Hurting
Napa-angat ako ng tingin ng biglang may umubo, roon ko nakita si Kael na mukhang masama ang timpla sa dalawang lalaking nakalahad ang kamay ngayon sa akin. "Tumayo ka na, Grid. Marumi riyan," masaya at bukal sa loob kong tinanggap ang kamay niya. Enebe.
Basta ako priority first, meaning Kael muna bago iba.
Naiwan ang dalawang nakalahad ang kamay kanina, mas safe na ang pagpili ko kay Kael baka kasi magbardugalan pa sina Boss at Zeofer kung sakali. Hanggang sa pag-upo ko sa aking upuan naka-alalay pa rin si Kael. Daig pa namin ang mag-syota.
Why so clumsy girl? Atleast libreng chansing.
Sa peripheral vision ko, kitang-kita ko ang matatalim na titig ni Boss at Zeofer. Nakakapagtaka, anong problema nila?
"Ready na ba lahat?" Napunta ang atensyon namin kay Sir. "Taandaan niyo, huwag ihahalo ang color blue substances sa red subtance. It can make an explosion, so ready your things and let's start. " Sabay-sabay kaming tumayo ng mga ka-group ko at nagsuot na ng lab gown.
Napakagat labi ako ng mapagmasdan kung gaano kagwapo si Kael sa suot na lab gown. Pakshet, patusok doc.
Bagay na bagay sakanya ang lab gown, kahit hindi na mag effort. Parang sadyang tinahi iyon para sakanya. "Ingrid, " ani ng isang boses kaya napalingon ako. Roon ko napansin si Zeofer na nakatitig sa akin.
"Bakit?" Tanong ko, may pinagmasdan ito sa aking likod. Nagtataka ko naman siyang tinignan. "Ah?"
Umilinh siya at nagpilit ng ngiti. Parang may gustong sabihin na hindi masabi. Parang jebs na matigas. "Nothing.." Anito at umalis na.
Nagkibit balikat ako, bahala siya. Basta kung may gustong sabihin, 'wag mahihiyang magtanong.
________________
"So, tapos na kayong gumawa ng mga so called potion right? " Lahat kami ay tumango. Pinagmasdan ko ang mga boteng nasa lamesa namin.
Kanina pa ako nawe-weirduhan kay Zeofer, kung hindi bubulong ng Ingrid magsasabi naman ng Babysweet.
Habang si Kael nama'y super tahimik na akala mo may karatula sa taas na nagsasabing Observe Silence. Si Boss na parang papatay na anytime at yung iba na tawa ng tawa.
Tumikhim muna si sir bago magsalita. "Ngayon naman, I suggest you to get ready. " Anito at inilibot ang tingin sa aming mga estudyante niya. "Gather all the things you needed and those potions you created. Paghahaluin natin ang mga potions niyo to create a syrum. " Pagi-instruct nito sa amin.
"Grid," napalingon ako sa tumawag sa akin. Hindi ko na kailangang manghula kung sino iyon dahil isang tao lamang ang tumatawag ng Grid sa akin. "Tayo nalang?" Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi nito.
Shet, hindi ako ready! Hindi ako nainform. Anong isasagot ko? "Ah?" Natatameme kong sabi. Ngumiti ito, lumitaw ang mapuputi at pantay n'yang mga ngipin.
"Sabi ko, tayo nalang?" Ulit niyang sabi. Nagtititili ang mga internal organs ko at kulang nalang ay magbuhol-buhol ang mga bituka ko sa tiyan.
Hindi na butterfly ang nararamdaman ko sa aking tiyan kundi agila na, oo agila. Punyemas!
Tumango ako, mabilis na magkasunod-sunod na tango. "S-Sige tayo nalang.." Sagot ko at napakagat labi, enebe. "Kahit 'wag ka ng manligaw.." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romans[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...