IKAW?

20 1 0
                                    

hinubad ko yung damit niyang puro itim at sinuot iyon. sa paraang to mas mapapadali ang pagkilos ko dito sa loob.

sinuot ko yung sumbrero niya. at kinuha ko.yung baril niya. isinusok ko iyon sa may balakang ko ng sa gayon . bunutin man ito ramdam ko.

lumabas ako sa silid na iyon at pasimpleng naglakad. hindi ko kabisado ang lugar kaya. kilangan ko pag aralan bawat sulok.

"hoy Xavier bakit ka umalis sa pwesto mo? kabilin bilinan ni baby Boss  na walang aalis hanggat wala pang kapalit!" ako ang kinakausap niya.

huh? confirmed. Baby boss. ito ang kumuha kila Khate.

nanatili akong tumayo sa harap niya.

"wuy! hindi mo ako naririnig?" nagsnap siya ng daliri sa mukha ko.

umangat ako ng ulo pinakita ang mukha ko sa kanya.

"i-ikaw ang___"

"ako nga '" sabay hawak ko sa ulo niya at pinilipit ito.

dahan dahan ko syang ibinaba.

ngayon nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. kilangan hanapin ko kung san nila dinala ang babae.

bawat kwarto tinignan ko. hanggang may nabuksan akong isa at tumambad ang mga hubad na babaeng. nagsiksikan sa sulok.

"s-sino ka? m-maawa ka. wag mo kaming saktan!" nanginginig ang mga katawan ng mga ito.

napapikit ako. hindi ko sila kayang tignan lahat.

"ssssh! wag kayong matakot!" wika ko sabay dilat ng mata

lumapit ako sa kanila. apat silang babae at malamang napagsamantalahan na.

umatras pa ang mga ito sa takot nila sakin. hindi ko sila masisisi dahil suot ko ang kasuotan ng isang masamang tao

"ililigtas ko kayo.!" wika ko.

bakas sa mga mukha nila ang pagkaroon pag asa sa sinabi ko

"i-ililigtas mo  kami? s-sino kaba?"

"hindi na mahalaga yun. antayin niyo ako rito. babalik ako agad. kukuha lang ako ng maisusuot niyo!" wika ko sabay labas ng kwarto.

muli akong nagpatuloy sa paglalakad. may makakasalubong akong tatlong lalaki.

pasimple akong lumapit sa kanila
at tumayo sa harap nila

"di ba ikaw yung nag babantay sa labas?"

umangat ako ng mukha.

"i-ikaw__"

bago pa sila makakilos. isa isa kong pinalo sila sa leeg. hanggang sa natumba sila sa sahig

mga walang binatbat.

isa nalang. kinuha ko ang mga Jacket nila. malalaki ang mga yun . sapat na yun para matakpan ang mga katawan ng mga babaeng yun.

nag hanap ako ng isa pang mabiktima. at hindi ako nabigo.

agad akong bumalik sa kwarto na iyon at binigay sa mga babae ang mga Jacket na iyon.

'"babalik ako!" pangako ko sa kanila.

pagkatapos non nagpatuloy ako

hahanapin ko ang babae

umakyat ako sa taas . may mga makakasalubong ako at hindi ko na mapagtagoan

"hoy Xavier. bakit ka umalis sa pwesto mo?"

"nababagot ako eh!"  sagot ko

"nababagot ka? eh kung isumbong kaya kita kay baby boss!"

"hindi mo na magagawa yun!" wika ko

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon