Chapter XLIV: Pinoy Henyo!

990 42 13
                                    

Di pa rin makapaniwala si Lia sa nangyari. Unang beses siyang makaranas ng ganung klase ng problema sa pera kaya siya'y takot na takot at laging balisa.

"Rem, isang linggo na lang tapos babayaran na natin yung materials na kailangan sa fair. Tapos nawala ko yung pera." Iyak ng iyak si Lia

"Iniisip ko kung papano. Limitado lang kasi ang pagwiwithdraw ko sa isang buwan. Nakatime deposit kasi yung iba. Mga 80k lang yung maibibigay ko. Kelangan pa bunuin yung natitira."

"Maliit lang din ang naipon ko. Nangutang na din ako kung san ako nagpapart time job. Maliit lang din ang nakuha ko. Kinakabahan ako, Rem."

"Sino kayang kumuha ng pera? Tsk. Di naman kasi pwedeng magfocus tayo sa paghahanap ngayon dahil posibleng kahit mahanap natin siya eh di na din mabalik ang pera. Ang kailangan talaga isipin kung saan tayo kukuha ng ganoong kalaking halaga."

Paguwi ni Rem sa condo, agad niyang ibinagsak ang katawan sa kanilang kama.

"Sunod sunod ang mga kaguluhan. Parang sinusubok talaga ako. Kelangan kong gumawa ng paraan."

Bigla na lang siyang may narinig na kaluskos sa loob ng cabinet.

"Brandy, huwag naman ngayon."

Lumabas na si Brandy mula sa cabinet. Nakangiti ito sa kanya.

"Haha alam mo na talagang ako yun no?" Natatawang sabi ni Brandy

"Malamang! Tayo lang nakatira dito tapos yung mga ganung klaseng biro eh ikaw lang ang gagawa."

"Malay mo multo."

"Sa bagay, mukha ka namang multo."

"Ano?!!!" Inis na sabi ni Brandy

"Wala. Gusto ko munang matulog."

"Di ka muna kakain?"

"Maya na lang."

Pansin ni Brandy na parang sobrang pagod si Rem. Naalala niya na ganitong ganito din ang kanyang asawa noong hinaharap pa ang isyu sa agawan ng lupa sa probinsya. Inintay niyang magising si Rem kahit hatinggabi na ito nagising.

"Hello." Bati ni Brandy sa kagigising lang na si Rem

"Bakit gising ka pa? Dapat natutulog ka na."

"Okay lang. Sasabayan kita kumain. Tagal na nating di nagsasabay eh."

Napangiti si Rem sa sinabi ni Brandy. Natouch si Rem sa ginawang paghihintay sa kanya ng kanyang asawa.

Habang nakain sila...

"Alam mo Brandy, napansin ko ang laki nga ng pinagbago mo."

"Bakit naman?"

"Kasi dati tuwing busy ako at naiiwan lang kita madalas dito sa bahay, lagi kang naiinis at inaaway ako pagdating ko. Lagi mong sinasabi noon sa akin na wala na akong time para sayo."

"Alam mo Rem, maraming pangyayari ang nakapagpabago sa akin noon. Sa dami ng masasamang taong nakasalamuha ko, siguro nga naimpluwensyahan na nila ako. Hanggang sa matanim na nga sa isip ko na ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay yung mabigyan ka ng atensyon, yung tinitingala at pinapahalagahan. Syempre para kilalanin ka, kailangan ng pera at kapangyarihan. Pero, sa bawat araw kasi na nakakasama kita, madami akong natutunan. Pagnakikita nga kita, nagkakaroon ako ng pagasa na ang mundo ay hindi pinapaikot ng pera at kapangyarihan. Hindi mahalaga kung binibigyan ka ba ng atensyon ng iba, ang mahalaga kung may nagagawa ka ba para sa kanila. Hindi lang naikot sa akin ang mundo at kung pipigilan kita na abutin ang mga gusto mo sa buhay, para bang ipinagkait ko na din sa ibang tao ang tulong na mabibigay mo para sa kanila."

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon