Chapter XXXV: The Box

1K 36 19
                                    

Tulala pa din si Brandy sa mga nangyari. Masyadong nagaalala si Bart sa kanya kaya't sinamahan niya muna ito sa condo nya.

"Ay nako, teh! Bangon ka na dyan at may klase ka pa. Handa na ang almusal ng prinsesa!" sabi ni Bart habang tinutulak tulak ng paa niya ang mukha ni Brandy

"Ayoko pumasok bakla. Tinatamad ako."

"Jusme! Gusto mo ba gang itake two yang subject na yan? Magagalit sayo si fafa Rem pag bumalik yon at bagsak ka na naman."

"Hindi na naman yun magagalit. Di kasi sya babalik."

"Teh naman. Huwag kang mawalan ng pagasa. Di naman ganyan ang Brandy na kilala ko!"

"Wala na eh. Nakagawa na naman ako ng katangahan."

"Bakla, sa dinami dami mong ginawang ganyan, nakuha mo pang magmukmok ngayon. Nahiya naman ako sa mga taong niyurakyurakan mo ang pagkatao. Mas malala pa nga ang ginagawa mo sa kanila nung may pera ka pa!"

"Baka kinulam nila ko teh."

"Baka nga. Kaya tumayo ka na dyan para mapawalang bisa ang kulam nila dali!"

Kahit papaano naiibsan ang lungkot ni Brandy dahil kasama niya si Bart. Sobrang pasalamat siya dahil nagkaroon siya ng isang tunay na kaibigang tulad ni  Bart.

Sa probinsya naman...

"Ang tagal nating di nakabalik ng magkasama Rem." Nakangiting sabi ni Lia

"Oo nga. Kay tagal na din."

"Nung umalis tayo, tayo pa noon. Ngayon, kasal ka na." Malungkot na sabi ni Lia

"I'm sorry Lia."

"Kung hindi ka kaya umuwi noon, hindi kaya ganito mangyayari sa atin?"

Masama pa din ang loob ni Rem sa ginawa ni Brandy. Mas tinutok niya ang sarili niya sa mga isyung kinakaharap ng kanilang bayan. Bukod pa dito, naging abala din siya sa paggawa ng hakbang upang di magtagumpay ang kanyang ama sa mga masamang balak nito.

Tuwing tatawag si Brandy kay Rem sa telepono, madalas malamig ang pakikitungo ni Rem sa kanyang asawa.

"Hi Rem. Kamusta ka na?"

"Okay lang."

"Alam mo ba nagexam na kami kanina. Di naman ako bumagsak. Medyo mataas naman yung nakuha ko."

"Mabuti naman ."

"Rem, nagpunt-"

"Brandy, medyo busy ako ngayon. Siguro ako na lang ang tatawag sayo. Okay lang ba?"

"Si-sige." Malungkot na sabi ni Brandy

Binababa na ni Brandy ang telepono.

"Hay nako bakla! Wag kang tawag ng tawag maya't maya sa hubby mo at baka mas mairita yan sayo."

"Hindi ko mapigilan eh."

"Teh! Kaya nga umuwi yun sa kanila para marelax naman kasi naiimbiyerna na sa kagagahan mo. This is the time for him to unwind and for you to soul-search!"

"Eh bakla naman! Ako kaya ang pinakaagrabyado dito. Ako yung asawa eh!"

"Hayy teh! Minsan wag din maging selfish. Ilagay mo rin ang sarili mo sa kanila minsan. Nagkahiwalay lang sila dahil sa misunderstandings at ang malalang part, yung biglaang kasal nyo."

"Hindi ko maintindihan!"

"Hindi mo pa kasi naeexperience tapos selfish ka pa! Sabi ko sayo, balutan mo ng bakal yang puso mo. Ano ngayon? Nga nga ka!"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon