Chapter XLV: The Truth

899 39 25
                                    

"Bart, feeling ko nasa loob lang din ng student council yung kumuha ng pera eh." Sabi ni Brandy

"Paano mo naman nasabi?"

"Sabi ni Lia, nawala na lang daw yun nung hinanap niya sa bag niya. Kapwa student council members lang ang may alam na may ganoong kalaking pera si Lia. May plano ako para mahuli kung sino ba talagang gumawa."

"Paano?"

"Gamitin natin ang pagkachismosa powers mo. Alamin natin yung mga pwede nilang paggamitan ng pera."

Inisa isa nga nina Bart at Brandy kilalanin ang mga miyembro ng student council. Nangalap sila ng impormasyon sa mga kakilala ng mga ito at mga tsismis sa paligid.

"Interrogate natin sila isa-isa!" Sabi ni Brandy

"Gora ako dyan!"

"Umpisahan natin kay Lia."

"Eh di ba nga siya ang biktima?"

"Everyone is a culprit!"

"Naks! Dumedetective ang peg!"

Kinausap nga ng dalawa si Lia.

"Alam ko na ang lahat Lia. Ikaw ang kumuha ng pera!" Sabi ni Brandy

"Ha? Hindi ako. Eh di sana di nako umutang sa iba para lang mag-abono ng nawala."

"Ahmm...ehh... mahirap ka lang diba?! Siguro... huwag na nga lang. You passed! You can go!" Sabi ni Brandy

Umalis na nga si Lia na takang taka sa pinagsasabi ni Brandy.

"Wow teh! Ang galing mong magpaamin. You can go agad!"

"Me point kasi sya eh. Si Rem naman."

Nang kausapin nila si Rem...

"Alam ko na ang lahat Rem. Ikaw ang kumuha ng pera!"

"Ano na namang pakulo ito?" Sabi ni Rem

"Kasi diba may asawa kang maluho. Eh kailangan mo sustentuhan ang luho niya."

"Aba teh! Sarili mo pala ang may kasalanan eh!" Sabi ni Bart

"Oo nga no? You passed Rem! You can go!"

Napailing na lang si Rem sa sinasabi ni Brandy at umalis na din ito.

Sunod sunod nga nilang kinausap ng palihim ang mga student council members. At laging ang paunang linya nila ay "Alam ko na ang lahat. Ikaw ang kumuha ng pera!" Pagkatapos ay isusunod ang personal na isyu ng student council member pag dating sa pera.

Hanggang sa...

"Alam ko na ang lahat Dino. Ikaw ang kumuha ng pera!"

"Pa-paano mo na-na sabi?! Hindi ako!"

"Kasi alam naming may sakit ang tatay mo ngayon. Kailangan na kailangan mo ng pera!"

"Dahil ba mahirap kami ako ang pagbibintangan ninyo?!" Galit na sabi ni Dino

"Huling huli ka na sa reaksyon mo! Bungad mo pa lang 'Paano mo na sabi?'. Ibig sabihin alam mong may nawawalang pera! Kapag di ka pa umamin ngayon, pati school malalaman yan. Pati scholarship mo mawawala!"

"Oo na! Oo na! Aamin na ako. Please huwag mo namang sabihin sa iba. Kailangan na kailangan ko lang ng pera. Tsaka napagutusan lang din ako na gumawa ng gulo sa student council na ang maiipit si Rem. Pero nakokonsensya na din ako at ayoko na lumaki pa ang gulo kaya ako umamin."

"Sinong nag utos sayo?!"

"Huwag mo nang alamin."

Hinila ni Bart ang kwelyo ni Dino. Nagpalalake ito ng boses at sinabing "Naliliitan ka ba sa muscles ko?! Baka gusto mong jombagin kita!"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon