IKAW?

60 3 0
                                    

T-teka. sino na naman may gawa nito?

wala na sila kuya Zid ah.

bigla akong nawindang ng tutukan nila ng baril ang driver

"w-wag m-maawa kayo. may mga anak akong umaasa sakin. !" pakiusap ni Manong Driver at nag taas ng kamay.

takot na takot ito. at ako naman ay sobrang nanginginig na. 

"wag ka nalang mangialam kong ayaw mong madamay dito!" diit na tugon ng nakabonet na lalaki at diniinan ang pagtutok ng baril sa driver.

hindi nakaimik ang driver

"sige na kunin niyo na ang babae!" utos ng lalaki sa kasama niya.

agad kumilos ang lalaki papuntang pintuan ko at binuksan ito.

bigla niya akong hinila pababa

'"bitiwan mo ako!" waglit ko sa kamay niya

pero hinigpitan lang niya ang pagkahawak sakin.

"wag ka na magmatigas. sumama ka samin!" wika pa niya at hinila pa ako papuntang Itim na Van.

"BITAWAN MO AKO ANO BA?" sigaw ko pa.

ngunit sadyang malakas  sya at sapilitan akong isinakay sa Van na iyon.

agad narin nagsipasukan ang mga kasama nito

"piringan niyo yan para di niya makita ang saktong daan kung san natin sya dadalhin!" utos pa ng lalaki.

agad naman akong piniringan ng isa. 

ginapos ako ng kanilang mga lakas kaya hindi ako makapanlaban.

maya maya umalis na ang Van at napiringan narin ako.

"SAN NIYO BA AKO DADALHIN HA? SINO BA KAYO?" galit kong tanong

"pasensya na miss napag utusan lang kami ni Boss."

******

hindi ko makita ang nasa paligid ko. naramdaman kong huminto na ang Van na sinasakyan namin

naramdaman ko rin na bumaba ang mga ito

"halika na!" bigla akong hinila ng lalaki pababa ng van

"BITAWAN MO NGA AKO?"  tabig ko sa kamay niya

"wag ka nang magmatigas . halikana at hinihintay kana ni Boss . " wika nito at hinila pa ako.

natinig kong may bumukas na pintuan.
hila hila ako ng lalaki papasok roon at sobrang kabado na ako.

malaya ang isang kamay ko kaya hinawakan ko ang piring ko at tinanggal yun kasabay nun ang pagbitaw sakin ng lalaki.

ang dilim.

wala akong makita.

bakit? asan ba ako?

"ASAN AKO? ANONG KLASING LUGAR TO?" sigaw ko

pero walang sumagot. tahimik lang.

dyosko asan ako? pano si Mike. gusto ko syang makita

huhu. ang Mike ko.

biglang may bumukas na ilaw. spot light at nakatuon lang sakin.

wala parin akong makita maliban sa sarili ko. kinakabahan na ako

sobrang kinakabahan na ako

WAAAAAH. tulong .

para akong nasaloob ng isang madilim na silda. 

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon