Family
"Ako iniistress n'yo ah! Parang noong nakaraang bwan ay ako ang nagpa anak sayo ngayon buntis ka ulit? " windang na windang nanaman ako sa pasyente ko ngayong araw. "Ano 'yan, ninang ulit ako? Oy, 'wag na. " sagot ko, natawa lang ang mag-asawa.Kamakailan lang noong ako ang nagpaanak tapos ngayon nagpapacheck up kasi buntis? Aba'y wow, ano sila baby factory?
"Eh doctora, kaya naman naming buhayin ang trese naming anak. May negosyo naman kami at yung anim naming anak ay graduate na't tumutulong na sa amin. " anak ng footspa trese?!
"Wala po bang pause muna? Time out sa paggiling ganon? Trese? Ilang anak ba balak n'yo? Ilang taon na ba kayo misis? " tanong ko habang sinusulat ang reseta n'ya.
Ngumiti naman ang mag asawa, "Gusto naming ng isa pa, para kinse lahat. Masaya kasi kapag maraming bata sa bahay. 46 na ako doctora pero hindi pa nagmemenopause." sagot n'ya.
"Hindi ka pa nagmemenopause? Aba misis, magmenopouse ka na! Parang awa mo na, kotang-kota na ako sa mga anak n'yo! " biro ko sakanila dahilan para mapuno ng tawanan ang clinic ko.
Kunwari close yie.
Inabot ko sakanila ang reseta at ngumiti, "Ayan, basta kagaya ng dati mag doble ingat tapos 'wag na kayong mahiya, pagkatapos manganak gawa ulit kayo. " natawa sila at umalis na.
Maghapon ay inasikaso ko ang clinic, wala si Ruther ngayon dahil may business meeting sila buong maghapon. Naisip ko lang, kailan kaya matatapos ang gulo sa pagitan ng nanay n'ya at magulang ko?
Ang hassle kasi, ang daming hadlang.
Ngayong araw din, gusto ni papa na umuwi ako at doon na matulog ngayong gabi, plano ko ring ipagtapat sakanila ang status namin ni Ruther.
Papayag kaya sila o hindi? Ang hirap.
Ayaw ko namang itago lang ang relasyon namin ni Boss, mahirap na.
Dati incest tapos na uwi sa secret affair? Wow
"Doc, new patient! "
"Papasukin mo! "
_____________
Pasado alasais ng makauwi ako sa amin, sakto lang para sa hapunan. Papasok na ako sa living room ng maabutan ko ang isang tagpo.
Anong trip ng pamilyang 'to?
"Ipasok mo! Dahan-dahan! " sigaw ni Momma, ay puta wild!
"Nakapasok na, ang sikip naman! Argh, " sagot ni Papa.
Nanlalaki ang mata ko habang naririnig ang mga boses na 'yon, ayaw ko na atang pumasok sa loob. Nakasandal ako sa pader habang nakikinig ng masinsinan.
"Hey, what are you doing? " kalabit sa akin ni Astrid, nandito na pala s'ya? Hindi ko na pansin. Sasagot sana ako ng marinig namin sila.
"Ah! Ang dulas naman!" muling reklamo ni Mama
"Nakapasok na! " sigaw ulit ni Papa
Napalingon ako kay Astrid na nanlalaki ang mata. "What the hell? " nakakunot noong sabi nito.
Ngayon dalawa na kaming nagbabantay at nakikinig. Ang wild naman!
"Bakit mo kasi biglaang pinasok?! "
"Ay, puta Astrid. Rated SPG. " sabay pikit ko at tinakpan ang tenga.
"Oh? GOODEVENING ATE INGRI--omp! " hindi na natuloy ni Warren ang bati n'ya ng takpan ko ang kanyang bunganga, ingay! "Bakit kayo nand'yan ni Kuya Ast? Mukha kayong tanga." anito, hindi kami sumagot at sunod-sunod nanaman ang ingay na nanggagaling kay Momma at Pala. "Hala? May kwarto naman ah!" reklamo ni Warren ng marinig ang mga daing, kanina ako lang ang nakikinig ngayon tatlo na kami.
"Pasukin na kaya natin? " tanong ko sa dalawa, umiling sila parehas. "Bakit? "
Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Astrid. "Do you want to witness their awkward moments? Ew! " maarte nitong sabi, bakla.
"Manood na lang ako ng porn kaysa sa makita sila. " nandidiring sabi naman ni Warren, aba't kebata bata alam ang porn?! Piningot ko ito, "Joke lang! " aniya habang umiiwas sa akin.
"Gutom na ako. " napalingon kaming lahat sa isang maliit na boses, hindi boses ni Astrid at mas lalong hindi boses ni Warren.
"Hala hoy! Takpan mo 'yang tenga mo Sally. Bata ka pa! " saway ko sakanya, nakasimangot naman n'ya akong sinunod.
"Lover, nahihirapan na ako. Bilisan mo na. "
"Malapit na akong matapos, Lover. "
"Hindi ko na talaga kaya 'to!" naiiyak kong dabi. Kanina tatlo ngayon apat na kaming nakikichismis.
Iba talaga kapag chismosa, titiisin lang para makasagap. Busy kaming apat sa pagdedebate kung papasok ba kami o hindi.
"Oh? Anong ginagawa n'yo d'yan? " mabilis kaming napalingon sa nagsalita, nanlaki ang mata namin. Sina Momma! Parehas silang pawisan ni Papa.
Nagsikuan kami kung sino ang mag eexplain, at dahil si Astrid ang pinakamatanda s'ya ang sasabak. Tumikhim muna ito bago magsalita, "Ma, Pa ginagawa n'yo na po ba ang kasunod ni Sally? " seryosong tanong n'ya.
Napaubo si Papa, "W-What? " anito at namula. Luh, teenager?
Sinamaan kami ng tingin ni Momma, patay. "Kayo! Ano-anong kalokohan 'yang pumapasok sa isip n'yo! "
"Eh, kasi ang weird ng tunog eh. " sagot ni Warren habang ang mga kamay n'yay nakatakip pa rin sa tenga ni Sally.
"Anong weird? " ani Mama.
Imbes na si Warren o Astrid ang sumagot inunahan ko na, nakapameywang akong humarap sakanila. How dare their? Tama ba? Ay basta! "Anong weird? Define weird, Ma, Pa anong ginagawa n'yo sa living room para umabot kayo ng ilang oras? Basa at pawis na pawis! May mga daing din kaming nadinig! Juice ko! Ang tanda-tanda n'yo na! Ano nanamang ginagawa n'yo! Ma, nagmemenopause ka na ata ginagawa n'yo pa 'yan! " madam-damin kong sermon na halos pumalakpak sina Astrid at Warren.
I'm awesome, I know right.
Napasapo sa noo si Momma, tinignan kami ng masama kaya napaatras kaming bahagya, "Unang-una, hindi kami gumagawa ng milagro, mandiri nga kayo! Pangalawa, kaya basa at pawis kami dahil naghihintay kami ng paguwi n'yp dito sa living room. At dahil siraulo––" itinuro si Papa na nakakunot noo, "––ang tatay n'yo maglaro daw kami habang naghihintay sa inyo. " aniya kaya patay malisya kaming nag iwas ng tingin.
Ay wow, alikabok sa kisame, hi!
Napakamot ulo si Papa. "We're playing the game I bought, you know the body twister game? I don't know the exact name of that game. " at itinuro ang nakalatag na parang kumot sa sahig, may mga bilog na kulay ito at may malaking dice na naayon sa kulay ng mga bilog.
"I roroll mo lang yung dice, kung anong kulay at anong parte ng katawan ang ilalagay mo sa bilog. " ani Mama, kaya kanya-kanya kaming pekeng tumawang magkakapatid.
Pahiya, malisyoso, malisyosa.
"A-ah, si Astrid ka si ano-anong sinasabi sa amin! " turo ko kay Astrid para makaligtas sa sumpa ni Momma.
"What?! Why me?! You've been watching there the whole time! " balik na sigaw n'ya.
Itanaas naman ni Warren ang kanyang kamay na para bang nahuli ng pulis, "Oh! Mas hindi ako! "
Kinuha ni Mama ang kamay ni Sally at inakay na sa dinning room, "Kayong mag-aama mga siraulo. " anito bago umalis.
Grabe sa pagkasiraulo.
"I guess mana sa akin? " natatawang sagot ni Papa at inakbayan ang dalawang lalaki habang akbay ako ni Astrid. Kahit kami ang tunay na anak ni Astrid, turing rin nina Papa at Momma kay Warren at Sally ay hindi na iiba.
Puno man ng problema ang letcheng istorya ng buhay ko na badtrip ata si Destiny ng isinulat ang story ko atleast may pamilya akong alam kong hindi-hindi ako iiwan..
Mga siraulo man, atleast ako hindi.
____________
#TPPB
#Family
#Kababalaghan sa Living Room
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romance[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...