WorriedPagkatapos naming mag-usap ng mewly found friend ko napag-isipan ko nang hanapin si bossing na maraming savings.
Tinry ko nang magtanong sa mga teacher pero tanging iling lang ang isinagot. Hindi ko alam kung bakit ba hinahanap ko siya, bakit girlfriend n'ya ba ako?
Chismosa lang talaga ako pero certified loyal kay Kael.
Si Kael lang ang lalandiin in my whole life, kung s'ya ang makakatuluyan ko willing akong mag-anak ng isang dosena at araw-araw silang magce-celebrate ng birthday.
Ikaw ba namang makatuluyan mo ang crush mo hindi mo gagawin. Aba, this is it pansit! A kind of blessing!
Hindi ko rin madistinguish kung bored lang ako sa buhay kaya natripan kong hanapin si boss, medyo nasanay na rin ako sa presensya n'ya. Minsan ay nagchi-chismisan kami.
Naglakad ako sa may pinakadulong parte ng ACE, as in puro damo lang ang meron at isang karatula?
BEWARE, BAWAL ANG PANGET DITO. PAWANG MGA MAGAGANDANG NILALANG LAMANG ANG HAHAYAAN NAMING MAKAPASOK SA LAGUSAN..
-From ManagementNapailing ako nang mabasa ang nakasulat sa karatula, wow ah. Grabeng trip naman 'yan, sabog ng teh? Napansin ko rin ang maliit na gate at bahay doon. Aba, may pa secret house rito?
M
aliit lang ang gate, kahit hindi mo na buksan pwede kang makapasok, wow para ba 'to sa mga dwende?
Tila nagning-ning ang mata ko ng makita ang mga bulaklak, assorted ang kulay! Pwede nang magtayo ng flower shop. Pakshet naman pala ang ACE.
Pipitas sana ako ng may nagsalita. "Who are you? What are you doing here?" Ani ng isang malamig at malalim na boses.
Bigla akong kinabahan na maski ang ngala-ngala ko'y nalunok ko na ata. "Can't you speak?" Tanong naman ng isa, roon ko napansin na may isang lalaki at babae ang kasama ko ngayon.
Hindi sila naka uniform, at hindi rin sila familiar. Hala, kidnapper?! Pero hindi na ako kid.. Hala, mga dyosapper?! Dyosapper as in mga kidnapper ng mga dyosa. "Hey, can you answer us?! I'm starting to get irritated," aniya sa maarteng tono. Ayaw kong humarap, baka katapusan ko na!
I doesn't spoke English pre..
Naramdaman ko ang higpit n'yang hawak sa braso ko at marahas na hinarap sakanya, "Oh? Wow...What do we have here," anito, dyosa po? Opo, dyosa po. "Are you a spy?"
Spy? Spycy chillimansi?
______________
Q U I O V A N N I
"Alam mo Van, kung hindi lang kita kakambal kanina pa kita sinapak," my twin brother said.
I shrugged my shoulders. "Don't talk to me,"
"Huwag mo kong ma E-english -english bro! Marunong ako n'yan! "
I didn't listen to him, masyado na akong pagod para makipagkulitan pa sakanya. Hindi ko rin alam kung bakit pinaglihi ata sa speaker 'tong kakambal ko.
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
عاطفية[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...