Chapter XV: Ang Palaro ng mga Bathala

1.2K 27 9
                                    

Sa klase ni Brandy kay Donya Mariana...

"Ito ang mga naging pinuno ng pamilya Acosta, ang mga Acosta ay sadyang magigiting at matapang. Ayon sa kasaysayan, tuwing may mananakop na dumadating, naipagtatanggol ng aming pamilya ang mga kababayan. Minsan mang nasakop ng mga kastila ang lugar, agad din namang naibalik ang lahat sa pamilya Acosta lalo na ang pamumuno dahil sa matalinong stratehiya ng paglaban. Utak at dahas ang kanilang naging sandata." Kwento ng nanay ni Rem

Brandy's POV

Ayos ah! Halos kamuka din ni Rem yung mga pictures dun sa dingding. Hahaha. Ang dami nyang kamukha. Ang dami dami namang kwento nitong nanay ni Rem, katamad makinig.

"Ang unang Supremo Potranco ay nakipagdigmaan pa sa mga hapon. Nagwagi din sila upang hindi tuluyang masakop ang ating bayan. Kaakibat ng kanyang pangalan ang isang dakilang gawain na nagampanan, kaya't naipasa pasa ang kanyang pangalan. Si lolo ang ikalawa. Si Potranco naman ang ikatlo. May kambal siya, si ikaapat, ngunit matagal na ding namayapa. Ang pang lima nga ay si Rem."pagpapatuloy ng nanay ni Rem

"Sana hanggang kay Rem na lang yung mabantot na name na yan." Bulong ni Brandy

"Anong sabi mo?!"

"Ahh...wala po. Sabi ko mabuti po umabot kay Rem yung maba...ngis na name! Hehe."

Brandy's POV

Hayyy... ilang oras na ko dito. Parang nakikinig ako sa history subject. Katamad! Ano naman kaya ang susunod dito. Sana matapos na.

"May labing dalawang baryo ang ating bayan ng San Antonio. Itong Baryo Macopa ay isa sa mga Baryo dito sa San Antonio at ang baryo na to ang pinakamalaki sa labing dalawa. Bawat kapitan dito sa mga baryo ay pinamumunuan ng mga Acosta. May mga ranggo ang mga pamilyang nakapaloob sa angkan ng Acosta. Kami na nasa punong pamilya ay nasa ikaunang ranggo." Pagpapaliwanag ng ina ni Rem

Biglang sumingit ang lolo ni Rem sa klase nina Brandy at Donya Mariana.

"Mariana, mukhang lumalaki na lalo ang gulo sa sakahan sa may gawing timog." Sabi ng lolo ni Rem

"Opo nga. Lagi pong nandoon si Rem sa Munisipyo. Siya na po ang lumulutas ng suliranin. Hindi naman po maaring makialam si Potranco dahil siya ang mayor ng bayang ito. Kailangan niyang pumagitna sa alitang nagaganap."

"Hayan na nga ba ang sinasabi ko, kapag binigyan mo ng pag-iisip, gumagawa pa lalo ng mga bagay hindi maganda. Akala mo naman naiinitindihan na nila. Hindi talaga ako pumapayag na taon taon ay may ipinadadala sa Maynila upang makapagkolehiyo! Dapat ang panganay lang sa pamilya Acosta ang nararapat sa edukasyong yon! Ngayon Potranco, nakita mo ang ginawa mo!" Galit na galit na sabi ng lolo

Habang sa munisipyo nagaganap naman ang pagtatalo mga kapitan ng mga barrio ukol sa sakahan...

"Sa amin ang sakahang iyon, namulat na ang mga magsasaka sa amin na doon na kumuha ng pangkabuhayan. Sila ang nagayos at nagpayabong ng lupaing iyon. Hindi ninyo basta basta makukuha sa amin yon." Pakikipagtalo ni Rem para sa kanyang baryo

"Nakikita ninyo naman na lumang mapa ang ating bayan, sa amin ang sakahang iyon. Nararapat lang na bawiin namin ang aming lupain. Sa Baryo Santolan yon!" Sabi ng kapitan ng Baryo Santolan

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon