Kabanata 2

6.6K 185 15
                                    

Another what?!

I N G R I D

"ALEXIS DUDE! " Malalaki ang mga mata kong nakatingin sakanya, parang gusto ko nang magtago.

Hindi ko alam na magkakilala pala sila ni Kael, pasimple ko namang itinago ang mukha ko sa aking straight at mahabang itim na buhok.

Ah, basta ayaw kong makita n'ya ko..

"Uy! Besh? Anyare? Mukha kang si Sadako r'yan" Natatawang sabi ni Haillee. Inilingan ko nalang s'ya pahiwatig na huwag mo akong kausapin, please lang!

"What? " Tanong ni Kael sa lalaking bagong dating, wow ang sungit.

Mas lalo ata akong nahulog, nafafall na ako..

"Why so grumpy dude? Hindi ka ba naka-iscore kay 'you know'." Nagtaas baba naman ang mga kilay n'yang makakapal, sing kapal ng mukha n'ya.

"Tsk,"

"Pikon,"anito, lumingon sa amin at biglang ngumiti. " Hi! Ipakilala mo naman ako sa mga kasama mo Dude. Malay mo forever ko na pala ang isa sakanila." Napaingos ako, forever mo mukha mo.

Malalim na buntong hininga ang ginawa ni Kael, sinamaan niya ng tingin ang lalaki, "tsk."

Ipokrita ako kung hindi ko sasabihing gwapo ito, matangos ang ilong, mapupulang labi, ah! Basta, inshort gwapo.

Mukhang kanina oa na weweirduhan si Haillee sa akin, "pst! Ingrid anong ginagawa mo? Mukha kang tanga!" Pabulong na sabi nito.

Kimabahan ako bigla, baka kasi maramdaman nung lalaking 'yon na ako 'to. "Shh, huwag kang maingay kahit ngayon lang." Paki-usap ko.

Ingay kasi!

"Hi, are you Haillee?" Nanigas ako ng makita itong malapit sa amin, jusmeyo. Bakit ang malas ko ngayon?
Nakasilip ako sa may awang ng aking buhok, katulad ni Kael makalaglag panty din s'ya!

Hindi ko kasi napagmasdan kahapon. Pero familiar ang boses kaya alam kong s'ya 'yon!

Nataranta ako ng bigla s'yang bumaling sa akin. "Kasama n'yo rin ba siya dude? " Tanong nito, nakita ko namang mataman n'ya kong tinitigan at tumango lang si Kael bilang sagot, si Haillee naman ay may nang-aasar na ngiti.

Ngumiti ang lalaki, inilahad ang kanyang kamay sa akin. Ang bright ng awra n'ya, ibang-iba sa awra noong una at huli naming pagkikita. Masyado ata s'yang palangiti?
"Hi! I'm Qion Luther. Nice to meet you, Miss? "

Nakayuko pa rin ako at dahan-dahang inabot 'yon. Grabe, nang mahawakan ko ang kamay nito bigla akong nahiya. Ang lambot ng kanya, samantalang yung sa akin parang papel deliha.

"Hmmm? Miss?" Tanong nito, nagkamot batok na. " Alexis, she's kinda weird ."

"Huy, weird daw! Humarap ka kasi, wanted ka ba? Kriminal?" Pinandidilatan na ako ng mata ni Haillee, sa ayaw ko nga eh! Pinanindigan kong huwag humarap hanggang sa umalis si Qion sa harapan ko.

"Yiee, why are you namumula ba?" Pang-aasar na sabi ni Haillee, ayaw akong tantanan.

"A-ano ba! " Saway ko sakanya.

"Type mo? " Tanong nito.

"H-hindi ah!" Patuloy ang bulungan naming dalawa, patuloy lamang sina Kael at Qion sa pag-uusap. Mukhang masinsinan ata?

"Why ba hindi mo type? He's my type kasi, you know. Handsome plus gorgeous, " ngumiti ito ng malawak, "equal super duper beautiful babies!" Aniya, napailing nalamang ako, masyado na atang ilusyonada si Haillee, malakas ang amats.

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon