IKAW?

31 1 0
                                    


CHAPTER 13

Matapos ang araw ng election.. kinabukasan idedeklara na ang mga nanalo.. kabado.. ngunit buo parin ang loob ko at umaasang manalo.. ng dumating ang araw na yun.. oras nalang din ang aantayin namin.. nagtitipon tipon kami ng mga kamyembro ko.  at nag aabang ng results..

nasa labas lang kami ng room ng section 1 at ngkukumpolan..

"Kelly!.. " si Ryan nakangiti syang papalapit sakin.. 

may dala itong bundle of flowers na naman..

"Ryan?" nakangiti ngunit nakakunot ang noo ko sa kanya..

"for you!" wika nya at inaabot ang bulaklak sakin.

. mukhang maparami ang bitbitin ko nito mamaya pag uwe ... dahil may nadatnan din kasi ako kaninang bundle of red roses din sa armchair ko.. as usual walang notes na naman..

ngumiti ako sa kanya at tinanggap iyon..  "para san to...?" Tanong ko..

"para san nga ba?" nagpacute pa syang ngumiti sakin..

"bro ano yan.. mukhang nililigawan mo na yang presidente natin ah" asar sa kanya ni Ivan..

"oh? ano naman masama dun?" pagmasungit nito sa kaibigan..

"totoo ba yung narinig namin...? " ngisi ni Maricon.. " Ryan nililigawan mo na si Kelly?"

"sa tingin niyo ba?"  pilyo din nito.

"ohy!... umaarangka na.. si Ryan oh.. ayaw pahuli eh.  " tukso pa ni Liam..

"ohhy.   ganda ni Kelly oh. !"..

tukso pa nila sakin ng sabay. 

napatingin ako kay Ryan.. "totoo ba?" tanong ko sa kanya..

"ok lang ba?" nakikiusap ang mga mata nitong nakatingin sakin..

biglang nanginit ang pisngi  ko at nakaramdam pa ako ng hiya. 

napatingin ako kila Khate at sa mga kasama namin na naroon.. kilig na kilig silang nakatingin lang din samin ni Ryan.

binalingan ko si Ryan ngunit nahihiya akong tumingin ng deretso sa kanya.. subrang kabado ang dibdib ko..

  "pero.. p_pano___"

"gusto kasi kita.. '" pagputol nya sa sasabihin ko.. "sana ok lang sayo.."

muling na ingay ang kinaroroonan namin.. kinikilig na naghihiyaw ang mga kasamahan namin.

yumuko ako sa subrang hiya hindi ko alam kong saan ko itatago ang itsura ko.  hindi ko din alam ang gagawin ko... kasi sa totoo lang hindi ako sanay na nililigawan..

"o-Oo nayan ... !'" pag checheer pa ng mga kasama namin.  hindi ako makasagot sa tanong nya.

"ok lang handa naman ako maghintay.. basta lagi lang kita nakikita masaya na ako. " wika ni Ryan sakin..

ngumiti nalang ako sa kanya.. pero ayaw ko syang tignan..

"ang sweet naman.. kakainggit ka Kelly.. " wika ni Trisha at kinikilig pa..

biglang nahagip ng paningin ko si Mike.  nagtama ang aming mga mata at napatingin sya sa bulaklak na hawak ko. 

walang kahit anong reaction ang mukha nya at tumalikod kaagad..

biglang tumunog ang bell.  hudyat para sa anouncement kung sino ang mananalo..

"Kelly.. tara na sa Field.. " wika ni Khate at inakay ako upang pumunta ng field nakasunod lang si Ryan samin.. nasitakbuhan naman ang mga studyante papunta roon..

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon