Swimming Party
Part 1Mula kahapon masyado ng masaya si Boss kumpara sa normal n'yang happy rate. Mukhang binagsakan ng kalawakan ng isang libong kasiyahan sa katawan.
Para na s'yang timang na kung hindi tatawa ng mahina ay ngi-ngiti. Naroon na rin ang pagiging magalang n'ya kahit sa kakambal n'ya o kay Alexis.
May himala! Ang nanay ko'y may himala!
Masyado atang na overwhelmed si Boss kay Mama at hanggang ngayon nagpro-process sa utak n'ya ang mga papuri at pagiging aprubado n'ya kay mama. Nag-aadik.
Lahat kami'y excited na ngayon, may plano kasi kaming outing kasama sina mama sa kilalang dagat dito sa probinsya malapit sa Sitio namin. Malinaw ang tubig doon, alertong bente kwatro sigurado enjoy ako!
"I already packed swimsuits for us three, hindi ko sinama ang ex friend ni Ingrid. I don't like her, akala mo maganda eh nuknukan naman ng sama ng ugali. " komento ni Hailee, mainit ang dugo kay Lynna kagay ni Clara.
At ano raw? Swimsuit? Tatlo?
"Hindi ako magsusuot ng bahag! " agad kong tanggi sakanya
Inikot n'ya ang kanyang mga mata, "what? You're so tanga Ingrid! It's not bahag, duh. Swimsuit 'yan besides napapayag ko na si Clara at bawal ang KJ kaya magsuot ka, kung ayaw mong ipagkalat kong tumulo ang laway mo noong nagluluto ang nanay mo noong CookFest nung elementary. Sakto pa naman yang laway mo sa may sabaw. Yuck, " agad akong namutla, puta halos mamatay na silang kakatawa ni Clara noon.
Hindi ko naman kasi sinasadya iyon, by partner ang ganap child and parents, sakto ako ang representative at si Mama. Nanonood noon si Clara at Hailee habang nag aala master chef si Mama junior chef naman ako, sakto talagang tumulo ang laway ko sa walang dahilan at na shoot sa sabaw ng mga judges. Grabe kaya ang takot ko noon! Buti hindi nila alam pati nga si Mama hindi.
Pero sigurado patay ako kapag pinagkalat ni Haillee. "Oo na! Magsusuot na! " napipilitan kong sabi na agad n'yang ikinangiti.
Ready na ang lahat, mga pagkain, damit at kaming mga mag swiswimming. Nauna na roon sina momma kaya kami nalang ang hinihintay, dating gawi van ulit.
"LET'S GO! HANGGANG KAILAN KAYO D'YAN, NAKAKAHIYA NAGHIHINTAY ANG NANAY NI INGRID! " Aba't excited lang boss? Himala tagalog spokening.
Hindi halatang excited, ang totoo sino bang crush ni Boss? Ako o Nanay ko? Tsked.
Dahil sa takot mabugahan ng apoy ng isang dragong umabot na sa ulo ang saya, agad kaming nagsipasok sa van dala-dala ang mga gamit para sa swimming party mamaya.
Ready ko nang ipakita ang pinagmamalaki kong baby fats.
_____________
"Bago kayo mag swimming kumain muna kayo, " paalala ni momma sa amin, ilang oras lang ang ibiniyahe ng van papunta rito.
Nakahanda na ang cottage namin malaki kumpara sa iba. Ang sabi naman ni mama bayad na raw, binayad daw ng lalaking nagngangalang Quiovanni. O, 'di ba, pa good shot talaga lolo n'yo.
"We're done na tita! Tara na, let's go swimming na! " At dahil doon agad nagsilusungan ang lahat sa dagat, inalalayan naman ni momma si Sally'ng bulol na maglangoy sa dagat kasama si Boss. Oo kasama si boss, itotodo na daw ang pagpapagood shot sa nanay ko hanggang hindi lang boyfriend ang aprubado, pang asawa na daw sa susunod na pag aapprove.
Himalang naiwan kami ni Kael sa cottage––nawawala si Lynna? Ay, nagbanyo nga pala.
Hindi ko alam kung paano ko s'ya kakausapin inshort awkward, "A-Ahm, kumusta? " Parang tanggang tanong ko sakanya. Napatawa naman si Kael.
"I'm so sorry for everything. The heartaches, tears and being this manhid. " Anito na nakapagpabigla sa akin, "naging masyado akong insensitive, hindi inisip na maybe you have a feelings for me. Damn, I didn't know and then me and Lynna started a relationship without you knowing. " Hindi ko alam ang sasabihin sa totoo lang, first time kasi naming mag usap tungkol dito.
Hindi ako prepared, sana nakapaghanda ako ng speech.
"A-yos lang 'yon, nakamove on na ako." wala naman na akong magagawa, sabihin ko na lahat ng gusto ko. Make peace with your past ika nga. "Oo, nasaktan ako, ganoon naman siguro pag umasa 'di ba? Alam mo kasi mula nung bata tayo gustong-gusto na kita, una mo akong nabighani noong 8 years old tayo, yung niligtas mo ako sa may ilog? " sabi ko sakanya.
Sinulat ko pa nga 'yon sa scrap book eh.
•Most unforgettable moment:Noong 8 years old ako, I was roaming around our place then I decided to go nearby river at first I enjoyed playing with the water. (Pwedeng tagalog nalang?Nakakadugo!) Pero tinawag na ako ni Inay non so dali-dali akong umahon sa tubig ang kaso ngalang natapilok ako at saktong bumagsak sa may kalalimang parte ng ilog,
eh hindi pa ako marunong lumangoy noon kaya na injured ako
Hangang sa nawalan ako ng malay, pagkagising ko nasa kwarto na agad. Kinuwento ni Inay na may nagligtas sakin, hindi nya nga lang alam kung sino.But then doon ko nakilala si Kael me'labs, kase nga pagkatapos non hinanap ko kung sino ang nagligtas sakin, at aksidenteng nakita ko ang likod ni Kael! May tattoo, kaya alam kong sya yun! Dahil bago ako mawalan ng malay nakita ko ang likod ng nagligtas sakin may tatoo, at kamukhang-kamukha non yung kay Kael.
Kaya nga na love at first rescue ako kay Kael, at ito ang aking happitot •
'Yan ang eksaktong sinulat ko, hindi ko na nalimutan.
Nakita ko kung paano nangunot ang noo n'ya, "8 years old? Sorry, but Ingrid nagkakilala tayo noong 14 years old ako kagaya mo, sa may side pa nga tayo ng mansyon nagkakilala." paliwanag n'ya na nakapagpalito sa akin.
Hindi s'ya? Kung ganon sino? "May tattoo ka sa likod eh, " ani ko.
Agad n'yang hinubad ang pang itaas n'ya, wow abs. Sherep. "Eto? " itinuro ang tattoo na nasa likuran n'ya, tumango ako. "Hindi lang ako ang may ganitong tattoo Ingrid. Kaming lahat sa Gang mayroon. Baka hindi ako 'yang sinasabi mong nagligtas sayo. " paliwanag n'ya. Gang? Hala, isa ba sa mga taong tambay na nakikipag basag ulo si Kael?
Hindi ko ma proseso ang mga rebelasyon, una hindi raw kami nag kita noong 8 years old ako kundi noong 14, paano 'yon? Pangalawa hindi s'ya ang lalaking nagligtas sa akin, halos ilang taon ko s'yang pinagpantasyahan tapos sa maling tao pala?
"Babe! " nabalik ako sa ulirat ng may sumigaw, si Lynna na akala mo aagawan sa sama ng tingin, "I'm done, let's go. " anito na ngayo'y naka swimsuit na, wow kita ang singit.
Ngumiti si Kael at sa huling pagkakatao'y niyakap ako habang nalingat ang tingin ng kanyang girlfriend, "Bye, you're my forever little sister. Hindi ko man natumbasan at naibigay ang gusto mo noon, proud naman akong sinusuportahan kita sa taong totoong gusto mo ay hindi.. sa taong mahal mo. " at umalis na kaakbay si Lynna.
Hindi ko alam kung paano ako mag-iisip, kailangan ko pa atang huntingin kung sino ang lalaking may tattoo at kung ilan na ako ng mangyari ang insidenteng 'yon.
Pero ang mahalaga, ready na akong magswimsuit. Pak ang hita, pak ang singit, pakpak ang kilikili. Mga baby fats ay ipitin!
Gora na besh!
___________
#TPPB
#Swimming Party
Part 1
#Bati Na Sila
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romansa[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...