Decisions
"Gaga ka! " Sigaw ko habang sinasabunutan si Haillee. Naalala ko nanaman ang mga hotdogs!
Natatawang iniilagan n'ya ang kamay kong humahablot sa buhok n'yang may highlights na naman, "it's not my kasalanan okay? I thought you like hotdog–––hmmm, huge na hotdogs! I was wrong pala. "
Anong huge na hotdog?!
Pabiro ko s'yang tinampal, "kapag ako nakaganti gaganyanin din kita! "
"Omg?! You'll send me hotdogs too?" Sabay hawak ng mag kabilang pisngi na animo'y batang sinabihang bibigyan ng candy.
"Ewan ko sayo! " Aigaw ko na ikinatawa n'ya, kaming dalawa lang ngayon sa may cafeteria nagtataka rin ako kung bakit wala si Clara. Lagi s'yang wala nitong mga nakaraang araw.
"Nasaan si Clara? " Tanong ko kay Haillee bahagya s'yang tumigil sa pagkalikot ng kanyang phone at malungkot na ngumiti pagkuwana'y nag-iwas ng tingin.
"A-Ahm, she's not well. " I let a loud breath, siguradong nahihirapan yun ngayon.
"Ah, mamaya puntahan natin s'ya. " Ani ko.
"Okay.." Haillee timidly replied.
Nagiging tahimik talaga kami kapag may isang nawawala. Hindi katulad ni Lynna na nitong mga nakaraang buwan ko lang nakilala tapos galit pa sakin sa hindi nalalamang dahilan.
#PPP kami sa probinsya, kaming tatlo nina Clara. Hastag, Power Pops Probinsyanas. Hindi man halata pero laking probinsya rin sila nagsipunta lang sa Maynila at ako ang natira. Matibay kami sing tibay ng pagmamahal ko dati kay Kael! Pero syempre wala na ngayon.
Then she turned her gaze at me, looking me intently. "So, ano na? Nililigawan ka oh! Ilang linggo ka na ding nililigawan! Tapos satingin ko mutual naman kayo sa feelings! " Kinikilig na sabi ni Haillee.
Tumikhim ako, "hindi ko pa naisip na sagutin si Boss. Bakit? Una gusto kong si Mama muna ang makaalam syempre hindi ko rin nakalimutan ang bilin n'ya na sa bahay mag paligaw. Bago ako gumawa ng desisyon gusto kong kasama doon si Mama.. " Agad s'yang napa iling.
"Eh? Bakit papatagalin kung parehas ang damdamin? "
"Hindi naman sa pinapatagal. Ang problema kasi sa iba ngayon basta gusto tapos gusto ka sunggab agad. Syempre dapat may guidance ng magulang, wala na nga akong tatay tapos hindi ko pa isasama sa bawat hakbang ko si Mama? Tandaan mo Haillee hindi porket parehas kailangang madaliin okay? Old na kung old, wala sa trend o manang! Basta magpapaligaw ako sa bahay at kapag nagustuhan na s'ya ng nanay ko bakit hindi 'di ba? " Sagot ko sakanya.
I hope she got my point.
Tumango s'ya at ngumiti, "as I've expected on my dearest Ingrid. I'm so proud na talaga sayo! "
___________
E S M E R A L D A
Mother of Ingrid"Nanay bakit kuya alis agad? " Inosenteng tanong ni Sally sa akin.
Hinaplos ko ang buhok n'ya, "jasi kailangan na n'yang bumalik sa kanila. "
Niyakap n'ya ako at ngumiti, "Ako 'di pasaway, kahit ako 'di alam bakit. " Hindi ko magawang iwan ang mga batang ito.
Malaki ang utang na loob ko kay Fernan s'ya ang nagligtas at gumabay sa akin habang akay-akay si Ingrid sa kawalan. Ipinaranas n'ya sa akin ang tunay na pagmamahal. Kaya isinumpa ko na hinding-hindi ko papabayaan at mamahalin ng lubos sina Ingrid, Sally at Warren.
Pero anong gagawin ko kung sarili kong pagkatao'y hinahabol at pilit na akong tinatawag? Wala sa plano ko ang bumalik sa gulong iniwan ko, kontento na ako ngayon.
"Alam mo ba nanay, ako mahal ikaw, ate In tapos kuya Wallen tapos yung kuya dito nong tang araw! "
"Sige, tulog na.. Love you Sally, " iwhispered and kiss her forhead.
"Love rin kita nanay.. Sa totoo nanay na," she said before going to sleep.
Bumuntong hininga ako at tinawagan na si Karidad na ngayo'y alam kong nagwawalang hiya sa Maynila. Sa kanya nakatira ang anak kong si Ingrid kasama ang anak n'yang si Alexis Kael.
Alam ko ang nararamdaman ng anak ko para sa anak n'ya at naiinis akong isiping umiiyak ang anak ko ng malayo ako sakanya.
["Hello? Who's this? Ayaw ko sa mga panget ibaba ko na 'to."]
Kahit kailan napaka nitong babaeng 'to.
"Esmeralda speaking you bitch. "
Narinig ko ang pagkalabog ng isang bagay, tiyansa kong nabitawan n'ya ang telepono dahil sa paraan ko ng pagsasalita, nabigla.
["Oh, come on you bitch! You're back! What can I do? "]
Maasahan talaga kahit kailan, kaya upang hindi na masayang ang oras ay sinabi ko na ang mga plano ko sakanya. Hindi na kami pwedeng maging mabagal bilang na ang oras.
"Iyon lang.. Sana magawa mo. Palpak ka pa naman, ew. "
["Bitch! I can do it duh! We're not young but I like this kind of conversation with you. I'm so happy right now! Finally, I'll see my best friend fighting for the life she deserves. Don't worry I'll take care of Ingrid as well the 'Mi Familia'."]
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa mga simambit n'ya, nagpaalam na ako't binaba na ang tawag.
"It's my life before. Kinuha lang. " I murmured to myself. And this time, I know my decision was right not only for me but for my children who deserve my life, our life.
_________________I N G R I D
Tinext ko si Mama kanina bago umuwi sa bahay nina Tita Karidad. Ni loadan kasi ako ni Dark ng sigkwenta kaya instant load tuloy.
Kating-kati na rin akong magkwento kay Mama kaya kahit namamanhid na ang mga daliri ko sa pagtytype ng mga letra dahil sa napakahabang kwento ko'y ayos lang. Wala akong maichika sakanya nitong mga nakaraang araw. Out of reach din, 'wag ko lang mabalitaang may nanliligaw din dun!
Jusmeyo may asim pa?!
Magmula sa nangyari sa amin ni Lynna sa pageant kay boss na naliligaw basta lahat! Ikinuwento ko at sinend na. Sana mabasa n'ya ngayon o kaya bukas.
"Ingrid dearest? " Tawag ni Tita Karidad ng madatnan n'ya ako dito sa salas na parang tangang nakikipag textmate sa nanay.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Eh, wala lang. I'm just looking at you and I must say your fathers blood really do run on your veins. " Then with that she left.
Patay na tatay ko, wala na akong tatay. Matagal ng wala si tatay Fernan.
Pero bakit sa mga sinasabi ni Tita Karidad, kilos ni Momma ay parang may kahulugan?
Hindi ko na alam.
Hindi rin naman kasi ako nainform na kailangang mala rollercoaster pala ang buhay ko.
Ang hirap tuloy mag desisyon sa mga bagay-bagay baka isang iglap pagsisihan ko.
_________________
#TPPB
#Desicions
#Courting
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romance[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...