Kabanata 53

1.8K 74 9
                                    

Trip to Sitio Tirik Mata

"Okay class dissmiss. Have a nice vacation all of you, enjoy. " lahat kami'y nagsihiyawan ng sabihin ng aming adviser ang mga katagang 'yan.

Aba'y short vacation here I come!

"Are you ready for tomorrow?" tanong ni Boss sa akin habang nag aayos na ng kanyang gamit.

Tumango ako bilang sagot hindi pa pala namin natatanong si Kael este Alexis tungkol sa bahay. "Kung tuloy nga kayo Boss, saan kayo pansamantalang titira? Hindi pwede sa amin, maliit ang bahay tapos conservative si Nanay. "

"I'll ask the bastard Alexis about that." grabe sa magkakaibigan na 'to hindi mawawala ang murahan, jusq baka isali ko na rin si Clara.

"Ingrid! Una na ako, brother of mine take care always. I'll just have to visit Clara. " Sabat ni Qion pero halatang wala pa s'yang tulog at malungkot.

May gusto ba s'ya kay Clara?

"Let's go sweetheart, " sabay hila saakin papalabas ng class room.

Naramdaman ko ang mainit at matalim ni Ms. Santiago, nakakatakot naman inaano ko ba 'to?

Ms, Santiago, wait parang naalala ko s'ya saan nga ba?

"Ahmm.. M-miss nakita mo ba yung school president natin?" Tanong ko sakanya, hindi ko alam ang pangalan.

Nangunot noo ito, halatang mataray. "Huh? Bakit?"

"Ano may sasabihin lang ako," sagot ko.

Nagcross arm ito, masama ang naging tingin sa akin, para bang isa akonv kriminal. "I don't know, stop bothering him. Para kang tuta na sunod ng sunod sa amo," huh? Galit?

Nagtanong lang ako, pero bakit parang kasalanan ko pa?

Awkward akong napatawa. "Ah, ganoon ba.. Sorry," aalis na sana ako ng bigla s'yang magsalita.

"Rina Serrine Santiago and stay away from Quiovannni. It's a warning," malamig ang tingin na itinapon nito sa akin sabay alis.

Yung pinagtanongam ko noon about kay Boss. Ewan isa rin ba s'ya sa mga fans ni Boss na galit sa akin? Iba kasi ang paraan nang pagtitig n'ya sa akin. Matalas napara bang gusto akong chop-chapin.

I felt a sudden poke on my left cheeks causing me to frown, "what are you thinking? You're spacing out if you're thinking about other man sweetheart may I remind you it's bad. Tayo ang magkasama tapos iba ang iniisip? Bad Ingrid, bad. " He said with a pout on his face. He looks cute and innocent.

Sarap pisilin ng pisngi.

"Hindi! Iniisip ko lang kung sasagutin kita o hindi. Torn between, ngayon na gentleman ka na ng konti o noon na manyakis. " Biro ko sakanya na nagpamutla. Aminin manyakis talaga. Inamin na n'ya sa aking hindi coincidence ang nangyari sa bar noong unang tapak ko sa Maynila. Sadyang hinalikan ako ng manyakis na 'to.

"I'm not sorry, I like doing things with you, " he reasoned out.

"Sa lahat ng manliligaw, ikaw ang demanding na manyakis! Bakit jowa kita? Jowa? Jowa ba kita? " Pang aalaska ko.

He smirked, "yes, in the future though. Kung kailangan kitang ligawan hanggang umabot ka ng singkwenta anyos bakit hindi? Mag sawa na ang mag sawa pero 'di ako magsasawa sayo. Para saan pa't kapag naging mag-asawa tayo baka ikaw ang magsawa sa gagawin ko..... sa kama, " nag-init ang magkabila kong pisngi.

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon