Kabanata 55

1.8K 76 3
                                    


Welcome to Sitio Tirik Mata
Travel 2

"Mama, sinong pupuntahan natin d'yan? " tanong ng isang bata.

Maaliwalas na ngumiti ang kanyang ina at hinaplos nito ang kanyang buhok.

"Wala naman, ibabaon lang natin ang mga masasamang alala at magsisimula ulit. " anito.

Hindi maintindihan ng bata ang bawat katagang sinasambit ng kanyang Ina. Ano nga bang ibig sabihin nito?

"Mama--------"

"Shit! Sinne! " malakas ang kabog ng dibdib nito, dahil sa isang malakas na pagsalpok ng katawan ng kanyang anak sa motorsiklo. Hindi ito makagalaw.

Hindi na ligtas ang lugar na ito, kailangan nang lumisan at kalimutan... Ang lahat.

"Trid.... In... As... grid.. "

"Ingrid, sweetheart. " napadilat ako dahil sa tawag na yon. Panaginip? Ang weird naman.

Nakita ko si Boss sa mismong harapan ng mukha ko, ilang dangkal na lang ang layo sa isa't isa pwede ng magkiss.
Marahan akong dumistansya at nag inat, "Nandito na tayo? Anong oras na? " tanong ko sakanya.

Kapansin-pansin ang kulay kahel na langit. "7:30 pm, and yes we're here. " anito at hinawakan ang kamay ko.
Holding hands, chansing. Para-paraan 'to ah.

Humarap ako kay Boss at ngumiti,
"boss, welcome to Sitio Tirik Mata! Kung saan titirik ang iyong mata sa sarap ng hangin, pagkain at pasyalan!"
_______________

"Kompleto na lahat! Omg I'm excited! I can't wait to visit auntie Esmeralda's house! " maarteng sabi ni Hailee. Kanina pa pala sila narito naghihintay sa amin. Inayos na nila ang mga bagahe sa bawat kwarto ng vacation house nina Kael.

Nahuhuli ko rin ang mga pagirap sa akin ni Lynna kaibigan ko 'to pero anong nangyayari? May kaltok na siguro.

Pumalakpak si Kael para kuhanin ang atensyon ng lahat, "ano may six room's dito. Ang kaso twelve tayo. By pair nalang kaya? " Anito, sabagay hindi na ako makakauwi sa amin sa may kanto pa naman ako tapos andami kong dalang pasalubong.

Qion laughed, "Tabi kami ni Clara––" hindi na n'ya tinuloy ang sasabihin nang sikuin s'ya ni Clara.

"Tangina mo, manyak ka. "

"Tabi sa hapag kanina! Tabi tayong kumain! Maka siko agad oh! "

"Gago. "

Natawa na lang ako sa palitan nila ng salita, hindi na ako magtataka kung bukas ay malalaman kong hulog na hulog sila sa isa't isa. Wala sa sariling napatingin naman ako kay Haillee.

Aba! Nasa tabi ni Hailee si Zeofer. Busy sa pagkalikot ng cellphone si Hailee habang pinapaikot-ikot ni Zeofer ang daliri sa dulo ng buhok ng kaibigan ko at marahan itong bumubulong.

Hindi na rin ako magtataka sa dalawang 'to at mas lalong kina Faxxon at Jewel na lantaran ang pagiging PDA! Nakaupo sila parehas habang nagkukwentuhan at naghahagikgikan, panakaw-nakaw ng halik si Faxxon kay Jewel. Sana ol

Sina Kael at Lynna---wala akong pakielam sa kanila.

Kami ni boss, chill lang. Nakadantay lang ang ulo n'ya sa balikat ko, kinabahan naman ako kina Dark at Xean, tangina parehas na lalaki, sana walang something baka 'di ako makatulog kapag nagkataon.

"Stop that, judgemental." Bulong sa akin ni Boss na para bang alam kung anong nasa isip ko. "Xean has a bestfriend and he love her so much. "

Nakahinga naman ako ng maluwag, sayang ang lahi.

"So sino-sinong magtatabi? " tanong ulit ni Kael.

Nagtaas ako ng kamay, "Ako, Clara at Haille––" nakita ko kung papaanong nagtaas kilay si Lynna at pinutol kung ano mang sasabihin ko.

"Babe, tayo nalang pair ah. Tutal sanay naman tayong magkasama. " Anito, bastos.

"Can't you wait? Are you deaf? Respect woman. " Mawtoridad na komento ni Boss na nakapagpatahimik at nakapagpababa ng tingin kay Lynna.

Aba't to the rescue si Boss! 'Yan ang gusto ko sakanya.

Kael faked a cough, "malaki naman ang bawat kwarto at kama so Ingrid, Haillee and Clara will share a room while me and my girlfriend will occupy the next room. Kayo na ang bahala boys kung sino ang katabi n'yo. " sabay kuha nito sa gamit nila at umakyat na.

Naiwan kaming sampo sa living room at nagkwentuhan muna bago nagkanya-kanyang akyat sa bawat kwarto. The three of us entered our room, inayos na rin namin ang mga bagahe.

Pabagsak akong humiga sa malambot na kama nang nagsalita si Haillee. " I didn't know na inggitera pala ex-bff mo, just like ew. " then she rolled her eyes.

Clara nodded, "tangina nga rin 'bat 'yon nasama? Maganda nga panget naman ugali. " segunda n'ya.

"Hayaan n'yo na sila, maiiwan ba 'yon? Girlfriend ni Kael at kay Kael ang bahay bakasyunan na 'to ah." paalala ko sakanila.

"Kapag inalipusta ka ng babaeng 'yon sabihin mo lang sa amin. Kukutiyabahin namin si Quiovanni susunugin natin ang bahay na 'to. " barumbadong suhesyon ni Clara, kahit kailan talaga.

"Okay guys! Selfie! " Agad kaming lumingon at ngumiti ng magflash ang camera.

It's good to be back at my home...  My place and my origin....

_____________

Naalimpungatan ako nang may marinig akong ingay sa kwarto namin. Madaling araw na, pota baka may multo.

Tulog na tulog sina Clara at Hailee, nagtalukbong ako ng kumot ng marinig ko uli ang yapak.

"Lord, umuwi lang ako saglit itinatakwil n'yo na ako sa Sitio. Lord original place ko 'to. " dasal ko habang nag sisign at the cross sa ilalim ng kumot.

Ang pwesto ko'y nakaharap sa pintuan kaya natural na matakot.

"Ingrid–––"

"POTA KA! AH!-----hmphwahuw"Hindi ko na naituloy ang sigaw ko ng may magtakip ng aking bunga-nga. Pota.

Kakagatin ko sana ang kamay na nakatakip ng marinig ko ang boses n'ya. "Hey, " he said in a husky voice. Anong ginagawa n'ya sa mga oras na ganito?

Inis na inalis ko ang kamay n'ya, "Ginagapang mo ba ako?! Madaling araw na oh! " Inis kong singhal.

He sighed, " I can't sleep. " nagbabahay ata tong si boss.

"Anong gagawin ko? "

"Nothing. " aniya, bakit pa s'ya pumunta rito kung ganon?

"Huh? " He sighed, kissed my forehead and hug me at my waist causing me to fall down in the sofa. "Scott over, " at niyakap ako ng mahigpit habang magkasalo kami sa malaking sofa.

"Let's sleep. " I felt sleepy again with the intruder who cuddled with me.

Hay buhay, ang landi ni Boss.

____________
#TPPB
#Welcome To Sitio Tirik Mata
#Ginapang Ng Malaking Ipis

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon