Chapter XVII: Ang lasa ng Pag-ibig

1.1K 30 7
                                    

Sa condo ni Froilan...

"You should try this Lia" alok ni Froilan

"Hindi kasi ako mahilig sa alak, Froilan."

"Wine lang yang mga yan. Tsaka titikman mo lang naman. Tapos sabihin mo sa akin kung anong pinakanagustuhan mo."

"Sige."

Sinubukan nga ni Lia isa isa ang mga wine na nasa harapan niya.

"Ahck! Ang pait! Ang sakit sa lalamunan!" Sabi ni Lia

"Haha! Ganyan lang talaga yan sa umpisa. Mainit ba sa tyan?"

"Oo. Ang tagal mawala."

"Which one do you prefer?"

"Hindi ko masabi. Parang pareparehas."

Kumuha si Froilan ng baso at ibinuhos ang wine na sa pinakadulong kaliwa ni Lia.

"For me, definitely this one, a 50-year old wine. Galing diba? Mas matanda pa satin to."

"Sabi ng iba kapag mas tumatagal mas sumasarap."

"Tama ka Lia. Para sa kin ang pag-ibig parang wine yan. Pag tumatagal mas sumasarap. Though, mapait ito sa una pero malalasahan mo naman ang tamis sa huli. Kagaya ng isang relasyon, may mapait at matamis na parte. Kapag nakaramdam ka ng unang pait sa pagsasama nyo, at umayaw ka agad hindi mo na mararanasan ang tamis pagkatapos. Ang kailangan mo lang maghintay at lasapin ang bawat pagkakataon."

"Aba Froilan, kung makapagsalita ka parang nakakatagal ka sa isang relasyon ah."

"Isa lang ibig sabihin non, hindi yon pag-ibig para sakin."

Medyo naluha si Lia dahil sa sinabi ni Froilan. Naisip niya si Rem.

"Kaya ba hindi na nakapaghintay si Rem? Kaya ba pinalitan niya ako agad? Ano bang nagawa ko?!"

"Probably. Di natin alam kung anong tinatakbo ng isip niya ngayon."

"Naiinis ako!"

"Sige lang mainis ka lang. Ipunin mo yan para maging matapang ka sa paghaharap ninyo ni Rem. Isang Lia na hindi niya nakikilala ang makikita nya sa susunod nyong paghaharap."

"Salamat Froilan, kasi nandito ka. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Si Rem lang kasi ang dahilan kung bakit nagpursigi ako na maging pinakamagaling sa ating bayan upang maipadala dito sa Maynila. Ngayong wala na sya sakin, parang nawala din ang mga plano ko sa buhay. Hindi ko alam kung saang daan ako tatahak."

"Hmmm... I think you should learn new things. Sa pag eexplore mo kasi ng mga bagay bagay. Mas malalaman mo talaga kung ano ba ang gusto talaga. Alam ko na, turuan kitang mag gitara. Tapos pag maalam ka na jamming tayo. Ako magiging drummer mo."

"Sige." Matipid na ngumiti si Lia

"Uhm... Lia, do you know how to kiss?"

"Ki-kiss? Halik?"

"Yeah! Did you do it already with Rem?"

Namula si Lia sa tanong ni Froilan

"Uhm...hi-hindi pa."

"Oh come on! Ang hina ni kuya!"

"Ha?!"

"Never mind. Do you wanna try it with me?"

"Ahm! Ehh! Try?! Pero... kasi..."

"Still reserving it for Rem? Kasal na siya at possible by this time, he already go over board with that girl."

Nalamig ang katawan ni Lia nang maisip niya ang sinabi ni Froilan.

"Gagawin ko!" Sabay buhos ng wine ni Lia sa kanyang baso at inom nito

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon