gym upang icheer si Gian sa kanyang practice...

"Gooo! Gian! Ang galing mo talaga!" Sigaw ni Brandy

Si Gian naman ngiting ngiti habang pinapakinggan ang cheer ni Brandy sa kanya.

"Tuwang tuwa ka naman!" Sabi ng isa ng teammate ni Gian sa kanya

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon