JobI N G R I D
It's Friday..
Ang bilis ng panahon no? Ang maganda walang pasok!
Sabi ng dean nung enrollment hindi pa raw regular ang classes, next pa.
Kanina pa ako rito paiikot-ikot, kulang nalang mag-ala Sarah G ako at kumanta ng Ikot-ikot ang.Kanina pa kasi ako naghahanap ng trabaho, pero bigo. As in lahat.
First Attempt
•Emα βalyena βoutique•
"How may I help you Ma'am?" Tanong ng babaeng nakatayo sa counter
Nginitian ko ito."Mag-aaply po sana ako ng trabaho."
Pero natawa lang s'ya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Problema nito?
"Ma'am ang galing n'yo pong mag joke."
Ultra-wow si Ate naaaning ba s'ya?
"Huh? "
"Ma'am paano ka po mag aaply eh, you look like a model. Kahit simple lang ang suot litaw na litaw ang lahi n'yo ma'am! Sana all!" Giliw na sabi n'ya.
Dapat ko ba s'yang iuntog ng malaman n'yang mag aaply talaga ako?
Alanganin akong mgumiti. "Eh?Mag aaply po talaga ako ng trabaho."
Saglit itong nag isip bago mag-salita na animoy naniwala na."O-okay po. Anong name n'yo po? "
Ngumiti ako ng matamis. Oh pak, job here I come! "Ingrid Sumalangit."
Natigilan ito, napakurap-kurap pa. 'Di kalauna'y may kinontak sa campany phone nila. Ilang minuto muna ang hinintay ko para ma hire. So excite--
"I'm sorry po, but hindi po kayo pwedeng mag aply rito. "
Napatulala ako, " bakit po?! May mali po ba sa resume ko?" Sa tagal kong naghintay ganito pa? Eh hindi pa nga ako ininterview!
"I'm sorry. Pero hindi daw po pwedeng sabihin."
"Pero Miss-----"
"Ma'am umalis na po kayo kung hindi tatawag ako ng guard." Pananakot nito. Walang sabi-sabing umalis naman ako. kainis, magka pigsa sana sa pwet yang amo mo!
Unang subok palang 'yon, kaya akala ko wrong timming lang talaga. Pero sa pangalawang attempt, ganito ang nangyari.
Second Attempt
•Aling Mema Store•
"Pwede po bang mag-aply? "
Nilingon ako nito. "Anong pangalan mo iha? "
"Ingrid Sumalangit po."
Nanlaki ang ang mga mata nito."Nako! Hindi pwede! "
"Pero------"
"No buts! It's not you, it's me! "
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romance[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...