IKAW?

32 1 0
                                    

CHAPTER 20

.................

HINDI ako makatulog.. hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi ni Mike.. hindi rin ako sigurado kung totoo ang sinasabi niya..

lamp shade lang ang tanging nabibigay liwanag sa kwartong ito.. wala naman ako kahit anong nakikita sa paligid maliban sa litrato niyang may matamis na ngiti..

Bugss! may kung anong bumangga sa hardeflex  na ding ding nila.

bugsss! isa pang tunog at may nahulog na bagay mula sa dingding.

hala! wag naman.  baka ito na yung sinasabi ni Mike na nagpaparamdam... huhu! nag talukbong ako ng kumot. 

bugss! bugss! binabalot na ako ng takot..

bugss! bugss! bugss! sunod sunod na nahulog ang mga staftoy collection ni Mike.. no! no! habang tumatagal lumalakas yata.. ang pwersa ng multo. 

BUGSS! malakas at nahulog ang isang frame..

"whaaaaaaa!" sigaw ko ng malakas. at tumalukbong ulit ng kumot.. huhu! please save me papa god..

"tuloooong!" nanginginig kong sigaw..

biglang bumukas ang pintoan.. "Kelly.. " may humawak sakin.. napabalikwas ako at napasigaw. 

"ako to! wag kang matakot.  "  si Mike ... hinawakan niya ang pisngi ko..

"w-wag mo kong iwan ... dito ka lang!" kinakabahan kong tugon..

"bakit ba anong nangyari?" tanong nito. 

"oo na .. naniniwala na ako sayo... may multo nga dito!'".  nanginginig ko pang sabi.. napakahigpit ng pagkahawak ko sa braso niya..

"hindi ba sabi ko sayo.. wag mong pansinin"

"eh takot nga ako sa multo..  " gigil ko..

"oh pano yan?" tinaasan pa ko ng kilay ng ugok.. takot na takot na nga ako eh..

"samahan mo nalang ako dito please!" pakiusap ko sa kanya..

"payag ka magkatabi tayo?" sarkastiko niya..

"oo na!" pagpayag ko nalang .. ano magagawa ko..  nilalamon na ako ng takot ko..

"nanggagahasa ako!" aniya

"manyak!"  ... bulyaw ko sa kanya..  sabay kurot sa tagiliran niya.

namilipit ito sa sakit.  "araaaay ko! "

binitawan ko sya at hinampas pa ang balikat niya.  "sige na please!" pakiusap ko pa..

tinitigan niya ako sa mata.. hinahawakan ko lang ang braso niya. ayo ko syang  bitawan hanggat di sya humihiga. 

"sige na matulog kana.. " wika niya at inihiga ako.. saka sya humiga din sa tabi.. ko..

..................

MIKE POV

ALRIGHT! haha 3points.. nakahalik na ako. nakayakap na.. haha! ngayon makakatabi ko pa sya.  lupit mo Mike..

epic talaga mga diskarte ko.  Akalain mo yun? natakot ko sya sa simpleng pananakot lang..

FLASH BACK

.... Nag antay ako ng oras hanggang sa nag ALas 9:00 ng gabi na.. napansin ko kasing naniniwala syang may multo talaga dito sa bahay...

kaya pagdating ng 9:00pm
. pinukpok ko yung dingding na pagitan lamang ng kwarto ko at kwarto ni Mark..

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon