Chapter LVII: Marrying the Queen (Last Chapter)

2.5K 73 60
                                    

“Maaring bang maging kabiak ka ng aking puso?” Tanong ni Rem kay Lia habang hawak ang kamay nito sa harap ng mga magulang nila.

“Tama yan Supremo! Upang mabawi mo ang kasalanan sa ating mga ninuno, kalangan mong pakasalan si Eliana na siyang nakatadhana talaga para sayo.” Sabi ng lolo

Laking gulat ni lolo Supremo at ng ina ni Rem nang sabihin nitong hindi totoo ang kasal nila. Inamin na ng dalawa ni Lia at Rem na nangyari sa kanila ang ikatatlong senyales. Agad naman silang pinilit ni lolo Supremo na magkapakasal. Tumahimik lang ang ama-amahang si Lucio at ang ina nitong si Donya Mariana.

Napabuntong hininga si Lia sa pagaalok ni Rem ng kasal niya. Sa isang saglit, malakas na sampal ang iginawad niya sa dating kasintahan.

“Eliana!” sigaw ng nanay ni Lia

Nagulat ang lolo, si Donya Mariana at Lucio sa ginawa ni Lia.

“Rem, sa buong buhay ko lagi lang akong nakasuporta sa desisyon mo. Ginagawa ko yon dahil hindi sa gusto ko talaga, ginagawa ko yon para sayo. Kahit takot akong baliin natin ang sariling nakagawian dito sa ating bayan, pinilit ko pa rin ang sarili kong harapin at tanggapin ang lahat. Hanggang sa nalaman ko sa sarili kong ang lahat ng desisyon ako ang kagustuhan ko na rin talaga. Ngayon ka pa ba susuko Rem? Gumising ka! Hindi dahil nangyari iyon sa inyong dalawa ni Brandy ay magpapadala ka na lang na may kaakibat talagang sumpa kung sino mang sumuway sa alamat na yon. Kaunti na lang Rem! Ngayon ka pa ba bibitaw?”

“Eliana, wala kang utang na loob!” sabi ng lolo ni Rem

Sa sinabi at sa sampal ni Lia, tila ba nagising si Rem sa kung ano ba talagang dapat na daan ang tinatahak niya. Buong buhay na nga niyang pinaglalaban na maling maling umasa sa alamat, sa tadhana o sa kung ano pa mang nagdidikta sa ginagawa ng tao. Isa lang ang gusto niya, ang palayain na ang mga kababayan upang malayang makapagisip ng sarili nila.

“Patawarin mo ako Lia sa muntikan ko na nang pagsuko sa ating mithiin. Patawarin mo ako lolo, ina, ama, ngunit ang pinipilit ninyo’y hindi ko na magagawa. Kapag sapilitan kong pinakasalan si Lia, mauulit lang ang nangyari sa amin ni Brandy. Masisira lang ang buhay naming dalawa. Papatunayan ko sa inyo na mismong sa mga kamay ko uunlad ang ating bayan! Walang delubyong mangyayari kung ito’y paghahandaan. Magiging maunlad hindi lang tayong mga Acosta ngunit kasama na ang mga tao sa ating bayan. Mababago ko ang lahat!”

Napangiti na lang si Donya Mariana sa kanyang anak na si Rem. Sobrang pinagmamalaki niya ang kanyang anak sa ginawa nitong paninindigan sa kanyang desisyon.

Sa isang banda...

“What can you say about my new motorbike? Ganda diba?” tanong ni Froilan kay Brandy

“Oo. Maganda. Kaso diba may trauma ka pa dahil sa aksidente mo non sa motor?”

“Tingin ko nawala na simula nung makasama kita.”

Napangiti si Brandy sa sinabi ni Froilan.

“I’ve just sold my car for this one. Sulit din naman kasi may extra pang pera sa iba pang panggastos. Umalis na din ako ang condo at lumipat na sa isang maliit na apartment. Mahal kasi ng upa.”

“Ngayon alam mo na kung gano kahirap pag walang pera.” nakangiting sabi ni Brandy

“No regrets pa rin. As long as you’re here, material things don’t matter anymore. Wanna go for a joyride?”

“Sige.”

Naalala ni Brandy noong highschool sila na madalas nga siyang umangkas sa motor ni Froilan. Masaya sila noon kahit maraming problema. Ngayon katatapos lang ulit nilang magdaan sa isang matinding pagsubok ngunit hindi na talaga nito pinagtibay ang nararamdaman ni Brandy para kay Froilan. Tanging sa isang pangako na lang siya na kapit upang makumbinsi siyang ituloy pa nga ang relasyon niya sa kanya.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon