Absence
I N G R I DIsang linggo na ang nakalipas at talagang abala ang lahat sa foundation day na magaganap. Kapansin-pansing absent ang limang pang malakasan naming pambato sa cooking contest.
Hindi ko mapigilang umasa na ako ang dahilan kung bakit sasali si Kael sa cooking contest. Siguro nasa seventy five percent na surness na ako talaga ang dahilan. Kung hindi ako sino? Edi ako pa rin.
Bigla kong naalala si Lynna. Ilang araw na rin kaming hindi nagkakausap, umiiwas siya sa akin at ganoon din ako sakanya. Hindi naman ako tanga para hindi maisip na umiiwas ito sa akin dahil tuwing hinahanap ko siya hindi ko ito mahagilap. Misunderstanding sa hindi malamang dahilan ang pinaka nakakainis sa lahat.
Hindi mo alam kung saang parte ka magso-sorry, kung ano ang kasalanan mo at iba pa. Oh 'di ba, nakakaputangina.
"Ingrid Sumalangit?" Napalingon ako sa tumawag. Si ma'am pala, bakit kaya?
Itinaas ko ang aking kamay. "Present ma'am," ani ko. Ganoon lang ang ginawa namin magdamag, inaalam kung sino ang mga liban sa klase.
Kailangan na raw kasing maghanda dahil malapit-lapit na ang Foundation Day. Lalo na yung mga lalaban.
Masayang lumapit sa akin si Clara. Sa sobrang tuwa niya maging ang ngala-ngala niya'y kitang-kita sa paraan niya ng pagngiti. "Ingrid sama ka saamin magbo-boy hunting kami,"
"Yes! Ingrid so let's go na! So madaming yummy na boys! Omayghad! " Panggagatong naman ni Haillee.
Mga baliw. Saktong sasagot ako ng biglang may tumawag sa akin.
Nahihiyang nagsalita ang fresheman. "Hi po, pinapatawag po si Ms. Ingrid ni President." Anito at nag iwas ng tingin sabay namula.
Nagtatakang tinapunan namin siya ng tingin. Bakit daw? "O'sya pinapatawag ako. Pass muna mga pre, 'wag kayong ano." Ngumisi ang dalawa. " Baka kung ano-ano na namang kalokohan at kababuyan ang ilantad ah," bilin ko sakanila bago lumabas.
"NAMAN! MAY LIBRENG ABSS MAMAYA INGRID! " Anila.
Mga baliw, pero mesherep eng ebs..
________________
C L A R A G R E E C E
Kasalukuyan kaming naglilibot nitong si Haillee nang may mahagilap ako sa aking mga mata. Ayoko munang maniwala pero... Hindi ko akalaing ganoon pala.
Hindi ako namamalikmata, hindi rin naman ako lasing. Puntanginang kataksilan.
"Hey! Ano bang tinitignan mo dyan? Andaming gwafu dit----OHMY GHUD?!" Napasigaw din si Haillee sa nakita, pareho na kaming nakatulala.
Hindi ko inaasahan, hindi ko rin alam na may ganoon siyang side. Kung makikita to ni Ingrid siguradong wasak puso ang isang 'yon.
Napalunok ako sa nakita, "Clara. Should we tell Ingrid na?" Tanong ni Haillee. Sa totoo lang hindi ko alam. Sasabihin ba namin o huwag na muna?
Pero ayaw ko namang magmukhang tanga si Ingrid habang patuloy pa ring umaasa sa taong hindi naman talaga siya binibigyang halaga.
Nag-aalala ako. Hindi makapag-isip ng tama. "Gusto kong sabihin kay Ingrid pero parang huwag muna ngayon," sagot ko.
"I-I agree.. L-let's keep it... For now.. " Sang-ayon nito sakanya.
___________
I N G R I D
"Siguro may iuutos lang to," bulong ko. Lumapit ako sa may pintuan pero may kung ano sa akin ang nagsasabing huwag munang pumasok. Kaya para mapanatag inilapit ko ang aking tenga sa may pintuan. Dinig na dinig ko ang mga boses ng kalalakihang nagmumurahan at harutan?
"Miss, pakibilisan po. Mapapagalitan po ako kay Pres." Ani ng freshman. Binigyan ko siya ng masuyong ngiti para hindi ito kabahan.
Tumango ako, "sige, ako bahala hindi 'yan. Pasok ka na, kaya ko na 'to. Goodluck!" Wika ko, kumaway pa sa naglalakad ng freshman.
Siguro tinakot ni bossing with savings yung bata. Sabagay, mukha palang non ay nakakatakot na. Mukha kasing anytime, anywhere ibabalibag ka.
Papasok na sana ako sa loob ng marinig at maditech ng aking wonderful tenga ang isang chismis dahilan para matengga ako sa labas.
"Alam mo sis may chismis ako." Ani ng isang estudyante kausap ang dalawa nitong kasamahan.
"Ano 'yon?" Sagot ng isa.
"Kilala mo ba yung si Ingrid Sumalangit?" Umiling ang mga kausap nito. "Yung probinsyanang nagenroll dito. Yung kasa-kasama ni Quiovanni my babe."
Napangiwi ako sa endearment nito, babe pa nga bakit ang bantot pakinggan kapag sila ang nagsasabi?
"Ah! Yung may mabantot at kakaibang name? Yung sikat ngayon sa chismis board na isang hipokritang, manggagamit? " Tumango sila.
"Ewan, I feel off to that girl. Mukha namang hindi matalino, mukhang low class. And besides sabi nga ni Miss Jewel at Rina na gold dibger bitch 'yon." Anito sabay nagtawanan pa sila.
"Kapag taga probinsya asahang tatanga-tanga 'yan at oportunista. " Wika ng isa.
Napabuntong hininga na lamang ako, nakaalis na ang tatlo pero ako pa rin ang topic nila. Kapag kayo nabuntis tatawanan ko kayo. Wala na rin akong energy makipag bardugalan sakanila. Na mag explain pa ng side, wala naman akong dapat ipaliwanag lalo na sa mga taong makikitid ang utak at puro kapit sa maling inpormasyon.
Sabi nga ni Inay. "Kung walang katotohanan ang kanilang mga chismis huwag patulan mga papansin 'yan. Kulang lang sa aruga."
Napabuntong hininga ako ulit. Hayaan na, keri lang 'yan Ingrid. Isa buhay ang mga golden words ni Inay.
Ipinihit ko ang doorknob papasok na sana ng marinig na ng malinaw amg mga boses. Bumuka ang bibig ko kasabay ng panlalaki ng mata, hindi imaasahan ang tatambad sa aking tanawin.
"Putangina..." Bulong ko. Nagpo-process pa rin ang mga nangyayari. "AHH!" Pagkuwana'y sigaw ko, windang na windang ang guardian angel ko na sa tiyancha ko'y naglalaway na.
"Shit..."
"Fuck..."
"Takpan niyo!"
Pero huli na ang lahat dahil kitang-kita ko na ang tinatago nila. Huli na ang lahat para itago pa ang kanilang sikreto dahil gamit ang dalawa kong mata na may muta nasilayan ko na.
Alam na alam.
"AHHH!" Sigaw ko pa rin. Omygodness.. Ano 'tong nakikita ko? Hindi ito okay kay Lord, sorry Lord hindi ko sinasadya.
Tinatakpan ko naman ang mata ko pero ewan bakit kusang nagbibigay awang ang mga daliri ko. Hindi ko talaga gustong makita lord pero parang eto talaga yung calling ko sa buhay..
Yung makakita ng ganito.
______________________
#TPPB
#Absence
#Chismis
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romance[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...