IKAW?

27 1 0
                                    

sino naman kaya?

tumayo ako at binuksan ang pintuan..

"sino ma?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"nasa baba! puntahan mo na lang"

hindi maganda ang kutob ko.

pero tumungo na ako dun..

"hi!" napalunok ako ng makita syang nakatayo sa harap ko..

"why are you here?" galit kong tanong. 

bigla na namang namuhay ang sama ng loob ko. halos ayaw ko syang tignan.

wala na akong tiwala sa kanya..

ngunit bakit ganon? bakit parang gusto ko parin sya? bakit parang namimiss ko sya.. ?

hindi !

wag kang tanga Khate.

alalahanin mo.  ginagamit ka lng niya para muling bumalik ang girlfriend niya sa kanya..

wag ka nang umasa!

sarili nga nyang kapatid nagawa nga niyang saktan.. ikaw pa kaya ni kahit minsan hindi naging importante sa kanya.?

huminga muna ako. at tinitigan sya ng masamang tingin. saka ko lang din napansin ang hawak niya.

biglang lumakas ang tibok ng puso ko. ng makita ang isang bundle ng bulaklak..
nakangiti sya sa harap ko.  kahit nakita naman niya ang masamang titig ko sa kanya..

"anong kaylangan mo?" sarkastiko kong tanong.

'"for you!" ngiti niyang inaabot sakin ang bulaklak.

napapalunok lang ako.. gusto kung magalit sa sarili kong kung bakit ako nakakaramdam ng kilig.

Grrrrrrrrr!.

kung meron mang tanga. puso ko yun.

"ano ba kasi ang kailangan mo? hindi ko tatanggapin yan!" masungit kong tugon.

"ok! pero sumama ka sakin!"

galit ko syang hinarap.

"ang kapal din ng mukha mong magdemand no? at ano na namang kasinungalingan ang gusto mong gawin natin?" penamewangan ko sya.

"napaka amazona mo naman .. may surprise kasi ako sayo!"

"tss. SURPRISE? tsk! hindi mo na ako mauuto .. Kyle.. kaya umalis kana !" giit ko.

"pano kung ayaw ko?" makasalubong ang kilay niya...

kahit kilan. tigas ng bagang nito. 

"ipapalapa kita sa Doberman namin dito.. "

kahit wala naman ..

"bakit may aso ba kayo?" nanunuya niyang tanong.

ayaw pang maniwala..

"meron.. tsaka nangangagat yun. kaya humanda ka.. BRUNOOOO!"  sabay lakad .. di ko naman alam kung san ako pupunta. 

sa likod ng bahay. kunwari..

"BRUNOOO! COME TO MOMMY BABY... MAY IPAPALAPA AKO SAYO.... UBUSIN MO AH.. MALAMAN LAMAN TO!"  sigaw ko.

haha.. para akong tanga.

"malaman laman? .  iniimagine mo lang ang abs ko eh!"

anak ng____

nakasunod pa talaga sya sa likod ko?

hindi ba sya takot  makagat ng aso?

at nakuha pa talaga niya mag mayabang ng abs. 

grabee!

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon