Party
Hindi ako na inform na sasabak kami sa discohan..
"Anong party ba a-attend natin? Wala ba kayong naaalala?” Tanong ko kina Mama habang nasa limousine kami, oo limousine. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkaroon ng ganyan. Siguro nirentahan nina Kael.
Hindi ba nila na aalala? Bukas birthday ko na!
Mama tapped my hand lightly. "Ingrid, behave. Pupunta tayo sa party. " Anito, para akong batang maliit kung kausapin niya. Hindi rin namin kasama sina Warren at Sally bawal daw kasi ang mga bata sa pupuntahan namin.
Makalipas ang ilang oras ay narating na rin namin sa wakas ang venue. Nalula pa ako ng mapagtantong mala palasyo ito, idagdag pang mukha akong si Cinderella na low budget dahil kulay blue ang aking gown.
Nasaan ang aking prince, aber?
"This way madams, " sabi ng parang butler kuno at todo yuko pa habang tinuturo ang aking table kung na saan sina Tita Karidad with family.
Humarap sa akin si Mama, "Ingrid, you'll learn and know something from this night but I promise I'll explain everything. " Anito at hinalikan ako sa pisngi.
Sige, sabi mo eh.
Tumango ako at uupo na sana ng mahagip ng aking mata si Quiovanni! Nandito ang boyfriend ko, ilang linggo s'yang MIA. Hindi ba n'ya ako na miss?
Mahaba, at malaki–––ang pasensya ko sakanya.
Pero ng tangkang lapitan ko ito, humarang si Ast. "Ingrid, let's talk." Anito at walang pasubalyang tinangay ako papuntang teresa ng palasyo.
Anong Party kaya 'to? Disney princess?
Bumuntong hininga ako, "anong pag-uusapan natin? " Mahinahon kong tanong. Ewan, iba talaga feel ko sa taong 'to.
Rinig na rinig ko ang Emcee sa loob. “What a night for everyone! We're here to celebrate the return of Montemoriados family in our list again! ” Nagpalakpakan ang mga nasa loob. “After a long years of disappearance of the family on our Royal Circle organization at last they came back! But with a new leader.. The new head of Montemoriados family, the queen..” Nagbulungan ang mga tao. “It wasn't all! We have another good reason to celebrate! The Reckzone family together with the Santiago's has an announcement. What a bunch of good news!”
Anong good news ng mga Reckzone?
Tumikhim si Ast dahilan para mapunta ang atensyon ko sakanya.. “I'm so sorry for this.” He said and hugged me tighter.
It was strange for me because if I found his embrace so comfortable. “Ast, bitaw na.” Ani ko ng dumaan na ang ilang minuto.. Agad naman itong sumunod, nalula ako ng makita ang mukha niya.
Umiiyak siya..
Natatawa itong humiwalay sa akin at pinunasan ang kanyang luha.
"I'm sorry I can't help it. "My eye brows formed a line. "Ang weird mo, " sabi ko sakanya.
Totoong weird tipong hindi ko alam kung crush ako nito o ano. Iba iyong mga 'da moves niya. Sorry, mas malupit mga moves ko proven and tested tanong mo pa kay Kael at Boss.
Boss... "Ast, nitong nakaraan.. K-kumusta si Quiovanni? Busy ba ito?” Halos mapugto ang hininga ko ng maglakas loob akong magtanong sakanya. Hindi ko kasi gusto ang ganitong pakiramdam.
Nagtataka itong tumitig sa akin na para bang mukha akong napakalaking biro. “He apologized to me. We're okay now but I don't know if he's busy with something.” He simply answered.
Nilaro ko ang mga daliri, pabebe moves. "Ast, si Quiovanni ba, may ibang babae? "
Ang ekspresyon nito'y animong natatawa dahil sa narinig. "Ah? I don't understand you.” At natawa pa ng mahina. “Ingrid you're cute but don't be paranoid. Parang hindi kayo nagte-text at magkatawagan lagi.”
Ano? Anong magkatext at magkatawagan lagi? Ni hindi nga tumatawag iyon sa akin! Huling text niya ay mag-uusap kami ngayon! Iyon lang.
I gulped. “W-Walang ganoon.. N-Ni hindi kami nagkaka-usap nitong mga nakaraang araw at linggo..” Ayaw kong mag overthink.
Ast just shrugged his shoulders. "Oh, I think I misunderstood.” Then he smiled happily. “By the way, tomorrow is my birthday..”
Que horror! “Hala! Parehas tayo. Naks naman d'yan.” Ani ko.
"Yeah, naks. " Saad nito na natatawa pa ng bahagya.
Wala nang nagsalita sa aming dalawa, naubusan na ng topic. Hanggang sa nakinig na lamang kami sa announcement ng MC.
“The Reckzones, their Head together with their kids are still not around and same with the Santiago's. ” I could hear the murmurs. “But setting it aside. Montemoriados Family will take the stage at this moment. Let's welcome.. Esmeralda Reina Gloria Montemoriados..”
Halos lumuwa ang mga eyeballs ko ng makita ang mama kong proud na proud with chin up na umaakyat sa stage. Gusto kong sumigaw na mama ko 'yan tulad ng ibang stage daughters pero hindi ko magawa dahil gulat na gulat ako sa nagaganap!
Parang bigla'y gusto ko nalang pagalitan ang host at itama ito.
Hoy! Nanay ko iyang umaakyat sa stage at hindi s'ya Montemoriados! Sumalangit 'yan! Su-ma-la-ngit!Like, sumalangit nawa...
Masayang umakyat si Momma sa stage habang dala ang kopita na naglalaman ng alak. Mukha s'yang kontrabidang gagawa ng eksena sa isang telenovela. Bigla akong kinalibutan. “Goodevening everyone. Once again, I'm Esmeralda Reina Gloria Montemoriados sorry for my years of absence.” Tahimik ang buong lugar. “ My mother Emma just died last month but don't worry we talked and settled all the thing's needed. To the Ten Royal Family, I'm back.. Montemoriados is one of the known and strong foundation of this organization. " Panimula n'ya.
Ano? Nalilito ako.. Puta ano ako nasa teleserye ulit at ako ang kawawang bida? Ayoko! Gusto ko ako yung kontrabida!
Ngumiti s'ya ng pagkatamis-tamis pero ang mata ay matatalim, juice ko ganyan ang mga tinginan ni Mama kapag nalaman n'yang nakaputol ako ng hanger! "I'm just hoping to see my ex bestfriend though but she's not here. Late, I guess? Oh wait I want to introduce my ancestors, my children, my twin's. Though the one was taken away from me. " Kulang nalang magsisigaw ako dahil sa sobrang nakakabinging katahimikan.
Ipaglaban! Kalayaan! Putangina! Ang gulo!
"My daughter and son, " at tumingin sa gawi naming dalawa ni Ast. "Ingrid Quezn Sinnie and Astrid Quelleon Sinnie Montemoriados. "
Wala sa sariling napatingin ako sa lalaking sinasabing kakambal ko. Nagtama ang mga tingin namin. “Ingrid, I'm not in love with you if that's what are you thinking about when I'm always ruining your errands with Quiovanni. ” Hindi ako nakagalaw. “Believe it or not, I'm your long lost twin brother. I'm Astrid.. This world really gave me a bunch of problems before I could reunite with you..”
Paano? "Nang go-good time ba kayo?! Paano kita magiging kapatid eh, kapatid ka ng boyfriend ko! Ano 'yon, habang nag chuchukchukan ang nanay ko at tatay aksidenteng tumilapon ang egg cell at sperm cell kaya ka napunta sa ibang sinapupunan?! O kagaya ng sa teleserye kinuha ka! " Histerikal kong sabi. Gulong-gulo ako.
Ano siya lumipad na sperm tapos napunta sa sinapupunan ng iba?!
His brows are knitted. "What?! I'm your brother and I'm not bluffing! Lagi akong nakabantay sayo! I'm even used my power as Dark's superior to guard you! "
Superior? Ilang beses ko na nga bang naririnig kay Dark 'yon? So, ibig sabihin alam din ni Dark? Alam din kaya nina Quiovanni? Mga kaibigan nila?
"K-Kung, K-kung p-prank 'to puta hindi funny. Ako lang ang funny sa pamilya namin! " Naiiyak kong sabi.
Niyakap ako nito, "I'm so sorry kung ngayon ko lang sinabi. I'm so sorry, kuya is here now. " I felt the warmth of home in his arms..
In my Kuya's arms...
_______________
#TPPB
#Party
#Kuya
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romansa[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...