Kabanata 48

1.8K 81 3
                                    

Meet

"Hey, Van son. " Agad kaming lumingon ni Boss sa tumawag.

Malakas ang tibok ng puso ko, pero bakit? Dahil ba baka ipakilala ako ni Boss sa papa n'ya at sabihing papakasalan na n'ya ako?

Hala! Hindi pa 'ko ready!

"Dad, " maikling sabi ni Boss. Ano 'to meet and greet?

His dad suddenly looked at me like he's examinating my whole appearance. His dad suddenly smiled, "Hi. What is your name young lady?"

Napalunok naman ako sa kaba, "I-Ingrid Sumalangit po, at your service."

"Never heard that before, you look like someone else in the past. " He added. Ano ako ex n'ya? The One that got away?

"Why are you calling me, dad? " Ani Boss.

"I'm actually here to congratulate you, I didn't know that you're into this kinda stuff. " Sabay tawa nito pero hindi abo't sa mata n'ya.

Halatang pilit ang tawa. Away mag-ama ba ito?

"A-Ahmm, I didn't know either." Halata ang coldness sa kanilang dalawa, na para bang pinipilit na pakisamahan ang isa't isa. Buti pa kami ni Inay--Mama pala solid.

He then fake cough, "Okay, I'll go. Take care, son. " At umalis, pagkatalikod naman ng kanyang papa ay may isang babaeng maganda ang pumunta naman samin.

Pinaningkitan ako nito ng tingin. Pinasadahan ang kabuuang itsura ko sabay irap. Teka?!

"Mom, " tawag ni Boss, awit pre, taray ng nanay. Wala naman akong ginagawang masama.

Kung makatingin kasi eh, parang alam n'yang ako ang nangdekwat ng piso ni Totoy sa pisonet nung bata pa kami.

"Oh my dear! I miss you so much, where's your twin? I miss my babies." Sabay yakap nito kay Boss, agad namang gumanti ng yakap ang isa.
Humarap ang mama n'ya sa akin at pagkuwana'y nagtanong sa kanyang anak, "Who's this?" Mataray nitong tanong.

Ingrid, magalang kang tao. Magalang, itatak mo sa utak at balunbalunan. Kahit ang mga tinginan ng nanay n'ya eh nang iinsulto.

"My friend and a-ahm, special someone. " Dahil sa pa 'special' ni boss, nagwala ang puso ko sa ribcage.

"Hmm, she's no one. I don't like her, she reminds me of someone I loathe. Besides, my dear I know your taste on woman. Alam kong---, " pinasadahan n'ya ulit ako ng tingin "----hindi ganiyan ang mga tipo mo. Nathalie is the best for you and I'm sure you're heads over heals inlove with her. " At tinapik pa nito ang balikat ng anak at nagpaalam.

Impakta pala ang nanay.

"Hey, I'm sorry about that. " Sabay hawak ng aking kamay at nginitian.
Gusto kong isigaw sakanya na, Impakta nanay mo mana ka sakanya---char! Yung ibang ugali lang.

"Okay lang, hindi naman nakakabawas sa kagandahan mga hate comments ng mama mo besides, maganda ako kase genes to ng mama at papa ko. " Sagot kong suntok sa buwan.

Para mapagaan ang atmosphere pinuntahan ko na lang sina Clara at doon na nakipag chikahan, malalim na ang gabi. May pa fireworks na at sound system. Nagmistulang discohan at partyhan ang gymnasium ng school.

Parang Junior, Senior Prom.

"Ingrid Girl! Congrats! For me my friend, you deserve to win not that girl ew," maarteng sabi ni Hailee parang gusto ko s'yang sabunutan pero hayaan na.

"Hayaan na! Kung sanang hindi n'yo 'to pinlano nung Boss ni Ingrid edi sana ikaw lumaban! Dinamay n'yo pa 'ko tangina! Enjoy lang! " Balahurang sabi ni Clara.

"Yeah, enjoy. " Hindi ko kasi maiwasang isipin kung bakit ganon makitungo ang iba sa kapuwa nila.
Kung ako magigising isang araw na mayaman hindi ako magiging impakta.

Hayy, no to negativity enjoy lang!
_____________

From: Clara_palamura

Oy, wala daw pasok! Yiee! Bakasyon is comming!

-TanginaYes! Xoxo


Umagang-umaga text na may mura ang bubungad sayo. Napabuntong hininga nalang ako, Clara will be Clara. Wala raw pasok ngayon, siguro nililinis na ang school dahil sa ilang araw na foundation day. Sa wakas pahinga!

Sa bakasyon dadalaw ako sa Sitio Tirik Mata at doon na magbabakasyon. Ilang araw nalang naman or I should say na linggo. Dalawang linggo nalang makakauwi na ako! Excited.

"Ingrid iha? Breakfast time na dearest, " sabi ni Señorita Karidad nasa pinto na. Bumangon ako at pinagbuksan s'ya ng pinto para sabihing mag aayos lamang ako.

Pagkatapos kong gawin ang lahat ng 'morning routines' ko kuno ay bumaba na para kumain.

SSPG! SUPER PATAY GUTOM TO THE NEXT LEVEL!

"I guess tayo nalang muna ang kakain, wala kasi si Alexis tulog pa. " Aniya habang ngumunguya na ng pagkain.
Hindi na ako nahiya at nakikain nalang din biglang pumasok sa isip ko si Inay.

"Hmm, Señora pwedeng magtanong?" Saglit s'yang napatigil sa pagkain.

"You don't have to call me 'señorita'! Just call me Tita, by the way what is your question? "

"Ano po, magkakilala na ba kayo dati ni Mama? " Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagtanong tungkol sa buhay ni Momma.

She smiled. "Ah, Esmeralda. Oo naman friends nga kami eh! " Sabi n'ya sabay subo ng bacon.

"Talaga po? Hindi ko alam. " Ani ko.

"Yes, secret lang kasi! Señorita raw kasi ang role ko sa buhay ng gaga!" Animo'y hindi na siya ang Señora na kasa-kasama ko nitong nakaraan.

Nangunot noo ako. "Paano naman po kayo nagkakilala?"

She stopped eating and did focus on telling their story. "Hmm, sa school, biterena kasi ako dati may crush ako harot days kumbaga tapos nag-away kami ng mama mo kasi yung trip kong boylet eh, s'ya ang gusto!" Sabay simangot n'ya habang inaalala ang nakaraan. Natawa naman ako, agawan pala ang drama nila dati.

"Hala, edi friendship over po kayo noon?" Na curious kasi talaga ako, wala akong kaalam-alam na ganon pala drama ni Mama dati.

She nodded. "Parang ganoon na nga, pero unfortunately balik kami sa pagiging friends! Hindi ko naman kasi s'ya matitiis lalo na't one of the kind lang s'yang kaibigan ko. Tapos nakapag move on na rin ako sa boylet na trip ko. Minatcho dance kasi ako ng papa ni Alexis. " Na para bang kinilig pa ng banggitin n'ya ang tatay ni Alexis Kael.

"Ganon po pala ang nangyari, " sabay tango kahit napapangiwi ako habang na iimagine ang itsura nila.

"Kahit na anong mangyari hindi ako sinukuan ni Esmeralda, hindi n'ya sinukuan ang pag kakaibigan namin kaya ng s'ya na ang mangailangan hindi ko magawang s'yay talikuran---, " napatango nalang ako, nakakabilib ang relationship.

"---Ang ganda naman ng pagkakaibigan n'y---," hindi ko maiwasang sabihin daig pa kami ng mga kaibigan ko.

Ngunit ang mga marahan n'yang ekspresyon ay napalitan ng malungkot na ngiti ng ituloy n'ya ang kanyang sinasabi, "---kahit na nabuhay nalang kami sa kasinungalingan ng nakaraan. "

"Po?"

Kasinungalingan?

________________
#TPPB
#Meet
#Kasinungalingan

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon