Kabanata 33

2.3K 85 4
                                    

  The most awaited Foundation Day
Part 1

Hala, magkahawig?

"Why are you here you twerp? " Maangas na salubong ni Dark.

Ngumisi lang ang cute na baby boy at biglang inilabas ang dila.  "You're a bastard Rucian. I'll tell it to ate Sammy, " ay, attitude.

Sa totoo lang napapatanga nalang ako sa kanilang dalawa. Agad namang binaling sa akin ng bata ang kanyang atensyon sabay pakilala kay Dark.  "By the way Rucian this is Ate Pretty. My soon to be girlfriend." Anito  at umalis na sa pagkakakarga ko sakanya.

Nagtatakang tumingin sakin si Dark na para bang nagtatanong, umiling nalang ako sakanya at sumenyas na ipapaliwanag ko nalang mamaya.

Nang aasar n'yang tinapunan ng tingin ang bata. "Tsked, you said you're a big boy  pero bulol ka pa rin? Anong Rucian, Lucian 'yon, bulol. And what did you say? Girlfriend? Are you nuts? Di ka pa nga tuli, ganyan ka na," nakangising sabi ni Dark.

Napatawa naman ako nang biglang namula si Faharn. "Shut up  lr-lr-Rucian! Magpapatuli rin ako" Sabay cross arms dahilan para di ko mapigilang mapatawa ng mahina. Ang cute nilang tignan.

Mag sasalita na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone.

From +0911*******

Ingrid ako to si Qion pogi. Pwede bang patulong sa auditorium? P. A ka naman ni Twinny. At saka ni recommend ka ni Ms. Tiaco, magaling ka daw sa Arts.

Please be there asap.


Eh? "Oh, nag text si Qion. Nagpapatulong? Gusto mo samahan kita?" Tanong ni Dark na hindi ko namalayang nakadungaw na pala sa cellphone ko't nakikibasa.

Tumango ako. "Sige tara na. Pero paano si Faharn? Tutulungan ko pa s'yang mahanap yung yaya n'ya. " Sagot ko.

Kawawang baboy---baby boy, walang sense of responsibility ang yaya.

"Don't worry, isasama natin ang bulol na batang 'to. " Aniya at pwersahang binuhat si Faharn.

Grabe nakakatakot siyang maging tatay.

_______

"Nasaan kaya si Qion? " Nakasimangot kong sabi. Luminga-linga naman si Dark sa paligid habang si Faharn naman ay bagot na bagot na.

"He must be somewhere I guess?" Patanong na ani Dark.

Akala ko ba nag papatulong ang isang iyon? Palibhasa libotero. "Nasan na kaya 'yon? "

Pupunta na sana kami ni Dark sa office nila nang may biglang sumigaw.
"Ingrid! Here! I'm here!" Sigaw ni–sino pa nga ba ang may matinis na sigaw at animo'y bata pa? Edi si Qion.

Napatingala ako at napatanga. Anong ginagawa niya sa tutok ng Auditorium?  Napansin ko yung hawak n'yang malaking banner.

              WELCOME TO ACE
    EMERALD CRESENT ACADEMY

"Wow I never thought that Qion will be serious on doing his job," nakanga-ngang sabi ni Dark, kahit naman ako nabigla. Magkaiba kasi si Boss at Qion.

Ang pagiging magkamukha lang ata ang pagka kaparehas nila. Seryoso si Boss, si Qion naman maloko wala nga atang sineseryoso ang isang 'to. Kaya nga gulat na gulat kami.

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon