Bond
I N G R I D
"Ingrid, table number two!" Sigaw ni Mella, napatango ako at agarang kinuha ang maliit na notebook at ballpen. Mabilis pa sa alas kwatro akong pumunta sakanilang harapan.
Ngumiti ako, "what's your order ma'am?" Tanong ko sakanya, ngumiti ito pabalik, kinuha ang menu at nagtingin-tingin. Walang pasok ngayon, free from stress din ako sa lahat. Wala si Boss sa cafè, kaya eto ako naging co-manager tulad ng nasa kontrata. Bumaling ako sa costumer ng sabihin na nito ang kanyang order, sinulat ko itong lahat. "Is that all ma'am?" Tumango ito, "it will take a minutes ma'am but your order will be serve.." Ani ko.
Dumiretso ako sa counter, ibinigay ang papel sa may speaker kemerut na agad naman nitong sinabi sa mga cook. Aakalain mong restaurant na itong cafè masyado kasing maraming pwedeng i-offer, tulad ng sweets, dishes at kung ano pa.
"Ingrid, iserve mo nga 'to sa table 59." Utos ni Aling Rudia, isa sa mga matatandang dalaga na walang asawa rito sa cafè, "bilisan mo! Ang bagal naman," tumango ako at kinuha ang tray na naglalaman ng order. Pagkatalikod nito'y agad akong nagmake face dahilan para matawa ang ibang nakakitang crew.
Masyado kasi s'yang hot tempered! Mainitin ang ulo!
"Ma'am ilalapag ko na––" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng mamukhaan ang babaeng nakaupo at ngiting-ngiting nakatingin sa akin habang nagse-serve, "L-Lynna?" Nanlaki ang mata ko ng biglang mangilid ang luha nito.
"I-Ingrid.." Anito at gumaralgal ang boses. Hala, hoy!
Natataranta kong binilisan ang pag-aayos ng order niya. "Bakit ka umiiyak!" Sabi ko rito, napasinghap ako ng humagulgol siya. Jusmeyo! May namatay ba?!
"Namiss kasi kita," anito at pumiyok pa. "H-Hindi na kita nakita sa s-school noong nakaraan," at pumiyok pa rin. Napangiwi ako, wow, kailangan na ba akong bigyan ng super certificate dahil mukhang napakabuti kong kaibigan?
Napakamot ako ng kilay, "tahan na, 'wag ka nang umiyak, stress lang kasi ako nitong nakaraang araw." Paliwanag ko sakanya, tumango ito at sa wakas tumigil na sa pag-iyak.
"Namiss talaga kita, pwede ba tayong magbonding?" Anito, "please?" Tatangi sana ako kaso mukha siyang iiyak ulit kaya napabuntong hininga ako at tumango.
"Tapusin ko muna shift ko ah," paalam ko at sinenyasan siyang simulan na ang pagkain habang nagtratrabaho.
Feeling ko tuloy napakabuti kong nilalang para mamiss ako at humagulgol pa siya.
Natapos ko na ang shift ko't nagbibihis na ako ng pantalon at plain t-shirt, "Mella, pakisabi kay Kuya Ronald una na akong aalis ah." Habilin ko rito, napansin ko ang kakaibang bagay na nasa bag ko. " Ano 'to?" Kakalkalin ko sana ng makita kong naghihintay na si Lynna sa labas. "Mamaya na.." Sabay kuha at suot dito at umalis na ng cafè.
_______
C I N E M A
"I-I love you..."
"Haha, are you serious? I thought we're friends? "
"Pero, I'm inlove with you, matagal na,"
"But I love Celine, your bestfriend. I'm sorry Gina, "
"No, b-bakit? Hindi n'yo sinabi? "
"Because---,"
To be continued....
"Ano ba 'yan! Nandoon na eh, bakit to be continued agad?" Reklamo ni Lynna sa palabas, gigil mo siya. Narito kami sa sinehan, pagkatapos na pagkatapos ng shift ko'y dumiretso agad kami sa mall. At natripan naming manood ng sine, sakto at isa nalang ang available na pelikula at nasaktuhan pang tema nito'y pagtataksil ng kaibigan at mahal nito.
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Storie d'amore[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...