Kabanata 9

4.9K 152 4
                                    


Are you kidding me?

I N G R I D

-Inayyyyyyyy

'Maayos na ang lagay ng kapatid mo Ingrid, salamat anak. Ingat ka dyan ah. '

Iyon ang text ni Inay nang ipadala ko ang pera. Lunes ngayon at ang kaalamang parehas kami ng paaralang pinapasukan ni Boss ay napakasakit.

Napakasakit talaga. Hayst, akala ko may solo time nako kay Kael.

Akala ko solo time ko na kay Kael.

"Iha, ang aga pa. Saan ka pupunta?"-tanong ng nanay ni Kael.

Masyado pang maaga at ang plano ko ay matulog ng magdamag, kumbaga beauty sleep ang kaso nga kinontact ako kahapon ni boss. Kailangang maaga daw akong pumasok ngayon. Kaya no choice, lady's choice.

Nginitian ko nalang si Señora Karidad, "Ah, kailangan po eh. Yung pong Boss ko kasi nagde-demand na maaga raw akong pumasok ngayon, atchaka kung inaalala n'yo po kung wala akong kasabay. Okay lang po, huwag na po nating istorbohin si Kael."Sge just sighed in defeat. Mapapa yes ka nalang!

"Okay, if you say so pero before you go take a breakfast first. At tama ka iha, paniguradong tulo laway at tulog mantika si Alexis kaya mahihirapan tayong gisingin s'ya."

Pagkatapos nun dumiretso na ako sa dinning room, hindi pa rin ako sanay. Kung samin ang ulam noong isang araw ay ulam na hangang bukas o sa susunod kumbaga nga 'pangat' pangatlong araw.

Atchaka don sa probinsya, ang kalimitang almusal ay kape at pandesal minsan nga hindi na kami nagaalmusal. Pero dito parang fiesta! Daming chibog!

May itlog na dyan, may hotdog pa rito, may bacon, at chuchu! Basta maraming pagkain.

_________

Wala pa si haring araw dahil kulay asul pa ang kalangitan at ang tahimik dito sa daang tinatahak ko.

Kung nasa probinsya lang ako paniguradong napaka busy na sa ganitong oras hindi kagaya rito sa Maynila halos tulog pa ang lahat.

Marami nga ang pinagkaiba ng Maynila at Sitio Tirik Mata,

Namiss ko tuloy yung samin.

__________

S C H O O L

Welcome to Emerald Cresent Academy

Pumasok na ako sa gate, maaaga pa siguradong mamaya pa darating si boss. Ito ang unang araw ng trabaho ko sakanya kaya dapat iwas kamalian! Baka bawiin nya yung pera wala akong pambayad, tinahak ko na ang daan kakaonti palang ang mga tao, napaka peaceful.

Parang sa probinsya

"You're 30 minutes late--"

Halos malaglag ang panga ko sa gulat, bat ang aga nya? Yung totoo ako ba ang nagtratrabaho sakanya o sya?

"---And I hate stupid people. Don't expect na magiging mabait ako sayo dahil sa mga pinapakita kong mga ugali. Like being so darn sweet, you're not special. Keep it on your mind that I'm the Boss and you're the worker, get it? "

Harsh naman neto.

"But if its not work time. We can make out Or maybe kiss? "

Ay ampucha, isa kang dakilang pahard to get na manyakis!

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon