Kabanata 57

1.7K 67 1
                                    

Esmeralda Sumalangit


"Huh? Anong Ingrid Sinnie, ma?" tanong ko sakanya, halatang nagulat s'ya at nang matauhan ay agad na naluluhang yumakap sa akin.

"Anak! " sabay humigpit ang yakap, namiss n'ya ako at ganon din ako sakanya.

"Mamma baket itaw sitaw? " sabi ng maliit na boses na ngayon ay nakasilip na samin ni momma.

Narinig kong natawa sila at bumulong si Clara, "Sitaw? Kailan pa naging sitaw si Tita? "

Agad namang bumulong pabalik si Haillee, "You! Hindi ka pa nasanay, Sally the Bulol 'yan. She's cute!"

Agad lumiwanag ang mukha n'ya ng makita ako, "Ate In!!!!" binuhat ko si sally, ayaw na atang bumitaw. Patay tayo dito.

"Buti umuwi kana, anak. Marami akong dapat ipaliwanag pero sino 'yang kasama mo? " aniya habang nakatingin kina Boss with friends.

"Hi Tita! " bati ni Haillee at agad na nagmano't yumakap kagaya ni Clara.

"Hala, buti nagsiuwi kayo at sino itong natitira? Kasintahan mo ba lahat 'yan Ingrid? " Anito at tinignan ako habang naniningkit ang mga mata, "kerami naman, proud ako sayo anak ang daming lalaki pero isa-isa lang. " Pagkuwana'y bulong n'ya.

"Hindi ah! " Pagtatangi ko.

"Sus, kumusta sa inyong lahat. Ako pala ang nanay ni Ingrid, Esmeralda Sumalangit nga pala. Pasensya't maliit lang ang bahay namin ah. "

"Ah, mama kaibigan ko ho at ni Kael 'yan. " Pakilala ko, napansin kong napakunot noo si Boss dahil doon.

"Kael, aba boyfriend mo na si Kael? " malakas n'yang tanong dahilan para manlaki ang mata ko at kinakabahang napabaling ulit kay Boss.

Patay.

Boss, then cleared his throat to caught our attention, "Hi ma'am, goodmorning." Aniya ngumiti naman ako ng pilit, ginalit ang dragon.

"Oh, goodmorning din. Kaibigan ka ba ni Ingrid? " tanong ni Momma habang palihim akong kinukurot sa tagiliran.

Boss smiled. "No ma'am, I'm her suitor. Quiovanni Ruther Re––” but before he can uttered another words he was cut off.

"Aling Esmeee!" sigaw ni Harold, kapitbahay namin. "Salamat sa palibreng gamot at check up sa baranggay ah! " anito.

Teka, kailan pa nagkaroon ng pera para makapag conduct ng medical mission dito si Mama?

"Ah, walang anuman. " aniya at kumaway na kay Harold na papaalis.

Pasikreto akong bulong kay momma, "Anong salamat sa gamot? "

"Hindi ako, tanga naman ng batang 'to, yung mga nurse na nagcheck up yung dapat ako lang ang nautusan ni Mang Guston captain ng baranggay natin na mag manage ng medical mission. " Bulong n'ya pabalik, tumango-tango nalang ako.

Humarap si Momma sa mga kaibigan ko at nagpakilala bago sila papasukin sa katamtaman naming tahanan. "Kumusta sa inyong lahat.. Ulit. Nanay ako ng sutil na si Ingrid. Tara pasok kayo at ikaw manliligaw mag-usap tayo mamaya ah. "

___________

Parang kanina lang ay may misa sa sobrang tahimik pero pagkapasok sa loob ng bahay ay parang nasa peryaan kami sa sobrang ingay.

Hindi pumasok sina Kael at Lynna, umuwi nalang sila, dahilan?  Hindi raw kasi sanay si Lynna sa crowded. Potang 'yan, dapat lang na umuwi na baka samain sa akin yung mga tinginan n'ya kanina'y nangiinsulto.

"Si Quiovanni at Qion ay kambal?"
tanong ni mama habang nagkwekwentuhan silang lahat.

Parang ako yung outsider, ako lang naman ang naiwan sa may kusina at pinagluluto. Hindi ba dapat ako ang inaasikaso dahil balik bayan ako? Ay, 'di pala balik bayan, balik probinsya pala.

"Yes naman po tita! Kambal kami pero mas gwapo ako ng isang dangkal na tubig sakanya. " natawa naman si momma dahil sa kakulitan ni Qion.

Sina Clara, Haillee at Dark ay abalang nilalaro si Sally. Habang si Xean, Faxxon at Jewel ay kumakain. Mukha silang tanga, first time daw nilang kumain ng pagkaing probinsya na halos hindi na maglandian si Faxxon at Jewel makakain lang.

Dati rated spg with super g ngayon rated spg with s. Super, super patay gutom.

Kita ko kung paano pilitin ni Boss ang sarili upang maging madaldal alam mo 'yung feeling na hindi ka sanay pero pinipilit mo yung sarili mong ma belong para maka impress?

Masyadong cinareer ni Boss ang panliligaw.

"Paano ba kayo nagkakilala ni Ingrid ah, Quio? Pwedeng Quio nalang itawag ko sayo? Ang haba ng pangalan mo at mahirap bigkasin, Ku-wi-yo nalang. " kita kong napalunok si Boss, nangangangapa kung ano ang isasagot.

Payback time, isagot mo kung paano mo ako minanyak unang araw ko palang sa Maynila. Manyakis.

Kinakabahan at alanganing ngumiti, "It's–––hindi po sa Maynila ang una naming pagkikita ni Ingrid. " ano? Sa pagkakalam ko ngayon ko lang nakita si Boss. "Actually, dito po sa probinsya n'yo. I think it was summer, I was 15 years old we the gang-––I mean, kami nina Alexis ay nagbakasyon dito sa
Sitio n'yo po Tita and accidentally I saw Ingrid. Pero sa Manila po talaga kami nagkausap at nagkaroon ng pagkakataong maging close. " Paliwanag n'ya, agad namang nalipat ang usapan sa ibang topic na active pang sinasagutan nina Boss.

Pero kailan ako nakita ni Boss? Ibig sabihin matagal na n'ya akong kakilala? 15 years old s'ya noon at ako ay 14, tapos summer?

Kailan 'yon? Matanong nga si Boss mamaya.

Halos naging taganood lang ang tema ko sa buong maghapon ang kambal na Q ay busy makipag plastikan sa nanay ko mukha namang nageenjoy sila. Ang tatlong patay gutom na nakalimutan ang kalandian dahil sa pagkaing probinsya. At ang mga babysitter na aliw na aliw kay Sally.

So saan ako belong? Edi sa puso n'ya yieeeeee!

Bumalik na ako sa paghahanda ng pagkain, marami-ramin na rin ang naluto ko. Mayroong ginisang kangkong na isasaw-saw sa bagoong na may suka,  galunggong, kakanin at iba pa.

"Ingrid, " napalingon ako kay Mama nang tawagin n'ya ako, busy akong nagpapaka master chef ma.

"Po? "

Mahina s'yang nagtititili, akala mo teenager, "yung Quiovanni? Gwapo no. Akala ko si Kael yung ipakikilala mong manliligaw o kaya kasintahan. Pero pwede na si Quio, seryoso sa iyo. Halatang hindi s'ya madaldal at hindi masabayan chismisan namin ng kambal n'ya pero pinipilit n'yang maimpress ako. Matagal-tagal ka narin n'yang nililigawan hindi ba? " tanong n'ya kaya tumango ako. "Pwede mo nang sagutin. Approved sa akin. "

May permission na ako, napangiti ako dahil doon. "Hmm, tignan natin ma. "

"Sus, pakipot. Ang harot ng anak ko. Kung sasagutin mo o hindi ikaw ang bahala, susuportahan lang kita. Basta, tamang lalaki anak, tamang lalaki sa tamang panahon para walang masira." anito at umalis na.

Kailan ba ang tamang timing para sagutin si Boss?

____________
#TPPB
#Esmeralda Sumalangit
#Aprubado Sa Nanay

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon