Reminiscing the Past
I N G R I D
I love you, sweetheart.
Putangina mo..
I can't live without you.
Double putangina mo..
I can't wait to hold you lovingly as we grow old.
Tangina mong putragis ka..
Hayop, sasakan sa kahayupan. Nagising ako sa aking kwarto sa bahay nina Kael, iba na ang damit ko at nadatnan ko si Mama na nakaupo't nakasandal sa headboard ng kama. Marahil pinanood akong matulog.
Birthday ko nga pala ngayon, pero eto mag-eemote muna, na sakto pa sa birthday ng taon. Hinaplos ko ang buhok ni Mama, halatang walang maayos na tulog.
Gusto kong gayahin 'yung sa mga pelikula tipong kawawa ako tapos iiyak ako magdamag kaso naisip ko hindi 'yon funny, funniwalain pa naman ako.
"Ingrid.." sabi n'yat nag-ayos ng puwesto. Niyakap n'ya ako at hinaplos ang aking buhok. Gusto kong umiyak, kaso wala na atang luha. Naputol na daw kasi 'yong tubo ng luha ko. "Are you okay? " anito.
Tumango ako pero napailing din, "Mayaman pala talaga tayo? " Tanong ko sakanya.
"Yes, " at isinampay ang nagsabog kong buhok, "really, rich. "
Seryoso ko s'yang tinignan. "Tutal mayaman tayo mama, tulungan mo akong mag new look, tapos gayahin ko 'yung sa mga pelikula. I shall sake for my revenge. " At tumawa pa ako ng mala kontrabida.
Napailing si Momma, "that's what I like about you my daughter. Kahit gaano man kasakit o ano mang nangyari sayo ngingiti ka pa rin. "
I let out a heavy sighed. "Ayaw ko namang umiyak ng umiyak ma, sanay na akong tahimik lang na umiiyak o kapag iniisip ang mga problema ko. Aware naman akong lahat ay nahihirapan, magdadrama pa ba ako tapos magiging pabigat? " Mahina kong sabi, noon pa man ganito na ang pananaw ko, hindi na ata mababago.
"Pero kahit kailan 'di ka naging pabigat. " Aniya.
"Talaga ma? " Tumango s'ya. "Karga mo ko papuntang kusina. " Nakatanggap ako ng malakas na kalatok.
"Puro ka talaga kalokohan! "
Ngumisi ako, "mas maganda na 'yon kaysa araw-araw umiiyak at iniisip ang mga problema. No to negativity." Sasagot pa sana s'ya ng biglang may pumasok sa kwarto ko.
"Good morning. " Nakangiting bati nito sa amin at niyakap pagkuwana'y hinalikan ang pisngi. "Ew, Ingrid hindi ka pa nanghihilamos? Kadiri. " Sabi ng hinayupak kong Kuya na kakambal.
Minsan sarap tirisin. "Ew, kay aga-aga ang pangit ng nakikita ko. " Pangagaya ko sa tono n'ya.
"Ew, broken hearted dito. "
Halos magusok ang bibig ko dahil sa sinabi n'ya, "aba! Tangina 'to ah! "
Natatawa n'yg inilabas ang dila para mas lalo akong asarin, "talo pikon. "
Sasagot pa sana ako ng tumikhim si Mama at nandidilat ang mata.Makuha kayo sa tingin!
"Ma, pwede bang sabihin mo na sa amin ang buong katotohanan? " Seryosong tanong ni Astrid, tumango si Momma.
Eto na ang araw ng paglilitis..
_____________
E S M E R A L D A
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romance[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...