Kabanata 69

1.5K 57 1
                                    

Announcement           

Alam mo iyong feeling na sabay-sabay ang supresa sa buhay mo? Yung tipong gusto mo nalang matulog at 'wag na itong pansinin.

Paano kami naging magkapatid? Sadya bang lumipad ang pinagsamang pagmamahal ng magulang ko at napunta s'ya sa ibang sinapupunan? Hindi ko na talaga alam..

"Trust me, I'm telling you the truth! I'm your brother eyeing you for a long time! We're twins like Quiovanni and Qion, " anito at pilit akong itinatayo sa pagkakasalampak ko sa sahig. Nanghina at nanlambot ang aking mga tuhod kaya hindi ko magawang makatayo ng maayos.

Ito ba ang sagot sa mga sparks? Hindi dahil may nararamdaman akong atraksyon para sakanya ngunit dahil 'yon ay lukso lamang ng dugo? Iyon ba ang paulit-ulit kong nararamdaman tuwing magkasama kami?

Bumuntong hininga ako, pinunasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi, wala akong pake kung wala na akong make up. Makapag retouch nalang mamaya. "H-Hayaan mo muna ako... " Sagot ko at inayos ang aking gown. Handa nasa akong lumakad papalayo ng humarang si Mama kasama si Dark.

Dark na half sister si Lynna na may galit sa akin. Dark na kilala ang kapatid ko raw na alam ang totoo noon pa man.

"Dark," tawag ko sakanya. Agad naman itong lumapit sa akin na para bang nagtatanong kung bakit ko s'ya tinawag. "P-Pwedeng, pwedeng pasampal. " Gigil kong sambit sakanya.

Mukha akong tanga, ano 'to reality show? Reality Show na ipapakita kung gaano katawa-tawa ang pagiging tanga ko sa bawat clue? Punyeta.

Nag-iwas ito ng tingin, "it was an order by your brother and mother. I have my reason why I'm serving your family.” He let out a heavy breathe.  “My dad is one of the Montemoriados loyal men, na kahit bata pa lang ako ay sinabi na n'ya ang mga kailangan kong gawin para sa pamilya n'yo. " Naglipat-lipat ang tingin sa amin nina Mama at Astrid.

Ibinaba ni Mama ang kanyang kopita, tinitigan si Dark. Siguro'y nangawit na kakahawak sa props niya.  "I have my own question, Lucian Dark Monreal. Before explaining all of my reasons and truth to my daughter. How did you do all this, I mean paano nalaman ni Astrid na hindi si Lihanna Reckzone ang tunay n'yang ina? " Tanong ni Momma at pinasadahan ng tingin si Dark, "Astrid was kidnapped when he's 1 year old while Ingrid had an accident when she's 3 years old. "

Naaksidente ako? Bakit hindi ko alam?

Bumuntong hininga si Dark bago magpaliwanag, "my father Lucian Monreal is a doctor, he's one of your secret men kaya lingid sa kaalaman ng lahat na nabibilang s'ya sa tagapaglingkod ng pamilya n'yo. When he found out Lihanna's men kidnapped Astrid that was the time faith favored us. Dahil ang tatay ko mismo ang nag DNA kay Astrid at nalaman n'yang match ang DNA mo sakanya. So he ordered me to be friends with Astrid to tell him the truth, at first Astrid punch me because he thought I'm a liar but when my dad died because of an accident––of course not. He finally believed me and that all connects the dots of your family. " Napasinghap ako, isang gabi lang pero ang daming rebelasyong hindi ko alam.

Mga sikretong ako lang ang walang kaalam-alam dahil ba hindi ako katiwala-tiwala?

My mother's eye's reflected with so much gratitude. "Thank you, Lucian Momreal your father really deserves an recognition." Anito pagkuwana'y bumaling sa akin at seryoso akong tinitigan. "Narinig mo lahat ng katotohanan Ingrid, hindi kita pipigilan kung magagalit ka sa akin dahil sa hindi ko agad pagsasabi sa iyo ng katotohanan dahil katulad mo'y nagdadalawang isip ako kung babalik pa ba ako sa buhay kong kinagisnan. Lumayo ako para sa ating dalawa, para sayo anak. "

Hindi ako na inform na Tears Day pala ngayon ang daming luha ko na ang patuloy na pumapatak. Kulang nalang isuka ko sila sa sobrang dami.

"H-Hindi naman ako galit." Maikli kong sabi habang pilit ipinapakalma ang sistema ko, "H-Hindi... Kasi hindi mo naman ako tinuruang magalit sa mga bagay na alam kong may magandang dahilan.. Nagulat lang ako, parang, parang hindi ako katiwala-tiwala sa inyo. Kayo-kayo lang ang may alam hindi ba pwedeng pasagap naman ng chismis d'yan? " Sabi ko habang pilit winawaksi ang mga luha ko.

Ngumiti si Mama at mahigpit akong niyakap ganoon na rin si Astrid, “my twins, after so many years. Yakap-yakap ko na kayong magkasama. "

Tinignan ko si Astrid wala na ang bakas ng pagkalito. Oo, hindi man magandang pakinggan pero hindi ako galit sakanya wala kami sa telenovela na nalaman lang ng bida ang totoo tapos isang linggong episode ay galit pa rin kahit na may dahilan. Isa pa, hindi ako artista, pabebeng probinsyana lang.

"Astrid..... Kuya. "

_______________

Halos ilang oras din ang iginugol ko sa iyakan portion namin nina Mama at ang kambal kong may dramatic life, pagkatapos noon ay nagpunta na ako sa rest room para mag retouch at tumambad doon si Tita Karidad kanina at s'ya na mismo ang gumayak sa akin.

Hindi na ang gown ko kanina ang suot-suot ko mas magarbo ngayon pero iyon nga, kulay blue pa rin. Lakas maka Cinderella.

Siguro may rentahan for gown sina Tita Karidad hindi lang siguro ako na inform.  Ang make up ko ay light lang pero nagpatingkad ng kagandahan––wow kagandahan kuno kong taglay hindi na halata ang bakas ng pag-iyak ko kanina.

"Kain ka lang Ingrid, " sabi ni Momma habang nagpupunas ng kanyang bibig sa table napkin na hawak n'ya, humiwalay muna si Astrid sa amin. "Pero, anak. Nasa party tayo ah, 'wag kaing patay gutom naman. Kakahiya," aniya, sus hindi naman.

Kokontra pa sana ako ng lumabas uli ang Emcee dala ang kutsara na inihahampas n'ya ng marahan sa kopita na naglilika ng ingay. "Everyone, this is the time to finally hear the announcement of the Santiago's and after that the Reckzone. " Saka lumabas ang isang napaka elegante at mukhang anghel na dalagang na kaparehas ko ata ng edad at ang mga magulang nito.

Ngumiti ang lalaking may edad na. "Everyone knows our organization, so I'm happy to share my good news to you–––to the Ten Royal Families. Me, the head of Santiago Family, Nathaniel Santiago is announcing the pregnancy of my daughter Nathalie Santiago. " Nabitin sa ere ang kutsarang naglalaman ng ulam at kanin na isusubo ko sana ng mapagmasdan ang Nathalie na sinasabi n'ya.

Siya nga.. Ang first love ni Quiovanni at inagaw sakanya na hanggang ngayon patay na patay na si Zeofer.

Gago, ngayon lang siya na insert sa kwento pero bakit buntis agad?! Ang gandang buntis naman..

_________________
#TPPB
#Announcement
#Pregnancy

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon