Teaser

1.8K 41 5
                                    

A/N: LoL, isisingit ko lang 'tong teaser ng story ko baka sakaling ma curious kayo at basahin n'yo.

A/N: LoL, isisingit ko lang 'tong teaser ng story ko baka sakaling ma curious kayo at basahin n'yo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Read Sitio Series by oootakuisme





Sitio Series 1:

THIS BEKS IS INLOVE WITH YOU MARE


G A L A T E A

"Wush! Ilagay ang mga gamit na itey sa boxie! Tayo'y lalarga sa ibang kaharian! " sigaw ni Papa Ganda sa akin habang nagbabalot kami ng mga gamit.

Napabuntong hininga ako, sa ikalimang pagkakataon pinalayas na naman kami sa apartment na inuupahan namin, pero sabi ni Papa may bahay s'yang available ang kaso sa Sitio Hiyaw Pa kalapit sitio ng Sitio Tirik Mata.

"Doon na tayo mag lilive, proprotectahan ang Lireo laban kay Aling Urla'ng mapaningil! " natawa ako sakanya.

Matagal na akong ulila, walang ina at ama. Nakatira noon sa lansangan, pero isang umaga nagbago ang buhay ko at instant nagka papa na mama pa.

Nasa ilalim ako ng tulay noon natutulog, ng may marinig akong mga ingay na ungol ata? Natakot nga ako noon, kebata-bata ko makakarinig ka ng kababalaghan, at ng magising ako, kinaumagahan nakita ko ang baklang lupaypay sa may kabilang dako ng tulay.

Parang nagahasa ito? Nagahasa nga ba? May katabi itong binatilyo na parang addict, nagtago muna ako ng maramdaman kong nagising na sila.

"Goodmorning in shalala in the morning! Hay buhay, pogi eto 250, dinagdagan ko na ng isang daan ah! "

"Salamat."

'Yan ang eksaktong sinabi n'ya noon. Pilit lang ako sa pagtatago ng mag ayos itsura na ang bakla.

"Hoy! Bata! "

Napangiti ako, sa pagtawag n'yang 'yon noon gumanda ang buhay ko.

"Wala kang nanay at tatay? Anong ginagawa mo sa ilalim ng tulay? "

Ilang beses akong tinanong noon kung ayos lang ba ang buhay ko doon, na ang totoo'y isang kabig, isang tuka.

"Gusto mo baby, aken ka nalang? Kyah! May barbie na ako! Omg, proud nanay here! Iniluwa ng imaginary kepyas ko ang batang ito!"

At doon isiniling ang babaeng anak ng bakla at may mabahong pangalan pero sino ako para magreklamo? Ako lang naman ang biniyayaan ng pangalang Galatea Harmonia De Pako ang nagsusumikap maiahon sa kahirapa si Papa Ganda.

"Ready ka na aking baby girl? "

Binitbit ko ang mga bag, "Opo! "

Ngumiti ito at nagdrama muna sa dati naming bahay na nirerentahan bago umalis, "Let's go sa bagong kaharian!"

_______________

Welcome to Sitio Hiyaw Pa
Ihiyaw mo lang!

Napaka weird ng mga pangalan ng
sitio dito, may Sitio Hiyaw Pa, Sitio Tirik Mata, Sitio Ibuka, at iba pa.

Medyo parang kakaiba 'din ang mga tao dito, kailangan ko ng masanay dito na kami titira. Magtratransfer na 'din naman ako sa eskwelahan nila dito, kung hindi ako nagkakamali Sitio Hiyaw High School ang pangalan.

Naramdaman ko ang mahinang hampas ni Papa Ganda pagkababa namin sa owner jeep na inarkilahan namin para sa paglipat, "Oh? Done na ba itey mga wonder-wonder sa surroundings? Omygulay! Sana'y magpaulan si Papa God ng mga otoko para ma'y matuka akez! " napasimangot ako sakanya, kahit kailan talaga! "O'sya, tara let's go sa bagong kaharian! Protektahan ang Lireo! "

Napailing nalang ako, ibinaba na ni manong ang mga kahon-kahon naming gamit pati ako'y tumulong na din sa pagbubuhat, maganda ang bahay hindi man kaanong kalakihan pero pwede na para sa aming mag-ama.

"Salamat po manong, " ani ko kay manong habang inaabutan ko s'ya ng miryenda.

"Baby Galatea ko, dito na ang bagong kaharian! Humanap ka naman ng mga prends in the rainbow bata ka! " sermon sa akin ni Papa Ganda habang kumakain, lagi n'yang pangaral sa akin na dapat raw ay tapatan ko ang mga kaibigan ni Jenina----isa sa mga nakakainis kong kaklase doon sa lugar namin noon.

Hindi naman mahalaga sa akin ang sobrang daming kaibigan, kahit isa o dalawa lang basta mapagka-
katiwalaan ang kaso wala pa akong nahanap kahit isa. Kasi nga mapili ako. Arte!

Pagkatapos naming kumain ay nagbayad na si Papa Ganda sa nagbabantay ng Karinderya, umalis na 'din si manong pagkatapos bayaran at pakainin ni Papa.

Abala ngayong nakikipag chismisan si Papa sa mga new found friends kuno n'ya, napakamot batok ako, ang bilis naman yata? Mga babae, bakla at iba pa.

Aba friendly!

Sa pagmamasid ko sa kabuuan ng bago naming lugar napansin ko sa hindi kalayuan ang isang lalaki---teka, lalaki nga ba? Sabihin na nating kauri ni Papa Ganda na nagmula sa dugo ng mga sanggre, base na din sa pananamit at pagkilos n'ya. Sayang gwapo pa naman at mukhang maamo.

Kapansin-pansin ang mapulang-mapula n'yang labi na para bang pinanggigilan sa lipstick, kilay n'yang palaban, eyeshadow na kinabog ang isang pageant organizer at ang pormahan n'yang pants na kulay pink, t-shirt na pink din, hindi pahuhuli ang scarf n'yang kagaya ng damit ay pink.

Hindi halatang favorite n'ya ang pink.

Hawak ang kanyang pamaypay na mataray nitong iginagalaw, ang kilay n'yang nakataas at ang mata n'yang ang sama makatingin sa akin.

Anong ginagawa ko sa baklang 'to?

Inirapan n'ya ako at nagflip hair pa. Pinakatitigan ko ito, nagtataka.

Ano ba talagang problema n'ya?

"Hoy! Xaxa, tara na besh gora na us may mga bagong make up si Mother Of Queens! " sigaw ng isa pang bakla sakanya, saglit itong ngumiti sa tumawag bago umikot na akala mo'y si Catriona Gray, tinignan ako mula ulo at paa sabay isnob sa akin pagkuwana'y umalis na.

Naiwan akong tulala, ano bang problema ng baklang 'yon?

______
Mayor|oootakuisme



The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon