Chapter LVI: Ang Huling Kasinungalingan

1.3K 41 41
                                    

"Bart, babalik ako. Kapag bumalik na dito si Jeremy, pasabi na lang. Pati kay na Froilan at Lia, sabihin mo na lang din. Basta, promise makakabalik ako sa inyo ng buong buo!" Sabi ni Brandy

"Parang gusto kitang itali dito sa gagawin mo! Basta mag-ingat ka na lang lagi. Dali, baka maabutan ka pa nila Nikki. Hindi papayag ang mga yon."

"O sya sige. Bye Bart! Beyonce! Ganda! Dyosa!" Sabay halik ni Brandy sa pisngi ni Bart

"Binola mo pa ko para kunsintihin ka! Ako naman si konsintidora! Dali gora na!"

Tuluyan na ngang umalis si Brandy sa apartment upang bumalik kay Rem. Nagtago na lang si Froilan sa isa pang kwarto upang pigilan ang sarili niyang harangin si Brandy sa gagawin nito. Sobra ang kanyang takot at pagaalinlangan na hindi na bumalik si Brandy lalo't nalaman niyang mahal talaga nito ang kanyang kapatid. Hindi niya gustong bitiwan si Brandy. Pinanghahawakan na lang niya ay ang pangako ni Brandy sa kanya.

Bumalik si Brandy sa kanilang bahay. Huminga siya ng malalim bago hawakan ang busol ng pintuan. Nang buksan ni Brandy ang pinto, nakita niya si Rem na nakaupo sa salas na tinutungga ang isang bote ng alak.

"Rem." Wika ni Brandy

Natigilan si Rem nang marinig niya ang boses ni Brandy. Para bang bigla siyang nabuhayan at nakaramdam ng paglukso ng kanyang puso. Agad siyang tumingin sa parte kung saan nagmula ang boses. Nang makita niya si Brandy, mabilis niya itong niyakap ng mahigpit at binuhat.

"Nagbalik ka." Masayang sabi ni Rem ngunit nangingilid ang kanyang luha

Para bang pinipiga ang puso ni Brandy sa nakita niyang reaksyon ni Rem nang siya ay magbalik. Hindi naman talaga siya bumalik para ituloy ang kanilang pagiibigan bagkos ay upang wakasan na nang tuluyan ang kanilang ugnayan.

"Rem, ibaba mo na ako." Malungkot na sabi nito

Binaba nga ni Rem si Brandy.

"Alam ko na ang ginawa mong sakripisyo para sa akin. Ginawa mo lang yun para maibigay sa akin ni Froilan ang posisyon, hindi ba? Hindi ako nakinig sayo. Patawarin mo ako. Alam kong naisikreto mo lang sa akin ang lahat dahil may mabigat kang dahilan. Handa na akong makinig. Bigyan mo pa sana ako ng isa pang pagkakataon para makabawi ako sayo."

"Rem, hindi ko ginawa yun para lang matupad ang pangarap mo. Pinili ko yun dahil gusto kong makabawi din kay Froilan. Isa pa nalaman kong siya talaga ang mahal ko."

Napapikit si Rem sa sobrang sakit nang marinig niya na mismo sa kanyang minamahal na si Froilan na talaga ang nasa puso nito. Lingid sa kanyang kaalaman, sinabi na lamang ito ni Brandy upang tuluyang sumuko na si Rem sa kanya.

"Bakit ba sa tuwing nakakahanap ako ng dahilan para di ka bitawan, lagi mo na mang binabasag? Hanggang ngayon Brandy, umasa pa din ako at patuloy na umaasa sa mga ginagawa mo. Anong dahilan mo at nagbalik ka? Hindi mo ba naisip na maaring mas posibleng hindi ka na makaalis sa akin sa ginawa mong pagbalik?"

"Hindi, dahil naniniwala akong ikaw na Rem ang mismong magpapalaya sakin. Ikaw na mismo ang magpapalaya sa iyong galit at kalungkutan."

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Dahil gagawin ko ang lahat ng gusto mo sa mga natitirang oras na ting bilang mag-asawa. Sabi ko nga sayo dati, ayokong maghiwalay tayo na puro lang kalungkutan yung maalala natin."

Napatahimik si Rem. Napaisip siya na kung ito na nga ba ang huling tyansa nila na magkaroon muli ng magandang alaala. Kapag pinilit niya si Brandy na manatili sa kanya lalo pa't hindi naman talaga totoo ang kasal nila, mas magiging miserable lang silang dalawa at maaring umabot pa ang kanilang paghihinagpis hanggat sila ay nabubuhay ng magkasama. Magagaya lamang sila sa sitwasyon ng kanyang ina at ama-amahan.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon