Chapter XLVII: Fair

994 40 25
                                    

Matapos ang meeting sa student council room...

"Lia, okay na ba kayo ni Froilan?"tanong ni Rem

"Naguusap kami pero parang simpleng magkakilala lang."

"Di mo pa din ba nasabi sa kanya ang nararamdaman mo?"

"Eh pano ko naman sasabihin eh mukhang nagbalikan na ata sila ng first love niya nung high school. Naiiyak ako paginiisip kong di niya talaga ako nagawang mahalin ng totoo."

"Grabe naman siya! Matapos ka niyang ligawan at lahat lahat, ganon lang ang gagawin nya sayo! Makikita nya!"

"Huwag na Rem. Kasalanan ko din naman. Diba ako yung nakipaghiwalay? Tsaka deal din namin yun na dapat mahalin ko siya para mahalin nya din ako ng tuluyan. Alam ko naman na hindi talaga ako ganoong kamahal ni Froilan dati. Nagumpisa lang naman yung relasyon namin dahil gusto naming makaganti parehas sayo. Ginawa niya naman ang lahat para sa akin at ako naman yung nagtulak sa kanya papalayo. Kaso nung marealize ko ang feelings ko para sa kanya, wala na, nasaktan ko na siya. Ako ang sumira sa deal naming dalawa."

"Gumamit na naman siya ng ibang tao para sa pansariling interest na naman niya. Kelan ba siya matutong isipin ang nararamdaman ng iba?"

"Tsaka Rem, mukhang wala naman din akong binatbat sa first love niya. Mukhang marami na ding experience yung babae at mas alam na niya ang gusto ni Froilan. Baka naiibibigay din niya ang di ko kayang ibigay kay Froi. Alam ko yun yung teacher niya dati. Sabi pa ni Nikki, pagbagong break si Froilan, yun agad ang pinupuntahan niya."

"Wala talaga akong alam sa kapatid ko."

"Eh kayo ni Brandy, kamusta? Nasabi mo na ba ang feelings mo?"

"Hindi pa. Pagkasi sasabihin ko na, umuurong ang dila ko. Tumitiklop agad ako sa kanya."

"Natatameme ka na naman? Napakatorpe mo talaga. Alam mo ba same na same siguro ang nararamdaman namin ko dati at ni Brandy ngayon. Lagi kaya kitang iniintay na gumawa ng moves non. Kung siguro di ka pa binuking ni Carlito sa akin, baka di mo na naamin yung nararamdaman mo."

"Hindi talaga ako magaling magsalita eh, pero pinaparamdam ko naman sa kanya. Siguro naman ramdam niya na mas malambing ako sa kanya ngayon. Tsaka inumpisahan ko na siyang ligawan diba? Nabulilyaso lang nang magkasunod sunod yung problema ko sa eskwela, sa probinsya at sa kompanya. Tsaka mukhang nagkakaintindihan naman kaming dalawa ni Brandy." Napangiti si Rem habang iniisip niya ang kanyang asawa

"Buti pa kayo ni Brandy, maayos at masaya. Pero sabihin mo na din sa kanya. Maganda nga ang ginagawa mong pinaparamdam mo sa kanya pero minsan kailangan mo din magsalita."

Linggo ng fair...

"Wow Bart ang laki ng fair nila, ang daming booths! Mas sosyal to kaysa sa university natin dati." Manghangmangha si Brandy na nililibot ang fair

"Eh 200k ba naman ang students' share. Wala pa ang faculty at university don. Talagang bobongga yan."

"Gusto kong magtry ng horror house dito o kaya mga shooting games!"

"Ako naman marriage booth ang gusto ko teh. Bayaran mo naman yung org na may hawak non. Tapos ipahuli mo yung crush ko at syempre ipahuli din ako para ikasal kame!"

"Ikaw na lang magbayad. Wala na kong pera tulad ng dati. Zero balance na aketch."

"Genon? K! Basta kunyari ikaw ang nagbayad ha!"

"Oo na! Oo na! Iba na lang muna ang gawin natin ngayon."

"Sige. Basta yung crush ko ha! Ipapapahuli mo!"

Naglibot libot nga muna ang dalawa sa fair. Nagfood trip, sumali sa mga games at kung ano ano pa. Enjoy na enjoy naman sina Bart at Brandy.

Kinagabihan sa bahay nina Brandy...

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon