Kabanata 82

1.7K 58 4
                                    

Delivery Boys


"I love you, I really do."


"Sweetheart look! I found a fish in the river! "



"Let's sleep together. "



"Don't talk to other men!


Nagising ako sa mga lintanyang 'yon, nanaginip nanaman ako tungkol sakanya, hindi ako makatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw,  laging s'ya ang iniisip.

Minsan sumagi na sa isipan kong,  Mali bang mahalin s'ya kahit magkapatid kami? Kahit na nasa kabilang buhay na? Nakakalito, nakakabaliw. Hindi ko na alam.


Ramdam ko ang lamig ng hating gabi, nagising nanaman ako. Kulang sa tulog, marahas akong napabuntong hininga.

Akala ko ba move on?


Akala ko rin, baka.. baka nababagabag lang ako dahil minumulto ako ng kaluluwa n'ya. Imposible ba 'yon?

I checked my schedule for today, wala akong ibang gagawin kundi mag asikaso ng mga papeles at mga condominium na pagmamay-ari namin.

Yes, I'm a doctor pero wala pa ako sa serbisyo ngayon, simula ng nauwi ako sa Pilipinas hindi muna ako bumalik sa mundo ng medisina. Gusto kong ayusin muna ang mga bagay na kailangan asikasuhin sa kumpanya.

I bet Astrid looks like 40 year old man with his suite as the CEO. Mukha s'yang haggard. Ilang buwan lang naman ang itatagal ko bago bumalik ulit sa pagdo-doctor.

"Ah, please I'm moving forward. Stop playing with my mind you creepy ghost of the past. " I murmured onto myself.

Pinilit kong makatulog pero wala pa rin, kaya ng suminag na si Haring Araw with chatchatcha sa umaga parang patay kong inayos ang sarili.

Walking dead.


"Morning! " bungad na bati ni Warren sa lahat, si Mama na tumutulong sa mga maid na magluto, si papa na nagkakape at nakikipag usap kay Astrid, si Sally tulog pa ata.

Umupo na ako sa pwesto at nagsimula ng kumain. Kain is life.

"Oh, Ingrid, you'll visit our condominiums later okay. Don't forget that, okay baby? "masuyong tanong ni Papa sa akin at hinaplos ang aking buhok.

Nitong mga nakaraang araw na nakasama ko s'ya ramdam ko ang pagpupumilit n'yang pumasok sa mundo namin, iparamdam na ama namin s'ya.  Kumbaga sa madaling salita, bumabawi.

Tumango ako sakanya, "Yes po pa. Titignan ko na din yung condominium na binigay mo sa akin, if ever pumasok na ako sa hospital. "

"Ah, ganoon ba. Goodluck, anak. "

_____________

"Kupad naman! Ma-lalate na ako! " asik sa akin ni Astrid habang pinagpipindot ang horn ng sasakyan, masyado s'yang excited.

"Oo na! " sagot ko sakanya.

Nang makapasok na sa loob ng sasakyan, agad n'ya itong pinaandar papuntang Reckzone Investing Group.  Ngayon doon muna inatasan si Astrid na magmanage habang ako, dahil mahal na mahal ako ni papa at ayaw n'ya akong mapagod. Ako lang naman ang pinaglilibot at mag checheck ng mga condominium.

Oh 'di ba, hindi na kakapagod.

Sumulyap si Astrid sa akin bago ibalik ang atensyon sa daan. "You're so quiet. You look like a zombie, did you sleep well? " tanong n'ya kaya umiling ako bilang sagot. Totoo naman, hindi ako makatulog nitong mga nakaraang araw. "Why? "

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon