Thief Kisser
"Handa na, " malamya kong sabi. Dala-dala ang maleta at mga gamit papuntang Seville, Spain. Siguro pag uwi ko dito marunong na akong mag spanish.
Sí! Sí! Como estas pastilyas pandecoco espasol!
Ay, pagkain ata 'yon. Kasama ko ngayong araw pag-alis si Kael at Dark na hindi ko mawari ang dalihan kung bakit sila.
Unang-una, may karelasyon itong si Kael at alam ko namang hindi nila kaya ang ldr. Pangalawa, magbayaw si Dark at Kael, kung mag-aasawa na sila ni Lynna. Ngumiti si Astrid sa akin at inagaw ang mga dala ko. "Let's go, I'll watch you leave. " Excited much?
Sa totoo lang gusto ko ring makilala at makasama si papa ang kaso mukhang ibang babae kasi ang pinapanigan. Ayos lang sana kung hiwalay sila ni momma tapos s'ya nag asawa ng iba pero singlinis ng holywater ang ugali.
"Huwag kang mag alala Astrid, pagbalik ko bibigyan kita ng pasalubong. " Sqbi ko sakanya.
Tumaas ang kilay nito, "really? Baka hindi pa kayo nakakaalis ng eroplano pabalik dito sa Pinas ubos na pasalubong mo. " At nang aasar pang ngumiti.
"Ako na nga nagmamagandang loob! Judgemental ka! Hindi kita kapatid, kadiri, yuck! " anas ko.
____________
Airport
"Ate In! " iyak ni Sally, parang nangyari na 'to ah.
De javu?
Hinarap ako ni Momma, mangiyak-ngiyak. "Everything is ready. Doon na kayo mag cocollege. " anito at niyakap ako.
Si Kael nama'y busy na binibaby ng mama n'ya habang si Dark ay kausap ni Astrid, mukhang masinsinan ang pinaguusapan at kailangang dibdiban.
Uy, pasagap naman!
"Paano 'yon ilang taon ako roon? " Ani ko.
Para bang may kung ano switch sa utak ni Momma ang na on at napakurap-kurap, "I don't know. Dipende sa kukunin mong course? "
Anak ng inihaw na plastic! Pinapapunta ako sa ibang bansa ng walang basehan kung hanggang kailan mananatili doon?
“Passenger of flight 69 please go to your stations. Our flight to Spain will be on any minutes. ”
Sa huling pagkakataon ay niyakap ko silang lahat at ngumiti. Ikinaway ang kamay at iwinawagay sabay sabing yeh oh!
Napaiktad ako ng sabay hawakan nina Dark at Kael ang magkabila kong kamay, nagkatinginan silang dalawa pagkuwana'y bumitaw si Dark. "Let's go," anito.
Dumiretso kami sa Immigration Officer at agad naman kami nitong inasikaso, matagal pa bago mag open ang broad gate ng eroplano dahil nagka aberya kuno.
Naiihi ako ihhh....
Dahil sa hindi na ako mapakali, kinalabit ko si Dark. "911, naiihi ako. "
Agad itong nangunot noo, "anong gagawin ko? Nganga-nga para sa bunganga kita umihi? " Aniya.
Kahit na iihi, nakuha ko pa s'yang kurutin. "Dugyot! Tulungan mo na ako! " Agad naman itong tumalima at nagpaalam kay Kael na nagbabantay.
Hinanap namin ang cr ng airport at sa wakas! Nakita rin namin."Hurry, I'll wait for you outside. " Tinanguan ko s'ya.
Pagkapasok sa cubicle, ginawa ko lahat. Iniluwal ang dapat iluwal at kung may dapat bang iluwal. Lalabas sana ako ng biglang makaramdam ng kaba.
Bakit?
Parang may naghihintay sa labas na ikakasama ko. Ano 'to!
Hindi ko nalang pinansin ang mga guni-guni at lumabas na, nakahinga ako ng maluwag ng walang tao sa labas. "Huwag naman akong multuhin," sambit ko sa sarili. Akmang lalabas ako ng biglang namatay ang ilaw! "Hoy! " Halos sirain ko na ang pintuan ng restroom ng hindi ito mabuksan, nakalock!
"Tulong! May multo! " Sigaw ko, naiiyak na.Hindi ko alam na mamatay pa ata ako sa niyerbiyos sa banyo ng airport kaysa sa mismong eroplano.
Napaluhod nalang ako, habang naiiyak.Lord, guide me not into your light po! 'Wag mo muna akong kunin parang awa mo na! Hindi ko pa nakukumpleto 'yung PS-30!
"Hey.." napaangat ako ng tingin sa narinig na salita, bagamat madilim at walang makita ramdam ko ang presensya.
May tao!
"H-he––hmp! " Nanlambot ako ng may dumamping mainit na bagay sa labi ko, hinahalikan ako ng kung sino!
Ilang segundo rin 'yon at ng bumukas ang ilaw tumambad sa akin ang lalaking naka cap at inaayos ang face mask, sino 'to?
"Hoy, Void bilis na! "
"Ang ingay Fleyth! "
"Tumigil na kakalandi! "
Rinig ko ang ingay ng mga nagbabangayan sa hawak n'yang airpods. Hindi ko s'ya makilala ng maayos, basta ang alam ko ninakawan n'ya ako ng halik.
Nilampasan ako nito at himalang nabuksan ang pintuan ng restroom at walang sabi-sabing lumabas.
Napahawak ako sa labi ko, de javu na naman ba? Nanakawan nanaman ako ng halik!
Kahit naguguluhan at nanlalambot, lumabas na ako sa restroom nadatnan si Dark na nakatitig sa kawalan.
"Let's–––What the... What happened to you? " Tanong n'ya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "You look pale. " Umiling ako bilang sagot.
Na nakawan na naman ako...
________________
"Sí! Sí! " Aigaw ko pagkalabas namin ng airport ng Spain. Naiiling na nakasunod sina Kael at Dark.
"Hindi natin s'ya kilala. Malala na si Ingrid. " Rinig kong sabi ni Kael ha
bang mahinang tumatawa."Sí lang ang alam sabihin––pfft. " Gatong naman ni Dark, kaya ang resulta sinamaan ko sila ng tingin.
Akala mo naman kagalingan, duh mas magaling ako.
Ay, teka. Napahinto ako sa paglalakad para makalebel sina Dark at Kael, "Saan tayo pupunta n'yan? "
Nagkatinginan silang dalawa, "Mansion. " At sabay kaming tatlong lumabas ng aiport. Agad kong napansin ang isang limousine na nakaparada sa direksyon namin at ang mala butler a like na lalaking nakayuko.
Kami ba ang hinihintay n'ya?
Magtatanong pa sana ako ng walang buhay na inilapag ni Kael ang mga gamit sa harap ng butler at walang pakielam na pumasok sa loob ng sasakyan.
Walang manners.
"This is your mother's half property. Don't worry, everything is settled. " Hindi ko maiwasang isipin na sa isang iglap magbabago ang takbo ng buhay ko.
Ang dating nakikipagsikuan pa para maunang makasakay sa jeep ngayon may limousine. Ang dating ilusyonadang sumasakay sa duyan at hinihila ng pagkataas-taas na iniimagine'ng nakasakay sa eroplano ngayon eto na.
Ang dating maharot ngayon broken hearted.
"Madam Sinnie, Welcome to Casa Montemoriados. " At alam kong mas mababago ang takbo ng buhay ko ngayong malayo na ako sakanila at sakanya.
Sana lang magkita kami ulit, pero sa pagkakataong 'yon. No hard feelings just slight feeling.
Sí, Sì. Senyorina! Como estas sibuyas empanadang pastilyas!
________________
#TPPB
#Thief Kisser
#De javuA/N: Sino 'yong magnanakaw ng halik sa cr? Respeto sa single.
BINABASA MO ANG
The Probinsyana's Possessive Boss
Romansa[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung sinuswerte ka nga naman, makakapiling n'ya pala doon ang kanyang ultimate fafa crush since she was...