IKAW?

31 1 0
                                    

**
CHAPTER 18

Lutang padin ng isip ko habang naglalakad kami ni Ryan palabas ng school.. sa kabila ng mga nangyari tinupad ko parin ang pag unlak ko sa kanya kanina na kakain kami sa labas. nagpaalam nalang ako sa mga kaibigan ko at. mukhang magkasama ding kakain sina Mark at Gilfer...

dinala nya ako sa malapit na
fast-food mula sa school namin..
"ok ka lang ba?" naitanong nya..

"hindi ko kasi alam kung pano ako makaget over. " saad ko ng hindi ginagalaw ang pagkain..

hinawakan nya ang kamay ko.  "ano man ang mangyari.. andito lang ako..  hindi kita pababayaan... " siryoso ang mga sinasabi nya.

kumalat na kasi sa school ang tungkol sa natanggap kong regalo kanina.. kaya sigurado namang alam na nya yun..

bumuntong hininga ako..

"pano kong nasa paligid ko lang pala ang taong gustong manakit sakin.. ?" pag alala ko..

"pwes! hinding hindi ka nya masasaktan.. poprotektahan kita.  hanggat kaya ko.. " nakakataba ng puso ng sinabi nya.. napangiti nalang ako sa kabila ng takot na aking nararamdaman..

"thankyou!" ngiti ko ngunit mangiyak ngiyak.

hindi biro ang mga pinagdadaanan ko ngayon.  at hindi rin biro ang banta sakin. buhay ko ang nakasalalay rito.. ano mang oras pwede akong masaktan.. hindi na ako ligtas.. ang mahirap sa lahat dahil hindi ko alam kung sino ang pwedeng gumawa sakin nito.. wala akong idea.

"kainin mo na yang pagkain mo.. wag mo na masyadong isipin yun.. andito lang ako.  "  pagpapalakas nya ng loob ko..

tumingin ako sa kanya.. at ngumiti. gusto ko lang ipakita sa kanya na malakas parin ang loob ko.. kahit na nagaalala ako sa pwedeng mangyari sakin..

................

sinamahan ako ni Justine at Lonne sa bahay. .. dun narin sila natutulog.  nag aabang kami ng taong gustong gumawa ng masama sakin ngunit wala naman...

lagi akong natataranrta .. kung ano mang kunting ingay.  agad akong naghahanda.. para akong baliw na kumakalaban sa wala..

"Kelly matulog kana?" si Lonne ng mapansin nya akong gising parin.. magkakatabi kaming tatlo sa kama.. at pinagigitnaan nila akong dalawa.

"sorry! di kasi ako makatulog eh.. "

tatlong gabi na ganon. kasama ko sila.. ngunit wala namang nangyari..

wala akong tulog .. laging puyat at laging nakakatulog sa school.. ito na ang naging buhay ko.. mula ng makatanggap ako ng ganoong regalo...

.......................................


PANIBAGONG araw na naman..  wala paring nagbago. wala namang nangyari.. naisip ko nalang na baka tinatakot lang ako o baka pinagtitripan lang ako..

pero heto naman ako.. mabigat ang pakiramdam.. medyo masakit ang ulo ko pero pumasok lang ako..  tatadtarin ka ba naman ng puyat..

"goodmorning!" salubong sakin ni Ryan...

ngumiti ako sa kanya
.

"sino kasama mo sa bahay mo kagabi?'" tanong nya sakin..

"ayon si Lonne at Justine ulit... wala namang nangyari... napuyat lang ako.. "

"wait.. ! iba ang boses mo ngayon ah.. ok ka lang ba?" pag alala nyang tanong. 

"oo nga eh. medyo masama pakiramdam ko.. siguro dahil kulang lang ako sa tulog.. " saad ko..

"sana di ka nalang pumasok. nag pahinga ka nalang sana..."

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon