Chapter XLII: Modern Courtship

1K 41 17
                                    

Brandy's POV

Nagkiss kami. Third time na to. Ito din yung pinakanakakakiliggg! Langya! Wala si Bart, wala ako mahampas! Ay dapat di ko sya hampasin kasi dahil sa kanya nagkiiiisss kami! Para saan kaya ang kiss na yon? Baka mamaya umasa na naman ako. Eklat lang na naman pala ang dahilan. Naguguluhan ako! Kiniss nya ko pero love niya si Lia. Di naman siya yung tipo na maggagrab ng chance agad agad? Ano ba talaga?

Kinaumagahan, parehas na tahimik ang mag asawa habang nagaalmusal. Walang naimik sa kanila dahil nahihiya sila sa isa't isa sa nangyaring halik nila. Ngunit pinilit ni Brandy na basagin ang katahimikan.

"Umuulan na naman no? Nung last month taginit lang, ngayon tagbaha na ulit." Sabi ni Brandy

"Di pa din kasi maayos ang drainage system dito sa Manila. Ang lakas ng ulan parang di na titigil."

"Parang pagtingin mo lang sakin, walang tigil."

Napakunot ang noo ni Rem "Huh? Ano?"

"Ikaw ha! Sa akala mo ba di ko napapansin. Nung bumalik ka panay na ang dikit mo sakin. Tapos lagkit pa lalo ng tingin mo. Love na love mo na ko no? Patay na patay ka na sakin. Naglalaway ka pa nga. Aminin mo na! Sa bagay sa ganda at alindog kong to, sino ba naman ang di mahuhulog? Kahapon grabe ka makakiss! Ayaw mo na ko pakawalan!"

Nainis si Rem sa sinabi ni Brandy kaya napasabi siyang "Asa ka naman! Sabi mo gusto mo madisinfect ng kiss ko. Ginawa ko lang yun kasi naawa ako sayo. Dyan ka na nga! Una na ko. Di ako magkokotse kahit umuulan, magjejeep ako. Ikaw din!"

Tumayo na nga si Rem sa hapag kainan. Dali dali na siyang lumabas ng pinto.

Rem's POV

Di ka talaga naiisip Rem! Bakit mo sinabi yun sa kanya?! Sana nagtapat ka na lang kung bakit mo ginawa yon! Kasi naman itong si Brandy, napakahangin! Nakakaasar! Sobrang nahihiya na nga ako kasi gumawa ako ng moves ng basta basta! Ginagalang ko nga ang nararamdaman ko para sa kanya tapos kung pagsalitaan nya lang ng ganun. Sinong patay na patay sa kanya?! At naglalaway? Parang kung idescribe nya ako parang manyak o aso. Kainis! Bakit pa kasi ako nagkagusto sa babaeng yun!

Marrying The King (Jailene + Francella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon