Chapter XLIX: Ang Eskandalo ng Nakaraan

957 39 16
                                    

"Ina, kumain na po kayo ng tanghalian ninyo. Hindi niyo naman po masyado ginalaw ang almusal ninyo eh. Magkakasakit kayo niyan." sabi ni Rem

"Opo nga. Pag nagising si dad baka pagalitan pa kayo niya. Sige kayo, nagiiba mukha nun pagnagagalit siya. Nagmumukhang kalabaw natin sa probinsya." Natatawang sabi ni Froilan

"Loko ka talaga Froilan. Mamaya naririnig pala nyan." Masayang sabi ni Rem

Nakita ni Mariana sa unang pagkakataon na magkasundo at naguusap ang dalawa na para bang magkapatid na lumaking magkasama mula paglaki. Napangiti siya na may halong lungkot ang kanyang puso dahil sa panghihinayang na sana noon palang gumawa na din siya ng paraan upang di tuluyang lumayo ang loob ng kanyang mga anak sa isa't isa.

"Mga anak, halina na nga kayo dito sa aking tabi." Sabi ni Donya Mariana

Lumapit nga si Froilan at Rem sa kanilang ina.

"Yumuko nga kayo. Ang tatangkad ninyo na kasi."

Pagkayuko ng dalawa, hinalikan niya sa pisngi ang kanyang mga anak at niyakap ang mga ito ng mahigpit. Sa unang pagkakataon naramdaman ni Froilan ang yakap ng kanyang ina. Iba ang kanyang pakiramdam sa mga oras na iyon. Tila ba napunan ang isang parte ng kanyang pagkatao. Samantalang para kay Rem, kahit maraming beses niyang yakapin siya ni Mariana, parang ito ang naman ang unang beses na maramdaman niya ang yakap ng kanyang ina na may sobrang pagmamahal. Lumaki kasi siyang nakikita itong strikto at ni minsa'y hindi nagpapakita ng kalambutan ng puso.

Niyakap ng dalawang anak ang kanilang ina ng mahigpit. Maya maya'y may naramdaman si Donya Mariana na nakayakap sa kanyang likod. Ganoon din naman ang sina Rem at Froilan. Pagtingin ni Mariana sa isang taong nakayap sa kanya, nakita niyang si Brandy pala. Nang tumingin naman ang dalawa sa taong nasa likod nila, si Bart naman pala.

"Inggit kami Fafa Rem, Fafa Froilan." Sabi ni Bart

"Huwag ka ngang makayakap yakap sakin Brandy." Sabi ni Donya Mariana

"Bakit naman po? I miss you po! Di mo po ba ako namimiss?" Sabi ni Brandy

"Hay naku ikaw talagang bata ka!" Sabi ni Donya Mariana

Pumasok ang kanilang lolo sa kwarto.

"Alam mo ba Brandy, lagi ka ngang bukang bibig ni Mariana nang umalis kayo sa probinsya." Sabi ng lolo

"Talaga po lolo?" Masayang sabi ni Brandy

"Hindi totoo yan. Nagaalala lang ako para kay Rem. Alam kong sutil ang babaeng yan kaya papasakitin lang niya ang ulo ng anak ko. Hindi ba Rem?"

"Hindi po. Mabait po si Brandy. Sa katunayan nga po, lagi niya akong tinutulungan sa problema ko." Sabi ni Rem

"Opo nga. Mabait po talaga si Brandy." Nakangiting sabi ni Froilan

Nagulat naman si Mariana dahil nakikita pati ng mga anak niya ang kabaitan ni Brandy. Ngunit sa totoo lang, kahit strikto nga siya at laging seryoso, lihim din naman siyang napapatawa ng kanyang manugang.

Habang kasama ni Mariana ang kanyang mga anak, sinamantala niya ang pagkakataon upang kausapin ng sarilinan ang mga ito ukol sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.

"Mga anak, patawarin ninyo sana ang inyong ama sa mga nagawa niya sa inyo. Marami talaga siyang pinagdaanan kaya nagawa siya ng mga bagay na hindi tama." Sabi ni Donya Mariana

"Ina, may tanong po akong matagal ko nang gustong masagot." Sabi ni Froilan

"Ano yun anak?"

"Kayo po diba ang tunay ko ina?"

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon