Chapter XXIII: Bisikleta ni Brandy

1.1K 32 13
                                    

Habang tinitingnan ni Brandy ang sarili niya sa salamin...

"Bakit? May maipagmamalaki naman ako ah! Malaki din tong boobs ko! Kulang lang sa pads!" Sabay hawak sa kanyang boobs

"Cute din naman ako at maganda" sabay hawak sa pisngi at nagbeautiful eyes

"Sexy ako at mas hot" sabay lick ng kanyang lips

"Seryoso? Anong ginagawa mo?" Sabi ni Rem kay Brandy habang nakasandal sa pader

Biglang nahiya si Brandy.

"Bakit biglang pasok ka ng pasok ng basta basta sa kwarto?!"

"Kwarto ko din to eh! May karapatan ako!"

"Umalis ka na! Nakakabwisit!" Sabay bato ng unan kay Rem

"Sige! Hot na Brandy." Sabi ni Rem sabay beautiful eyes at lick sa kanyang lips

"Nyeeeetttaaaa!" Iritang irita si Brandy

Brandy's POV

Aaminin ko medyo bigatin ang kalaban. Kelangan magpaganda! Nadagdagan pa man din ang timbang ko. Kelangan ko na magexercise! Nangitim din ako! Shems! Kainis kasi tong si Rem eh! Wala na kong privacy! Hirap naman pag may asawa! Wala kang matatago kahit yung mga ganitong katangahang moments mo!

Habang nanunuod ang dalawa ng balita sa tv...

Nakaupo si Brandy sa left side ng sofa. Si Rem naman ay nasa right side. Bawat minuto palapit ng palapit si Brandy sa tabi ni Rem. Sinudot sundot niya ang tagiliran ni Rem. Tinitingan niya kung may kiliti ito ngunit wala pala.

"Anong gusto mo?" Tumingin si Rem sa mga mata ni Brandy

Nagpaawa si Brandy at sinabing "Rem... please..."

"Please?"

"Please, patawarin mo na ko na pinsan ang pakilala ko sayo."

"Okay na yun. Narinig ko kanina sa mga kaibigan ni Froilan na bakla daw si Bart."

"Talaga? Okay na! Hahaha! Sa lahat ng pagseselosan mo eh bading pa!"

"Hindi ako nagseselos ah."

"Sows, kung iwan iwanan mo nga ko non habang pinangangalandakang pinsan mo ko! Ang cute mo pala magselos." Natatawang sabi ni Brandy

"Ginawa ko yon para wala nang issue kung may magtanong man sakin kung sino ka!" Namumula na si Rem sa ginagawang pangaasar ni Brandy

"Namumula ka eh! Gusto mo na ko no?!" Sabay siksik pa niya sa tabi ni Rem

"Namumula ba ko? Baka dahil sa init. Siksik ka nang siksik, ang luwag naman ng sofa. Makaalis na nga!"

"Wait lang!" Sabay hila sa braso ni Rem "Bawiin mo na yung pagpapakilala mong pinsan sa akin."

"Hindi na. Nagawa ko na. Mapapasama pa ko sa tingin ng iba."

Nagpapadyak si Brandy sa inis. "Eh bakit pati kay Lia sinabi mong magpinsan tayo? Mamaya maniwala yon?!"

"Alam kong alam niyang asawa kita. Huwag ka nang mag alala."

Napansin ni Brandy na nagiba ang reaksyon ni Rem nang banggitin niya si Lia. Nalungkot ang kanyang asawa. Medyo umangat ang nararamdaman niyang selos ngunit ayaw niyang ipahalata kay Rem.

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon