Chapter LII: His True Feelings

1K 44 56
                                    

Naging malamig na ang pakikitungo ni Rem kay Brandy nang malaman niya ang tunay na naging relasyon nito sa kanyang kapatid na si Froilan. Halos di iniimikan ni Rem si Brandy sa buong araw. Kapag kakausapin naman siya ni Brandy, babarahin niya ito o kaya ay aawayin. Ibang iba na ang Rem na nakilala niya dati. Sa huli, mapapaiyak na lang si Brandy sa isang tabi. Mapapatawag na lang siya sa kanyang matalik na kaibigang si Bart para maglabas ng sama ng loob.

Isang beses, habang naglalakad sa campus si Rem, nakita niyang magkakasama ang barkadahan ni Froilan at si Bart. Mukhang masaya ang pinaguusapan nila.

Rem's POV

Ahh. Ganon pala? Kampi kampihan kayo ng di ko nalalaman. Sige, ganyan ang gusto mong laban Froilan? Ibibigay ko sayong hinahanap mo!

Matapos ang meeting ni Lia at Rem sa student council, kinausap niya ito ng masinsinan ukol sa kanilang dalawa ni Froilan.

"Lia, kapag sakaling nagkaroon muli ng gulo sa pagitan naming dalawa ni Froilan, sinong kakampihan mo?" Seryosong tanong ni Rem

"Bakit? Anong binabalak mo?" Nagaalalang tanong ni Lia

"Sagutin mo na lang Lia. Sino saming dalawa ang kakampihan mo?"

"Ikaw syempre!"

"Kahit mahal mo pa sya?"

"Oo! Dahil manloloko siya! Ikaw na lang ang mapapagkitawalaan ko Rem."

"Ako din Lia. Ikaw na din ang mapapagkatiwalaan ko. Walang nang iba pa. Tayo na lang ang magtutulungan dito."

Nasa hospital pa din ang kanyang ama kaya doon niya pa din pinuntahan ang kanyang lolo at ina. Kinausap ni Rem ang kanyang lolo tungkol sa pamilili sa pagitan nilang dalawang magkapatid. Agad naman itong nagsabi na siya din ang kakampihan nito kahit ano pang mangyari. Nang naman kausapin niya ang kanyang ina...

"Ina, sinong mas matimbang sa amin ni Froilan sa iyo?" Tanong ni Rem

"Wala. Parehas ko kayong mahal. Bakit mo naitanong ang bagay na iyan?"

"Dapat isa lang piliin mo sa amin, ina. Sinong mas pipiliin mo kung sakaling magkaroon muli ng gulo sa amin?"

"Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan?! Anak ko kayong dalawa!"

"Diba dati, ako naman ang mas pinapaboran mo? Bakit nag-iba?"

"Rem, parang hindi ikaw yan. Matagal mo nang gustong magkaroon ng pantay na pagtingin sa inyong magkapatid. Anong nangyari at nagtatanong ka sa akin ng mga ganyan?!" Galit na sabi ng ina ni Rem

Tama nga ang kanyang ina. Dati nga'y lagi pa niyang pinagtatanggol ang kapatid at inaalala kapag mas mapapaboran siya sa tuwing parehas silang may nagawang pagkakamali ni Froilan. Ngunit ngayon, binalot ng poot ang kanyang puso dahil sa iniisip niyang pagtatraydor ng kanyang kapatid at ni Brandy.

Nang dumating ang araw ng kaarawan ni Rem, sinubukan muli ni Brandy na makipag ayos. Naghanda ulit siya at bumili ng regalo mula sa naipon niya. Ngunit, hindi naman ito pinansin ni Rem. Lumipas ang dapat na espesyal na araw na iyon na parang isang normal na araw lang.

Hindi na naman masyadong makapagusap si Froilan at si Brandy. Sinabihan kasi siya ni Rem na huwag nang lalapit sa kanyang kapatid. Mas maaga na ding umuuwi si Rem upang bantayan si Brandy kung makikipagusap nga ito kay Froilan. Inalisan na din siya ng cell phone ni Rem para siguraduhin hindi makakapagpalit ng kahit anong mensahe ang dalawa.

Hanggang sa nakakita ng pagkakataon si Brandy na makausap si Froilan sa campus.

"Brandy, bakit di ka nasagot sa mga text ko o tawag ko?" Sabi ni Froilan

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon