Kabanata 64

1.7K 73 2
                                    

Heartbeats that can kill

                  

Halos ilang buwan din ang away-bati-landi na relasyon namin ni boss. Boss pa rin ang tawag ko sakanya habang s'ya ay sweetheart kuno. Ewan, hindi ko kasi mahanap ang salitang sweet sa mga endearments.

May mga araw na puro kalandian ang ganap at may ganap na away buong maghapon. Hindi kami 'yung tipong baby don't make me mad dahil kami mismong mag-syota ang nang-iinis sa isa't isa.

I guess that makes us unique among all.

Wala na akong mahahanap pa sakanya lang ako, quotang-quota pa.

"You want to eat? " tanong n'ya sa akin umiling ako. Nandito kami sa office n'ya sa school kulang nalang ay mag live in na kami rito, dito kumakain ng almusal, pananghalian at minsan dinner date kung dito nalang kaya kami matulog? "What are you thinking? Thinking about me? 'Wag masyado, kasama mo lang ako oh. " napaka lakas naman ng self confidence.

Nag-uumapaw, hindi ko ma reach.

"Wow, ikaw nga 'tong patay na patay sa akin, nahiya ako sayo. " sabay binelatan s'ya.

Nailing ito, "one more stucking of tongue I'll kiss you.  Lip locked." halos mamutla ako sa banta n'ya, isa pa 'yan sa mga nakakatakot sa relasyon namin. Bakit?

BAKIT?! May insidente kasi 'non seloso ang loko, aba'y namaga ang labi ko na kala mo ina upper cut ng boxingero meron naman nitong nakaraan na nag kiss kami halos mahimatay ako dahil sa kakapusan ng hininga. Akala n'yo sweet? Juice ko! Patawarin!

Pinitik n'ya ang noo ko, "stop thinking nonsense, " at natawa pa ang loko, "you look like crazy. Let's go, we have class today. " at magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng classroom.

Lahat ay napatingin sa aminn at kabilang na roon ang babaeng si Rina Serrine Santiago. Nahihiwagaan talaga ako sa babaeng 'to,  minsan mahuhuli mo nalang makatingin sayo na para bang gusto kang patayin.

Kahit noon pa noong unang araw ko rito sa Acad ganoon na s'ya lalo na noong tinanong ko s'ya sa unang pagkakataon tungkol kay boss. Iba ang awra, hindi ko s'ya pinapansin kasi wala naman akong nakikitang mali sakanya maliban nalang sa mga tingin.

Pero ng nalaman ko ang rason ni Lynna nagkaroon ako ng pagkakataong maging interesante sakanya feeling ko alam n'ya o isa s'ya sa mga nang gago kay Lynna.

Hindi ko alam, nakakasira sa ulo ang palaging nag iisip.

Nakaupo na kami nasa pagitan ako ng Reckzone Twins as usual malayo sina Haillee at Clara pero sa kaso nina Jewel at Faxxon walang long distance!

  Aba kahit nasa unahan si Jewel talagang pupuntahan ni Faxxon, walang LDR mga pre.

"I woke up this morning,  " panimula n'ya

Maasar nga 'to, "ah talaga? Buti nagising ka pa? " agad n'ya akong tinapunan ng masamang tingin, "Napaka pikon ng boyfriend ko. Ang panget!" at malakas na natawa dahilan para mapatingin ang mga kaklase namin, may mga bumubulong, anong bago?

Chimis is here, chismosa is there!

"What are you looking at? Do you want me to beat all of you to pulp? " malakas at nanganganib na boses ni Boss. Magdasal, nakakatakot.

"Chill, aga-aga ang init ng ulo mo. " sabi ni Qion na halatang tahimik? Wala ata sa mood?

Magtatanong pa sana ako ng pumasok ang Dean? Hala ang Dean? Anong meron?

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon