IKAW?

31 1 0
                                    

abot langit ang tuwa na nararamdaman ko.. hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na ang taong halos pinangarap ko.

yung taong mahal ko..

hindi mawawala ang mga ngiti sa mga labi ko habang naghahanda ng pagkain..

ang sarap sa pakiramdam na napagsisilbihan ko sya. bilang girlfriend niya.

now I know ganito pala ang feeling pagnamamahalan kayo pareho ng taong mahal mo.

masaya.

sobrang saya.

matapos kong maihanda ang pagkain. kaagad ko syang tinawag.

nakatanggap pa ko ng mahigpit na yakap mula sa kanya. bago kami umupo sa harap ng lamesa.

"sarap!" anas niya at napapikit pa ng tikman niya ang niluto ko.

"sure?" ngiti ko.

"yyyyup! sarap. promise. pwede na !"

"pwede na ano?"

"pwede na tayong magkasal!" sabay kindat.

Oha! kinilig ako dun ah.

"sira! kakaon lang natin" umiwas ako ng tingin sa kanya.

tsaka napakagat labi. lalapad kasi yung ngiti ko eh.

napaigtad ako ng sinundot niya ko sa tagiliran..

"kinikilig ka no?" tukso niya sakin.

yumuko ako saka pilit na pinipigilan ang ngiti.

"nakita ko yun. nakangiti ka! hahaha' " asar niya ng masilip niya akong nakayuko.

hindi ko na napigilan at nagpakawala ako ng tawa.

"ano ba? nakakainis ka ah!" pabebe. pero panay ang tawa ko.

"kinikilig ka nga sakin!" kompronta pa niya.

nahihiya akong sagutin sya. pero di ko mapigilang mapangisi.

"ewan ko sayo. kumain ka na nga lang  jan!" pagmataray ko.

tumawa lang sya saka sumubo.

"saraaap!" pikit niya sabay nguya..

muli syang sububo.

"shorooop tologo!" anas pa niya na punong puno ang bunganga.

tumingin sya sakin habang nakangisi naman ako.

"talaga?'" abot tenga nag ngiti ko.

"uhm uhm" tango niya.
"pwodo no kotong mogong osowo!" (pwede na kitang maging asawa)

natawa ako sabay hampas sa braso niya.

"wag ka ngang magsalita na puno yang bunganga mo. masama yan.. "  natatawang suway ko.

"oko!" wika sa niya saka sinikap na lunukin yon ..

"ang swerte ko naman sayo.. sarap mo mag luto. " 

tinitigan niya ako na para bang puno ng pagsasamba.

"gusto ko lang alagaan ka! kumain kana damihan mo ah. para tumaba ka!"  ngiti ko..

sumimangot sya. "wag naman baboy?

tumawa ako. "wala akong sinabing magpakababoy ka!"

tumawa nalang din sya.

"dahil masarap kang magluto. may kiss ka sakin mamaya!"

napangiti nalang ako.

pagkatapos niyang kumain. agad siyang naligo. ilang araw na daw syang di nakapagligo dahil sa kapabayaan niya eh.

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon