Kabanata 36

2.2K 78 3
                                    


         
                 Contest with love
                            Part 1

I N G R I D

Ang pagluluto ay parang pagbi-biskekleta.

Bakit?

Kasi... Hindi ko rin alam..

Pero sa pagluluto kailangan mo ng effort.

Recipe

3 bawang ng kagandahan.
4 na kutsaritang pagmamahal
At higit sa lahat 100 pursyentong kalandian para mas lalong sumarap!

"So, Ms. Sumalangit, the council really needs your help for the upcoming cooking contest. We know that it's really not nice to disturb you but please help us. " Nagmamakaawang sabi ng Officer sa akin. Kakarating ko lang sa acad pero nung pagpasok ko sa station ko hinarangan nila ako.

Tapos nanghihingi sila ng pabor. Ako raw ang magju-judge sa cooking contest.

Ako na naman?  Bakit ako lagi ang pinagfo-front nila? Ano ako pabibo? Pero okay din, daming exposure.

Kunwari'y napakamot batok ako, nahihiyang tumingin. “Ngeh? Bakit ako? Ang dami naman diyan, sila nalang.” Sagot ko.

Frustrated na nagexplain ang senior, “kasi, ahm.. Kasi may nagrequest na kayo raw po ang gawing judge. ” Anito, “sabi pa nga niya, kapag hindi si Ingrid Sumalangit ang judge sa cooking contest, sisirain ko 'yang mukha mo at lalasunin ko lahat ng judge. ” Napangiwi ako ng gayahin niya ang pamamaraan ng nagsabi sakanya. Pabor ba 'yan? More on pagbabanta eh. Kawawa naman.

“Sino naman 'yon? Lakas mag demand.” Sabi ko habang nakacross arms pa, siraulo na medyo wild. Grabe magbanta, halatang sanay.

Hinawakan n'ya ang kamay ko na aakalain mong batang nagpapalimos, "please po, please, please, pumayag ka na Ms. Sumalangit. Nakataya ang mukha ko rito. " Anito.  Hala seryoso ako talaga?

Ano pang magagawa ko? Kakaawa naman 'to mukhang s'ya yung malilintikan.

"Sige, sige payag na ako.  Pero pakisabi sa nag utos sayo, pakyu s'ya napakademanding,” bahagya itong napaatras at mukhang tinitimbang kung sasabihin niya pa ba iyon o hindi. “Nangdadamay pa ng inosente.” Ani ko. Pagkatapos kong sabihin ang mga napakaespesyal na salita ko'y umalis na rin yung lalaki.

Sayang ang dami kong plano ngayon! Dami naming planong ginawa nina Clara at Haillee, at syempre natural na shung-shunga kaming tatlo ay nagjoin forces kami upang makahanap ng kayamanan!

Abs ang kayamanan!


Napatigil ako, pero paano nga ba ako magju-judge?

"Okay people! Let's Welcome our judges for today! First judge, let's give her a around of applause. Ms. Ingrid Sumalangit! "

Straight body. Chin up. And Smile.

"Hi! Welcome everyone! I'm Ingrid Sumalangit. Dyosa ng taon, kailanman, magpakailanman, nagmamahal Dear Uge! Inaasahan kong pak na pak! Bet na bet! Pinakbet! Ang mga luto n'yo! And I believe that one is enough, two is enough, three is wag ka na umasa masasaktan kalang! I, thank you!

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon