Kabanata 18

3.7K 140 3
                                    


                Chocolate Ice Cream

 I N G R I D

Nandito ako ngayon sa bench ng garden. Nakakawalang gana, noong nakita ko ang napakagandang senaryo kanina na yakapan ni Kael at Lynna, aaminin kong medyo nagselos ako.

Oo, medyo lang.. Hindi ko kinaya, kaya ang ending umalis nalang ako at hindi na kumain doon.

Siguro nga ganito talaga kapag yung gusto mo ay may kinakausap na iba at hindi ikaw 'yon. Medyo oo, nakakainis na nakakahurt. Sana all.

"Hey.. " Wala sa mood kong nilingon kung sino iyon.

Nagkibit balikat ako, "oh, boss.." Walang gana kong sabi. Tinitigan lang ako nito, na para bang iniiscan ang mukha ko. Hindi nagtagal ay naupo na ito sa tabi ko, para kaming tangang nakatulala.

Iniisip kung paano ako jejebs mamaya.

Kita ko sa gilid ng paningin ang panaka-naka nitong tingin sa akin.
"Hmm, what's the matter? Are you mad at us?" Tanong nito, hindi ako umimik. "Did we irritate you that much? I'm sorry, I won't do it again.. I-I'm just really comfortable doing silly things with you." Anito.

Napatingin ako sakanya,  who would imagine na may ganyan pala s'yang side?

Honestly noong una akala ko masungit na demanding s'ya pero hindi lang pala siya ganoon. Isip bata rin pala minsan katulad ng iba, medyo strict sa mga protocols at rules nito sa akin. At higit sa lahat, may pagka manyak. Napailing ako at napangiti.

Kung ang tagalog ng oras ay time, bakit ang bebe ko'y may kaduong iba sa bebe time?

"You know, the sentence saying, silence is every girls most loud cry?" Umiling ako, hindi ko alam ang kasabihan na iyon. Baka imbento niya lang.  Napakamot ito ng batok,  "---I mean when girls are silent I assume that they have problems. Kasi kayong mga babae mabungang-nga right? Madalas vocal kayo sa feelings nyo." Oo nga naman, may point. " I'm sorry for my actions last day, I didn't mean to push you though," nag-iwas ito ng tingin. "I'm just jealous that's all." May binulong ito pero hindi ko narinig. "Hey sweetheart..." Aniya, sweetheart na naman?

Ngumiwi ako. "Boss, mawalang galang na ah? Bakit panay sweetheart mo sa akin? Yung totoo bakla ka ba?" Nagtagis ang bagang nito, mukhang hindi niya na gets ang joke ko.

Dumukwang ito kaya napaatras ako. "The hell are you saying? Me a gay? Nah, I can torridly kiss you, tounge to tounge.." Bulong nito sa akin, ramdam ko ang pagpula ng magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya.

"A-Ay, boss space lang please... " Sabi ko na medyo nautal, tumawa ito at napailing.

"Wait here. " Anito at umalis, mukhang may kukunin?

Naiwan akong mag-isa ulit sa bench, naisip ko ang nangyari kanina. Ang shunga ko naman para pagselosan si Lynna. Eh, kaibigan ko 'yon, siguradong hindi niya aagawin si Kael. Lalo na't naikwento ko ito one time. At confident naman akong hindi ako sasaktan ni Kael.

Masyado lang talaga akong OA.

"Hey, I'm back," ilang minuto lang ang tinagal niya. Pagbalik ay may hawak na itong plastic cup. Anong meron?

"Sabog ka ba boss?" Tanong ko sakany, imiling ito.

Nakakunot ang noo. "What? Never mind, here take it. It can ease your problems," at inabot ang ice cream sa plastic cup.. Chocolate ice cream..

Binuksan ko na ito at sinimulang lamunin. "Don't you mind if I ask what is your problem? "

Paano ko i spoke sakanya?  "A-ahmm... A-ano... P-paano, " natawa ito ng mahina.

"Why are you stammering? Siguro inlove ka? " Biro nito sa akin, kitang-kita ko ang hindi ko mawaring emosyon sa kanyang nga mata.  Mabilis kong ikinaway ang mga kamay ko, ramdam kong nag-iinit ang magkabilang pisngi.

"Boss naman! " Saway ko.

"Do you mind if I ask again? " Umiling ako. "D-do you like Alexis?" Hindi ako nakaimik, natigilan ako. "So? "

Bumuntong hininga, "boss huwag mong ipagsasabi ah? Pero kasi ang totoo, oo, positive  may gusto ako kay Kael matagal na," tinignan ko ang reaksyon n'ya, poker face lang. Ang weird, knexpect kong aasarin niya ako kaso mukhang badtrip ata. "H-huh? Boss? Okay kalang? " Tanong ko.

"Hmm, you know that I'm the one who gave you a job right?" Tumango ako. "Inshort, I'm your boss, my words are the law." Tumango ako, may tama siya. "So, I want you to..."

Napaamang ako, "na?" Pabitin effect kasi.

"...avoid having a contact with Alexis, no touching with boys, no speaking to others specifically with boys. You can't tell to Alexis what you trully feel, " naoanga-nga ako sa bagong rules nito. "Because you have to wait for me to turn off your beating heartbeat to Alexis and put it mine. " Hindi ko alam ang huli nitong sinabi, masyadong mahina.

Nanlaki ang mata ko,  akala ko ishi-ship niya kami ni Kael at bibigyan ako ng advice kaso..wow. Napasimangot ako, "boss!"

"What?" Masungit nitong sabi pagkuwanay isinubo ang ice cream.
"Kaya ka pumunta rito sa Manila because you have to support your family and to finish your study and as much as possible no distraction. "

"Pero! Bakit bawal? Kahit crush? "

"Yes, even crush,"

"Kahit konti lang? "

"No,"

"1/2 Boss pwede? "

"Nope,"

"1/4?"

"Still a 'No'."

Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream pagkuwana'y lumingon ako sakanya."Boss? "

"Hmm, yes? "

"I hate you." Ngumiti ito ng nakakaloko sabay bulong ng hindi ko narinig ulit.


"I like you too. I think, my heart is starting to like you. "

________________
#TPPB
#Chocolate Ice cream
#I hate you

The Probinsyana's Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon