Way to Sitio Tirik Mata
Travel 1"Dala mo na ba lahat ng kailangan? " Tanong sa akin ni Kael este Alexis, hanggang ngayon inaantok pa 'ko dahil keaga-aga akong pinasok sa kwarto.
Hoy! Hindi pinasok na ano ah, yung ano ba. Pinuntahan ako sa kwarto pagkatapos ginising. Excited pa s'ya sa akin eh, ako 'tong original na uuwi sa Sitio! Sabit lang kayo, remember?
I took one glance at my bags, "Oo, kumpleto na 'to. " Daig ko pa ang uuwi galing ibang bansa dahil sa mga dala ko. Akala mo naman talaga OFW eh.
Dala ko na rin lahat ng mga gamit na iuuwi, mga requirements, pasalubong at iba pa. Tapos syempre sina Boss kasama rin with friends pati si Alexis at the girlfriend na may saltik. Lunurin ko kaya sa sapa? Para makaganti man lang.
"Oh, did Van texted you already? I think it's time. " Kanina pa kami naghihintay ang tagal ni boss pati ata bahay nila inimpake na n'ya.
"Mamaya-maya lang nand––" i was cut off.
"Ma'am, Sir may van pong nakaparada sa labas. Sabi po sinusundo si Ingrid tapos papalakarin si Alexis Kael sa kalsada. " Sabi ni Manong Guard sa gate nina Kael.
Sino pa nga ba ang magmamay-ari ng Van? Edi sina boss!
"Tara na, 7 am na rin and I think Lynna was with them." Sabi n'yat tinulungan na ako sa aking mga bagahe. Pagkalabas na pagkalabas namin sa gate ay sinalubong agad ako ng masamang tinginan ni Boss.
Napano 'to? Bad trip?
Padaskol s'yang lumapit sa akin at inagaw ang mga bagahe ko kay Kael, "Let's go! " Sabay alis. Badtrip nga.
Agad kong napansin ang pagpipigil tawa ni Dark, Qion at Clara?!
"Claraaa! " Hindi ko napigilang tumakbo sa direksyon n'yat yakapin s'ya ng mahigpit pero–
"Hey! Dahan-dahan lang! " Inis na paalala ni Qion sa akin. Hala, may something nga sakanilang dalawa.
"Oy, Ingrid! Nagpaalam na ako kina Papa tapos binigyan na rin ako ng permission. " Anito.
"Alexis babe, let's go! I can't wait to share a room with you, "
Dinig namin ang usapan nilang mag kasintahan na para bang sinasadya ni Lynna'ng iparinig sa akin. Pero, move on na 'to teh!"
"Aba't tarantado, kasama pala 'yang gagang 'yan." Bulong ni Clara sa akin.
"Clara let's go, malayo pa pupuntahan natin. " at dahil nga kapatid na ni Boss ang nagsabi wala na kaming nagawa kundi pumasok–– pumasok sa van!
Pero pwede din yang iniisip n'yo.
__________
"Ako na nga itong hindi makakain, ako pa itong driver! " Reklamo ni Dark. Siya lang kasi ang walang kasama. Nasa mahaba at komportableng van kami na siguradong pagmamay-ari ni Boss.
Seating arrangement namin ay;
Ako at Boss
Qion at Clara
Faxxon at Jewel
Kael at Lynna
XeanOo kasama si Xean, nasa dulo nga lang at kanina pa tulog, sina Zeofer at Hailee sabay nalang daw mamaya papuntang Sitio.
Naramdaman kong idinantay ni Boss ang kanyang ulo sa aking balikat, "I'm sleepy. "
I faced him, excited much? "Why? "
"I'm nervous sweetheart, I even bought boxes of grocery foods for your family! Last night I also bought, cellphones, clothes and so much! I can't sleep in so much nervousness. " Paliwanag n'ya, pero teka! That explains the boxes. Kanina ay nagtataka ako sa mga kahon-kahong mga pagkain at mga gamit.
Akala ko nga nagshopping pa sila bago ako sunduin ngayon pala pasalubong kina mama?!
Aba yayamanin! Parang binili lahat ng paninda sa Mall.
I can't stop myself so I played his hair, "Sinabi ko bang bumili ka boss? 'Di ba busted ka na? Sabungero ka eh, ayaw ko sa mga mabisyo."
He suddenly pouted! Cute, "I'm not! Hindi naman sabong ng manok eh, "
"Reasons! "
"Wait, hindi mo pa nga ako sinasagot under na ako sayo. That's unfair! " he told me.
Aba't talagang under, pero hindi gaanong under ayaw kong dumating ang panahon na masakal s'ya at hindi na magawa ang mga bagay na gusto n'yang gawin.
Casual relationship ika nga, yung malaya naming magagawa ang gusto ng isa't isa na walang nalalabag sa prinsipyo. Ang kaso malabo, possesive si Boss at minsan ang sarap n'yang kurutin sa ilalim ng pwet.
"Oh talaga ba? Tulog ka na, nakakahiya naman sarap ng pagkakadantay ng ulo natin ah. Konyatan kita d'yan eh! " Ani ko sakanya agad naman s'yang pumikit, ilang minuto lang ay mabibigat na ang hininga n'ya meaning tulog na tulog na.
Mahaba-haba pa ang lalakbayin namin––char! Pero, oo mahaba pa sa tiyansa ko'y baka abutan pa kami ng gabi. Mahirap na, masyadong malayo at bako-bako ang daan papunta sa amin.
Pahirapan ang putik.
"Ingrid, " dinig kong tawag ni Dark na nasa unahan.
"Oh? "
He glanced at me, smiling mischievously, "Once you learned everything, I hope you'll be the same and Quiovanni. Sana walang masira but I doubt that, " anito sabay focus sa pagmamaneho. Nitong mga nakaraan, pa weird na ng pa weird ang mga tao sa paligid ko.
Baka nakainom ng expired na gamot.
Hindi ko na lang s'ya sinagot at hinayaan nalang. Tulog na silang lahat maliban nalang saming dalawa ni Dark. Hindi din ako nakatulog, ewan kung bakit.
Naputol ang pag sesenti ko ng may magtext,
+09*********
I miss you. I miss my sister.
Sister? Sino 'to? Wrong send? Sister anong sister, hindi pa ako madre oy.
Agad akong nagreply sa sender,
To +09*********
Hindi kita miss vaka Xsend ka.
√Sent
Huwag akong pinagtritripan gumaganti 'to. Wala pang isang minuto'y nag text na!From +09*********
Nope, I'm not. You're my sister, actually twin sister.
Potang 'to nakadrugs ata! Paano kami naging kambal eh iba nanay ko at tatay sakanya. Ano s'ya kalahating sperm na nilipad sa hangin tapos kusang nag ovulate?!
To +09*******
Ulol, gago ka wag kana magtext. Kabit 'to ng asawa mo! Busy kaming nagchuchuk-chukan gago!
√Sent
Reply ko ssakanya. Kailan pa ako naging kabit?! Hayaan na. "Bakit andaming siraulong nakikipagtext ngayon? " tanong ko sa sarili.
Ituturn off ko na sa ang cellphone ko para matulog ng may magtext ulit.
From +09*********
Funny, I hope you'll not change until you learned and know everything, Ingrid. I'm your twin, Astrid.
Yes it's Astrid your twin.
Pota sinong Astrid?____________
#TPPB
#Way To Sitio Tirik Mata
Travel1
#Twin
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romance[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...