IKAW?

19 1 0
                                    

biglang may kung anong gumuhit sa puso ko. hindi ko lang mawari kong kuryente ba ito na simbolo ng pagkatuwa o kutselyo na simbolo ng sakit?

basta ang alam ko kinakabahan ako. may kaunting pananabik at galak akong nararamdaman sa puso ko.

"k-kilan?" tanging pagbulong lang ang naiusal ko.

"kahapon .. tuwang tuwa sya nung nakita ako. tapos hinanap ka niya sakin! gusto mo ba syang makita?"

hindi ako makasagot.. ngunit gusto ko syang makita.

"ilang taon din na hindi niya tayo kasama ni kahit balita na ok ba tayo? nasan ba tayo? ano na ba ang mga itsura natin? mukha ka nabang tsonggo? at ako mukhang kwago narin? ni isa dun wala sya." wika kiya.

inaamin ko na.  may sayad talaga tong kakambal ko eh. ako na nga tong tolero sa nararamdaman ko ginagago pa ako kung kausapin. 

"gustong gusto ka niyang makita tol! pagbibigyan mo na sya?"

bumuntong hininga ako. hindi ako masamang anak. at wala akong dahilan para di magpakita sa kanya. at isa pa sa palagay ko pareho lang kaming nagagalak makita ang isat isa.

"walang mabuting anak ang ayaw pagbigyan ang sarili niyang ama. " ngumiti ako sa kapatid ko.

napangiti din sya sa sinabi ko.

"kung ganon .  sumama ka sakin mamaya. ,"

napalapad ang ngiti ko. alam ko na pala kung san sya namalage kagabi.

hindi na ako makapaghintay. pagdating nang hapon . nagpaalam lang ako kay Charm na mauna nalang.

sinundo rin kami ni Ate Natasha mula sa school. kinakabahan pa ako ng bumebyahe kami papuntang Mansion nila.

pinagmamasdan ko lang si Ate habang nagmamaneho. sanay syang humawak ng manebela. bukod sa maganda sya. mas malakas pa ang dating niya habang nagmamaneho.

kahawig sya ni mama. hubog ng mukha ilong mata. magkaagaw ang mukha nila ni papa. at maging si Utol. ay naging kamukha niya rin. hindi impossibleng maisip ko na pati kami ay magkamukha rin.

"ok ka lang ba Mark?" tanong niya.

"kinakabahan ako Ate eh!"

bigla syang natawa.

"relax.! hindi nangangain ng anak si Dad.  in other than he was so excited to see you..if you  know How Dad's greatful so Much that you both now appeared.. kahit ako. siguro mas masaya pa ako kay Dad. "

nakita ko syang ngumiti sa may salamin na nasa tapat niya at tumingin sakin na nasa likod. katabi kasi niya si Utol.

shempre di papatalo yun.

maya maya huminto kami sa tapat ng napakalaking Mansion. parang palasyo.

wow! ganito ba kayaman ang Daddy ko?
napalunok ako sa isiping yung.

isa sya sa mga  sikat na sergeon sa buong mundo . malamang may mga tiretoryo sya sa bawat bansa.

kinabahan ako.  at napalunok.

bumukas ang malaking Gate. parang lagusan ng isang palasyo at daanan ng mga maharlika. hari, reyna, princesa o prinsepe..

minaneho ulit ni Ate ang sasakyan niya papasok duon. huminto kami sa tapat.

"we're here!" wika niya sabay busina.

mula sa malaki at malapad na pintuan . hati ang pagbukas nito. may lumabas na apat na babae at magkapareho ang mga suot nito.

IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon